Bannie | PleumaNimoX: SELDA

Search This Blog

Tuesday, June 11, 2019

SELDA

Selda
ni Bannie Bandibas

Selda ang dati mong pangalan,
Dalagang pinagkaitan ng karapatan.
Binaboy ng mga datuhang sabik
Sa ganda at tamis ng iyong halik.

Pinagsamantalahan ang iyong katawan,
Binakuran at patuloy na ninanakawan.
Ngayon, laman ng puso mo'y galit,
Sigaw ng luob mo'y puno ng pait.

Naghimagsik ka ngunit di pa rin natakasan,
Isinilang ang anak mong si Kalayaan
Na ang ama'y ang mapanlinlang na agila,
Inang Pilipinas na ang sarili'y hindi pinalaya.

To Our Adings | June 12, 2019 | Wattpad INKsation | Kalayaan | Partisipante | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...