Pawis
ni Bannie Bandibas
Kapag naiinitan, humahalakhak,
Naglalaro, pumapalakpak,
O kapag umiinom lang ng alak.
Kahit sa pagkain ng puto,
Sa simpleng pagtayo,
O kapag pagod sa trabaho
Ay pinagpapawisan ako.
Pawisin ako simula pagkabata.
"Sa likod, maglagay ng tuwalya"
Paalala palagi sa akin ni ina,
Nag-aalala sa aking hika.
Ngunit bigla kitang naisip.
Kaya ibang pawis ang sumisilip,
Kaya ba ng tuwalya ang sumipsip
Mula umaga hanggang pag-idlip?
Pagpapawis ng mga mata
Na kung tawagin ay luha.
Simula noong lumisan ka,
Sabi mo'y "bakasyon lang sinta!"
Hinihintay ang iyong pagbabalik,
Kahit nagkakasakit at ang araw ay tirik.
Ang pawis, sa pisngi'y humahalik,
Ang puso ko'y sa iyo pa rin nananabik.
![]() |
LOGO NG VISIONARY INK PUBLISHING |
Hindi ito natanggap dito pero natanggap sa isa pang antolohiya na inorganisa ng Penmasters League na pinamagatang Timeless Pieces of the Scribblers. Bitin ang piyesang ito ngunit galak ang nadama nang may tumanggap pa rin.
ReplyDelete