Lipad
Kung alam mo lang,
ninais kitang pigilan
ngunit natakot ako
na mas mapalayo sa 'yo.
Ayaw kong iyong
maramdaman
na hindi kita kayang
bitiwan.
baka kasi isipin mo
na bilanggo ka ng
pag-ibig ko.
Malaya ka nang lumipad
ngunit kahit saan ka man
mapadpad,
tandaan mong nandito
lang ako,
maghihintay sa upuang
ito.
Titiisin ko ang gabing
malamig,
sinlamig ng inakala kong
pag-ibig.
#ForbiddenPoetry
#FPWriter
![]() |
LITRATO MULA SA GOOGLE AT EDIT NG INYONG LINGKOD |
No comments:
Post a Comment