Search This Blog
Sunday, February 27, 2022
TELESKOPYO SA KALAWAKAN
Teleskopyo sa Kalawakan
Teleskopyo Sa Kalawakan | February 27, 2022 | Talang Malaya Sparkles | Pagsulat ng Tula | Most Inspirationational Piece | Bannie Bandibas
Minsa'y nagkuwento si inay ng aking kamusmusan,
kung paano siya nahumaling sa aking pagkinang.
Bawat pagngiti at pagtawa na walang pagdaramdam,
talang bagong silang—sabik ang lahat na masilayan.
Sa aking pagtanda't sa mundo'y nagkaroon ng muwang,
unti-unti kong naiintindihan ang kasikatan—
labis na pagtingala ng iba sa 'yong kakayahan,
pagkulimlim ng liwanag ay tiyak kang huhusgahan.
Nakapapagod maging bituing sinusubaybayan,
sa pagtawa—may nakakubli nang hikbi't kalungkutan.
Sawa na ang payasong walang tigil na sinusundan
ng teleskopyo sa mapagpanggap nitong kalawakan.
SERTIPIKO NG PAGKILALA
PASKIL NG TMS
TALA NG ISKOR
SERTIPIKO NG PAGKILALA ( TOP 40 )
SERTIPIKO NG PAGKILALA ( TOP 70 )
SERTIPIKO NG PAGKILALA ( TOP 109 )
SERTIPIKO NG PAGKILALA - INSPIRING PIECE
SERTIPIKO NG PAGLAHOK
Teleskopyo Sa Kalawakan | February 27, 2022 | Talang Malaya Sparkles | Pagsulat ng Tula | Most Inspirationational Piece | Bannie Bandibas
Labels:
01 LITERARY ART PORTFOLIO,
TULA
SINISINTANG PANULAT
Sinisintang Panulat
Sinisintang Panulat | February 27, 2022 | Talang Malaya Sparkles | Pagsulat ng Baybayin | Best In Creativity | Bannie Bandibas
Aking Sinta, ako sayo'y may ipagtatapat
na alam kong alam na rin ng sansinukob.
Noong ako'y nadapa at napuno ng sugat,
ikaw lamang ang siyang dito ay tumaklob.
Napawi ang aking pighati't lumbay na dulot
ng minsang pagkulimlim ng aking kalawakan.
Talang kumikinang at kamay na humablot
sa durog kong puso mula sa kadiliman.
Hindi ako magiging tagapagpinta ng titik
kung di dahil sa pagdanak ng iyong dugo—
nang ika'y umiyak at sa papel ay humalik,
nagkaroon ng kahulugan ang mabuhay sa mundo.
SERTIPIKO NG PAGKILALA
LITRATO NG LAHOK NA BAYBAYIN
PASKIL NG TMS
TALA NG ISKOR
SERTIPIKO NG PAGKILALA ( TOP 15 )
SERTIPIKO NG PAGKILALA ( TOP 20 )
SERTIPIKO NG PAGKILALA ( TOP 30 )
SERTIPIKO NG PAGKILALA ( TOP 37 )
SERTIPIKO NG PAGKILALA - BEST IN CREATIVITY
SERTIPIKO NG PAGLAHOK
Sinisintang Panulat | February 27, 2022 | Talang Malaya Sparkles | Pagsulat ng Baybayin | Best In Creativity | Bannie Bandibas
Saturday, February 26, 2022
KUWARTONG MAULAP
Kuwartong Maulap
“Kim, nasaan ka?" Tinawag ako ng nanay ngunit hindi ako umimik. Nanatili akong nakadungaw sa bintana ng aking silid na bitbit ang isang kandilang unti-unti nang natutunaw.
Araw-araw ay dumadating ang tatay na kumakatok lamang sa pinto kasabay ng pamumuo ng mga ulap sa pagsambit nito ng pangalang “Kimberly."
Gabi-gabi ay pilit pinapatay ng ulan ang sindi ng kandila ngunit niyayakap ko ito. Umaalingawngaw pa ang sigaw sa kalye, “ate Kim, baliw!"
Hindi ako baliw. Hindi rin ako si Kim. Hindi ko nga rin kilala ang aking kaluluwa na unti-unting nilalamon ng apoy ng aking kalungkutan, pag-iisa. Walang pamilya.
Kuwartong Maulap | February 27, 2022 | Tulang Malaya Sparkles | TMSS7: Pagsulat Ng Dagli | Partisipante | Bannie Bandibas
Labels:
01 LITERARY ART PORTFOLIO,
DAGLI
Friday, February 4, 2022
02-05-2020
02-05-2020
ni Bannie Bandibas
Maligayang kaarawan sa
iyo.
Nawa'y maging paalala
ang araw na ito
na minsan kang naging
biyaya para sa ibang tao
nang una kang umiyak at
isinilang sa mundo.
Kung tatangis ka mang
muli'y laging tatandaan
na sa minsan mong
pagngawa'y may nakaalam
na nabuhay ka at
mahalaga ang iyong kapanganakan
para sa kanila. Punasan
ang mga matang malamlam.
Ang pag-ibig ng mga
magulang ay talagang dakila,
ang tagumpay at mga
ngiti mo'y kanilang tuwa
at kung sa panahon naman
ng iyong pagluha,
yakap nila'y palaging
nandiyan. Hindi pumapalya.
Kaya tahan na.
02-05-2020 | February 5,
2020 | Bannie
Bandibas
Labels:
01 LITERARY ART PORTFOLIO,
TULA
Subscribe to:
Posts (Atom)
A REVIEW ON: KAPOY NAKO
π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...
-
π Follower ko ni Sir Mubarak sa facebook ug nakaila ko niya kadtong isa ka issue sa TF something in the past, sukad ato kay sige na kog atan...
-
π Luwal | Hati, mga tula ni Agatha Palencia-Bagares. The only chapbook I bought last August, 2023 in Philippine Book Festival held at SMX L...
-
π Takós Tomo III Ito ang unang volume ng antolohiyang Takós na nabasa ko, di mapagkakaila ang husay sa pagpili ng mga piyesa na talagang uma...