Chorus: Sa mundong ating
ginagalawan,
Sa kahit anong lakaring
daan,
May makakasalubong ka—
Mga taong mapanghusga.
Mga kumento nila'y
nakahanda
Para ipukol sa 'yo't
ipakita
Ang kanilang pagsalungat
Lalo na sa nabanggit
naming pamagat.
Chorus: Hi, wish!
Me: Dakilang pakboy ang
tawag nila sa akin,
Tingin naman ng iba ay
masyadong mahangin.
Kasalanan ko bang maging
magandang lalake
At isang kindat ko lang,
nakalalaglag pante.
Nakukuha ko lahat ng
kahit na sinong dilag,
Anong meron ka na wala
sa iba
At ang tulad kong
tigasin ay pinapakaba?
You: Ikaw ang dahilan kung
bakit ayaw na ayaw ko
Sa lalake, lalakeng
bolero't feeling gwapo.
Mga lalakeng ang gusto
lang ay mapansin,
Mga lalakeng gusto ang
lahat ay maangkin.
Ibahin mo ko dahil hindi
ako babae,
Hindi ako pangkaraniwang
babae.
Di ako nagpapauto sa mga
kagaya mo pre,
Kaya lumayo-layo ka na.
Tsupe.
Chorus: Mga pusong di
magkasundo
Saan kaya patutungo?
Halika at ituloy na
natin ang kwento.
Me: Naging malapit at
sinimulan kitang kaibiganin,
Nagbabakasakaling
mahulog ka rin sa akin.
Pero tila napakatigas at
tibay ng puso mo
Na ni isang hokage moves
ko, di gumagana sa 'yo.
Pumapalya na yata tong
powers ko,
Baka nagpapakipot ka o
hindi mo lang talaga ako gusto?
You: Gusto naman kita ngunit
bilang kaibigan,
Pagod na rin kasi akong
masaktan.
Ayaw ko na sa mga
lalakeng habol lamang ay katawan,
Yung susubukan at
pipilitin kaming mapuntusan.
Guys are guys. And girls
are not your toys—
You should man-up and do
not play like boys.
Chorus: Mahirap
maintindihan ang ayaw intindihin,
Ang konsepto mo ay hindi
tulad ng sa akin.
Me: Sa lipunang malabong
makakita ng tugma,
Pipilitin ang sarili na
ang lahat ay makuha.
Kahit sabihin ng iba'y
nagmumukha nang tanga,
Ganito ang pinili kong
pag-ibig kaya bahala na. Sana.
You: Sa lipunang ang
batayan ay ang pagmamahalang eva at adan
Kung ang pamantayan ng
iilan ay ang kasarian
Kung puro pag mamalupit,
ang kapalit ng totoong nararamdaman
Ako kaya'y
maiintindihan? Sana.
Me: Nagmamahal ako.
You: Nagmamahal ako.
Me: Kung gayo'y ba't di
na lang tayo?
You: Ayaw ko, pagkat
pareho tayong talo.
Chorus: Oo. Hindi tayo
talo.
(Ako/Ikaw) yung lalakeng
nanggagago
At babae ang gusto
(Mo/Ko).
Chorus: Ikaw?
You: Panghahawakan mo ba
ang prisipyo mo ng pag-ibig kahit alam mong mali?
Me: O bibitiwan ang
kaligayahan nang di mahusgahan at masisi?
Search This Blog
Wednesday, April 6, 2022
ANG PRINSIPYO KO NG PAG-IBIG
Ang Prinsipyo Ko Ng
Pag-ibig
Inayos ni Bannie Bandibas
Labels:
02 PERFORMANCE ART PORTFOLIO,
SPOKEN,
TULA
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
A REVIEW ON: KAPOY NAKO
π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...
-
π Follower ko ni Sir Mubarak sa facebook ug nakaila ko niya kadtong isa ka issue sa TF something in the past, sukad ato kay sige na kog atan...
-
π Luwal | Hati, mga tula ni Agatha Palencia-Bagares. The only chapbook I bought last August, 2023 in Philippine Book Festival held at SMX L...
-
π Takós Tomo III Ito ang unang volume ng antolohiyang Takós na nabasa ko, di mapagkakaila ang husay sa pagpili ng mga piyesa na talagang uma...
Mali yata ang pamagat pero hayaan n'yo na.
ReplyDelete