Bannie | PleumaNimoX: BAYAN KONG MALAYA NGA BA

Search This Blog

Tuesday, June 11, 2019

BAYAN KONG MALAYA NGA BA

Bayan Kong Malaya Nga Ba
ni Bannie Bandibas

Ang bayan kong Pilipinas,
Lupain ng ginto't bulaklak.
Mayumi, inosente mula sa dahas,
Napupuno ng ngiti at halakhak.

Pag-ibig na sa kan'yang palad,
Nag-alay ng ganda't dilag.
Kapayapaan ang pinalilipad,
Katahimika'y di nababasag.

At sa kan'yang yumi at ganda,
Dayuhan ay nahalina.
Bayan ko, binihag ka,
Nasakdal sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad,
Kulungin mo at umiiyak.
Opinyon ay hindi mailahad,
Karapatan ay ibinabagsak.

Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang 'di magnasang makaalpas.
Matapang man at di nababahag
Ay hindi pa rin makatakas.

Pilipinas kong minumutya,
Pugad ng luha at dalita.
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.

Bayan kong malaya (nga ba?)


POSTER NA INEDIT NG INYONG LINGKOD


Bayan Kong Malaya Nga Ba | June 12, 2019 | Spoken Word Poetry University | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: WORDS FROM WATER (SECOND EDITION)

π Reading this zine made me feel being more human. Your feelings are valid. Your experiences are real. You are not a malfunctioned robot in ...