Night Shift
ni Bannie Bandibas
Gabi-gabing binubulabog ng ingay sa bubong ng bahay ng mga kapitbahay namin ang aking pagtulog. Mga ilang araw na rin ito simula noong nabalitaan naming maraming nabuntis noong kasagsagan ng "quarantine" at hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa amin lang ang walang kumakalabog. Di ko maiwasang magtaka, kaya isang gabi ay sinubukan kong akyatin ang bubungan namin upang suriin kung mayroon bang kakaiba't dahilan kung bakit 'di kami binubulabog.
Sa unang hakbang ay
nayupi agad ang yero at gumawa ng ingay ngunit 'di ako nagpapigil. Nilibot ko
ang buong bubungan hanggang sa sitahin na ako ni Inay.
"Hulyo, ano bang
ginagawa mo diyan sa taas? Bumaba ka na nga diyan." Bulyaw sa akin ng ina.
"May hinahanap lang
ako po ako, Inay." Sagot ko.
"Sige na nga, basta
huwag mong butasan ang bubong natin ha? Tiyaka, bilisan mo kasi aakyat pa kami
maya-maya sa bubongan ng kapitbahay. Magbantay ka rito."
No comments:
Post a Comment