Bannie | PleumaNimoX: April 2019

Search This Blog

Saturday, April 27, 2019

PLANNER

Planner

    "My planner with him," this is what she titled to a small notepad. A planner written ten years ago. That is one thing I like about her, a choleric woman who wants to plan everything. I started to flip the cover and read each entry. "October, 2009: we'll getting married at the St. Bernard church." The first time I kissed her lips and cried like a baby. "August, 2010: we'll be having a little guy." We named him Eiffel. "February, 2012: we're going to paris." The first time we travelled abroad and I remembered buying her a bag. "June, 2015: Eiffel will be attending his first class." He's the one who carry his things and got kisses from us. How I miss our old times in the province. "February, 2018: we will be acquiring our own house in a mountain view village." A place we dreamt to stay in, I saw her smile taking the keys. "March, 2019: we'll be having our first car." I remember the day, we're driving down the road. The day that wished to replay. I flipped the page and found nothing on the next.

    Few moments later, I found myself holding a pen. I started writing on that blanked paper. "April, 2019: we'll be lying in this bed, holding her close to me. I will hear her say, 'let's stay here' and I'll listen." My tears suddenly fell, leaving marks of mixed water and ink on the sheet. The writtings slowly vanishing until it's unreadable. I closed the planner with nothing to plan with her. I guess, I cannot please God to give her back to me again. I shouldn't stay under this rain, I must forgive my self and take this pain. 

*Certificate of Participation - 3rd Place*

Planner | April 28, 2019 | Ros Bookshelf | Writing Competition | 3rd Place | Bannie Bandibas




Thursday, April 18, 2019

LEARN AND GROW

LEARN AND GROW
ni Bannie Bandibas


from your mistakes,
no matter how bothering it takes.
LEARN AND GROW
from your errors,
though hurts and pains devours.
LEARN AND GROW
from your wrong experiences,
even the sun lost it's radiances.
LEARN AND GROW
from your downfall,
know that God still loves you after all.

LITRATO NG INYONG LINGKOD

Learn and Grow | April 21, 2019 | Bannie Bandibas

Monday, April 8, 2019

PATUNGO SA PATUTUNGUHAN

#TNPSAKAMPI2

#AngIkatlongHamon

#PangkatKatapangan

ENTRY NO. 1

Patungo sa Patutunguhan


PANGARAP nga ba'y ang dulo

o ang simula ng PANGARAP?

KUKURAP pagkat nalilito,

pipikit at muling KUKURAP.

ANO nga ba ang pangarap,

ang patutunguhan ko'y ANO?

MABIBIGO ba o malulunod sa sarap,

makakamit ba o talagang MABIBIGO?

KARERA, ang tingin ko noon

sa pangarap ay isang KARERA.

PUSTA'Y di lamang ilang trilyon,

halaga ng buhay ko'y IPINUSTA.

TITINGNAN kung tama ba ang ginagawa

pagkat sila'y NAKATINGIN,

GAGAWIN ang lahat kahit sumobra,

kahit ang totoo'y di ko na kayang GAWIN.

MAHALAGA kasi noon sa akin kung

paano nila ako bibigyang ng HALAGA,

HUSGAHAN man ng mga taong

mga mata'y MAPANGHUSGA.

PAGKAKAMALI, ako'y nakinig sa kanila

na ako'y isang PAGKAKAMALI.

HINDI na ako magpapadala

sa kasinungalingan nila. HINDI.

ALAM kong may naniniwala at

nagtitiwala sa KAALAMAN ko

na KAYA kong magpatuloy at

ang paglalakbay ay MAKAKAYA ko.

DAAN ma'y mahirap lakarin,

pagsubok ma'y nasa DARAANAN,

HUMARANG man, ako'y mananalangin

na kaya kong gibain ang HARANG.

PARA SA AKIN ang pangarap ko,

ang tagumpay ay NASA SA AKIN din.

NASA PUSO ang tibay na kailangan ko,

mga taong laman ng PUSO at dalangin

na MAKAKAPITAN ko sa paglubog

kasama ang sandigan ko't KAPITAN,

MASUGATAN at MABUO man sa daan ang hamog,

Siya ang ilaw na BUBUO sa SUGATAN.

PAGSUKO ay hindi rin naman karuwagan

pagkat katapangan din ang PAGSUKO,

PAG-AMIN na ika'y nahihirapan—

kahinaan ay AMININ mo

SA KANYA, pagkat Siya'y nakikinig—

lahat ay ibulong mo SA KANYA.

UMIYAK ka hanggang ang tubig

sa mata ay maubos, hindi na IIYAK pa.

MAGTIWALA sa sarili na maaabot

ang inaasam at hanggang may TIWALA

ay MAKARARATING ka sa pook

at sa iyong PAGDATING

MADARAMA mo ang saya

na noon mo pa nais MADAMA

basta't TANDAAN na habang humihinga ka pa

ay may pag-asa, PAKATATANDAAN.

PANGARAP na patuloy, pinipihit,

at buong puso kong PINAPANGARAP

kahit ULAP ma'y gawin ang langit

na madilim at MAULAP.

SUSUNGKITIN hanggang ang butuin

ay tuluyang MASUNGKIT,

MAINIT na apoy sa puso'y mananatiling

naglalagablab at dama pa rin ang INIT.

PATUNGO ako sa daan

tungo sa aking PATUTUNGUHAN.

LALABAN sa kahit anong laban

at di susuko sa LABANAN.

TAPANG ang sandata,

mapupuno ng KATAPANGAN

DALANGIN ang gumawa sa baluting ng pananampataya,

patuloy na sasamba at MANANALANGIN sa Kan'ya.


*Certificate of Recognition - Golden Pen Award*


Patungu sa Patutunguhan | April 9, 2019 | Katipunan ng mga Manunulat sa Pilipinas | Tawag ng Panitikan sa KAMPI: Ang Ikalawang Paglayag | Gintong Pluma | Bannie Bandibas

Saturday, April 6, 2019

SANCHEZ PEAK 2019.2


It looks like a night sitting on a park
when a sudden touch gave a spark.
Your eyes staring at me, leaving a mark,
it's like saying, "I don't want to die Mr. Stark."

Pity runs to my nerves rapidly,
got the guitar like hugging thee.
Played a song you always requesting me
to sing caused my voice feels like a fantasy.

You moved towards me and sang along,
we felt the world where be belong.
The hard feelings was overed by the song
but sadly we haven't took the ride for long.

The jam stopped, thought it'll be fine,
but I hear the coldness from a sigh.
A short moment, still I can't define—
a place like heaven that we chose to fly.

SANCHEZ PEAK 2019.1


Hinintay kita sa tuktok habang nakatingin sa malayo,
dama ang init ng paglubog ng araw at hangin sa pisngi ko.
Ako'y nakatayo sa gilid ng bangin at medyo kabado
dala-dala'y isang tanong, "sasaluhin mo kaya ako?"

Mga kasaguta'y bigla-biglang sa utak ko'y sumilip,
sinlakas ng hangin na rumaragasa at patuloy na umiihip.
Napagtanto na malabong magkatotoo itong panaginip,
pagkat puso mo'y hawak na at mayroon nang nakadakip.

Ngunit hinintay pa rin kita habang nakitingin sa malayo,
tanaw ang lalim ng bangin, sinlalim ng nadarama ko.
Di ko na kailangan pang tumalon pagkat namatay na ang puso ko,
puwera biro, matagal nang patay na patay sa 'yo.

Thursday, April 4, 2019

PAHINA

Pahina

c: Pa—Pagpili
b: Hina—harap
b: Pagpili ng hinaharap,
sa pait ba o sarap?

c: Kahit sa bawat pagkurap,
kailangan mong pumili.
b: Mga pahina ng buhay,
kabanata ng iyong istorya.
c: Sa iyong paglalakbay,
hihinto na ba [o mananatili?]:b

c: Bibilang ako ng lima,
b: apat,
c: tatlo,
b: dalawa,
c: isa—
Bubuklatin ang una...

b: Una kang tumapak
sa mainit na concretong tapakan,
c: nakipagtulakan hanggang
nakalusot sa makitid na daan.

b: Nakarating sa silid,
pumasok, di nagdalawang-isip.
Nanabik sa bagong yugto
na dati'y isa lamang panaginip.

c: Ngunit iba ang akin,
pagkat takot ang nasa puso ko—
subalit pinilit kong pasukin
kahit di naman ako sigurado.

b: Unang pagsusulit, aking pinaghandaan.
Tumagaktak na ang pawis ngunit hindi ko pa rin matagpuan.
Bente pesos, ika'y nasaan? Maam, pwede bang ikaw na lamang ay bayaran?
At 'yon ang una kong pagbagsak. Oo, ako'y umiyak
ngunit pagdamay ng mga kaibigan
ay nagbigay galak.

c: Unang reklamo, mga bagay na pinagtatalunan
Maliit na detalye pinapalaki,
Fines, mga requirements at pag-attend sa mga recognition na sakit ang dulot sa kalooban,
Sapagkat noong nakaraan ako’y nakatangap ng ganyan.

b: Pangalawa. Financial accounting,
totoong masakit sa ulo.
Standards and concepts, nakalilito—
ngunit nagpatuloy ako.
Financial management,
nagmukha akong agent.
Sa solman at testbanks ako'y umasa.
Salamat at binigyan mo ng pag-asa.

c: Taxang daming dapat memoryahin,
Ang daming thereshold na dapat kabisaduhin
Yung tipong naabot ang thereshold pero grade mo di umabot.
Yun bang pag sinabi na ni teacher na “are with me?”
Nangangatug na agad tuhod mo kasi ang kasunod recitation at ang ending remain standing.

b: Pagkakaibigan ay lalong tumibay
'yong tipong nakikitulog na sa bahay-bahay
matapos lang ang requirements.
Kasama mo sila in your hardest moments.
Akala mo kasi matalino ka nang nilalang
dahil practice set ay iyong nasagutan,
ngunit mas mahirap pala ang ikalawang hakbang,
buti na lang may mga kaibigan kang makakapitan.
Naging motibasyon at inspirasyon
upang matapos ang iyong misyon—
nagbigay ng bala sa giyerang malaWorldWar2.
"Magtatagumpay ako, magtatagumpay ako."

c: Ito rin yung mga panahong tayo’y tumutuklas
unang sulyap, unang iyak, umiyak at ang iba ay nagpa iyak.
Yung tipong gusto mong humanap ng kamatch,
Sa BSIT kaya baka sakaling maprogram nya ang magandang future namin,
Pwedi ring taga Education baka sakaling maturuan nya akong magmahal ng tapat para sya lang sasapat,
O taga Criminology kaya mga matipo at matatapang na nilalang, Baka sa sakit ako’y kayang protektahan.
Bakit di nalang kaya sa Accountancy baka sakaling makuha nmin ang tamang balanse.
Pero alam ko karamihan Civil Engineering ang gusto, Kasi nga daw Accounts are meant for engineers, sabay ang pagbabakasaling kaya nyang buohin ang magandang pundasyon ng isang relasyon.
At nung panahong ika’y pumalya at nasawi ang gamot ay “tara tagay muna”.

c: Pangatlo...
b: Pangatlong taon,
pangatlong giyerang susuungin ko.
Advanced accounting ay hindi biro,
Buti na lang nandiyan si Dayag at Guerrero.
'Yong akala mong nakaligtas ka na sa 1 at 2,
may part 3 pa palang bubugbog sa 'yo.
Tila may dumaang mga anghel at santo
nang biglang nagtanong si prof ng "anong sagot dito?"
Nakatingin sa kisame,
tila naghahanap ng butiki.
Parang mai-ihi
at pinagpapawisan ang kili-kili,
Gusto ko na sanang sumigaw ng "what the hell."
Buti na lang I was saved by the bell.

c: Sobrang pagod, puyat, sakit at pait na dinanas
Piniliko nang taposin ang laban at ipagpatuloy ito sa ibang landas
From BSA to BSAT ito na nga talaga siguro ang tinadhana ng maykapal
Di bali nang BSAT lalaban pa rin hanggang huli.
Hindi man garantisadong hindi na magreretake at on time gagraduate atleast may tatlong lettra pa ring makakamit.

b: MagShift diay ka? Magshift na lang pud ko eh.
c: ha? Ayaw uyy

b: Pang-apat...
c: Magpakatibay ka
Wag mo akong tularan, kung ayaw mong pagsisihan ang labang iyong binitawan.
Nandyan ka na, wag indahin ang pagod
Luha ay mapapawi, Paghihirap at matatapos.

b: Oo nga, nandito na rin ako,
ngayon pa ba ako susuko? Di ba?
Pang-apat na taon ko na,
Laban pa, lalaban pa.

c: lumaban ka, humakbang ka nang pasulong, andyan kana wag ka nang umurong
b: Pipiliin kong magpatuloy
na may tiwala sa sarili at
hindi lamang sa sarili,
Siya ang mauuna,
pananalig sa may likha.

c: Magkaiba tayo ng daan, makaiba ang buhay na tatahakin.
Ngunit ang tagumpay mo ay tagupay ko na rin
b: Magkaibang sasakyan,
Iisang pinaghuhugutan.
Lubak-lubak man ang daan,
alam nating makakarating.

b&c: Oo...

b: Panglima... Ang dulo...
c: Nakarating na sa dulo,
kahit hindi na ang dati kong inasam
ay tatanggapin kong maluwang
sa puso ang aking tangan.
b: Nakarating na sa dulo,
nagpakatibay at nagtiwala
na maaabot ko ang mga tala.
Heto na nga, heto na nga.

c: Sa kabila ng problema, emosiyon,
kalungkutan na sa utak ko'y kumatay,
b: Sa kabila ng pagkabaliw, depression,
at minsang pagsubok na kitilin ang buhay—
c: Isa lang ang naging dahilan
upang magpatuloy sa paghakbang.
b: Sa kahinaan, ako'y pinasan,
mga luha ko'y pinunasan.

b&c: Ang Diyos na nagbigay sa akin ng buhay. Nagmahal sa akin nang tunay.
c: Sinablay,
sa damit ko'y nakasabit.
b. Diploma,
hawak ko na, nakakapit.

c: Pagbati...
b: Sa 'yo rin...

b&c: Marami mang pinagdaanan at libong nabigkas na panalangin. Pangarap may nanatili o nilipad na ng hangin, lumangoy sa karagatan o tuluyang nalubog sa buhangin, makakarating ka pa rin, ano man ang piliin.

c: Ito ay para sa mga taong, Nalagpasan ang mga hamon at nagtagumpay.
b&c: Isang pagsaludo sa tapang n'yong taglay.

SKRINSYAT/LITRATO MULA SA BIDYO SA FACEBOOK
 
FACEBOOK VIDEO

Pahina | April 5, 2019 | JPIA NIGHT 2019 | Bannie Bandibas | Cristy Joy Berezo

Monday, April 1, 2019

TAKAS

#KAMPIAktibidad

#4pics100words

Takas

Siya'y isang takas mula sa mundong tinatawag ng iba'y bilangguan. Sinubukan niyang sila'y aliwinin ng musikang isinilang mula sa sariling sinapupunan. Pinilit niyang mabago ang mundo gamit ang liriko ngunit siya'y nabigo.

Isang balita ang lumabas, siya'y natangpuang patay. Mula sa selpon, tumutugtog pa ang kantang walang titulong nakalagay. "Akala ko'y nakatakas na mula sa gulo, sa mundong ako'y bilanggo. Ngunit aking napagtanto, hindi ako lumiyas kundi ninakaw n'yo ako. Ang mundo ng musika ang aking tunay na tahanan, hindi ang mundong puro kasinungalingan. Akala ko'y makikinig kayo sa katotohanan ngunit nagbingi-bingihan, kaya uuwi na lamang. Sa inyo'y mamamaalam. Paalam."


*Certificate of Participation*


Takas | April 2, 2019 | KAMPI Pamayanan | 4 pics, 100 words | Partisipante | Bannie Bandibas

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...