Bannie | PleumaNimoX: MALAY MO

Search This Blog

Thursday, February 13, 2020

MALAY MO

Malay Mo
ni Bannie Bandibas

Malay mo tayo sa dulo.
Hindi natin masabi kung
Ano nga ba ang kahahantungan.
Sugal ng pag-ibig.
Handa 'kong isuko ang sarili
Sa daang walang kasiguraduhan
Kasi malay mo tayo.
Malay mo tayo.

Malay mo,
Magkita tayong muli sa dulo.
Pagkatapos mabasag ng mga puso
Ay tayo rin pala ang bubuo nito.

Oo, umaasa pa rin ako
Na ikaw ay masisilayan kong muli.
Matitikman uli ang 'yong labi
Na wala pait.
Wala nang sakit
Na ipadarama
Kasi handa na tayong dalawa.

Sa ngayon
Ay hahayaan muna si tadhana
At papakawalan muna mula sa gapos ang isa't isa.
Ngunit mananatiling tapat sa pangako
Na tayo'y magbabago.
Na aayusin muna ang sarili
Bago tayo umibig uli.

Malay mo, tayo
Pala ang itinadhana
Ngunit kailangan munang kumawala.
Nandito pa rin ako. Nagbabakasakali.
Nagmamahal nang di pinipilit ang sarili.
Pagkat naniniwala ako sa isang sabi—
Lahat ng gusto mong manatili
Ay dapat hinihintay.

Ako'y maghihintay
Kasi malay mo, tayo.


FACEBOOK VIDEO

Malay Mo | February 14, 2020 | MZ Hideout | Bannie Bandibas

1 comment:

  1. Valentine's day, ikalawang beses sa araw na iyon na kumanta ako sa aking performance. Nagfe-feeling singer.

    ReplyDelete

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...