Bannie | PleumaNimoX: IMAHE

Search This Blog

Thursday, June 18, 2020

IMAHE

Imahe
sa panulat ni Cristy Berezo

Cris: Sa isa.t isa
Tayo.y dinala ni tadhana
Pinatagpo ayon sa kagustohan ni bathala
Ang isa.t isa ang naging takbuhan
Noong mga panahong pareho tayong nakakulong sa nakaraan
Naging sandigan ang isa.t isa upang harapin ang bagong umagang wala na ang mga dating mahal

Ban: Naging panakip ang bawat isa, upang takpan ang sakit na dulot nang kahapong nagdaan na dumurog sa puso nating dalawa
Ginamit ang isa.t isa upang pagtagpi tagpiin
Ang mga pusong nadurong ng kanya kanya nating pag ibig
Ang isa.t isa ang naging sandalan
Upang makalimotan ang sakit at sugat na malabo nang maghilom pa
Hindi na maibabalik ang dating pagsasama
Tanggap na ng bawat isa na ang kanya kanyang pag ibig
Ay natapos na, at hindi na ulit maibabalik pa
Ang nakaraan ay limot na

Song—Chorus Ban

Cris: Ang hirap palang kalimotan ang isang taong
Nag ahon sayo mula sa hukay nang nakaraan
Sa kadena nang kalungkotan
Nagpalaya sayo mula sa kulongan nang sakit na dulot ng nakaraan at sa takot na muling maulit ang mga pighati
Ang mga masasayang alaala ay sa litrato nlang muling masisilayan
Ang mga matatamis na ngiti ay sa alaala nalang nakaukit
Ang mga masisigla mong pagtawa ay mananatiling musika sa aking tinga
At ang mga pangako sa isa.t isa ay patuloy na tutuparin kahit nag iisa
Hanggang dito nlang tayo

Song—Verse2 Ban

Ban: Ang pag ibig ay di nasayang
Hindi man tayo nagtapat sa isa.t isa
Sa totoong nararamdaman
Nais ko mang bumalik sa nakaraang ikaw pa ang kapiling
Ay hindi na maaari pa
Tayo.y pinagtagpong magkita
Subalit hindi tinadhanang magsama

Ban: *Mutigtig, stand straight*

Cris: Hanggang sa walang hanggan
Kung maaari ko lang sanang
Hawiin ang lupang nakakumot sa iyo sinta akin ng ginawa
Kung maaari ko lang sanang
Punan ang iyong nawalang hininga
At wasakin ang salamin na nakapatung sa iyong kahon
Upang ika.y muling makapiling akin nang ginawa
Hindi mo na maririnig pa ang mga salitang nais kong ipahiwatig
Hindi mo na madarama pa ang aking pag ibig
Hanggang dito nalang
Natapos na ang oras na sa ati'y inilaan.



Imahe | June 19, 2020 | Bannie Bandibas

1 comment:

  1. Mula sa panulat ni Cristy Joy Berezo, singing voice ni Bannie ang nagpasarap. Char.

    ReplyDelete

A REVIEW ON: WORDS FROM WATER (SECOND EDITION)

π Reading this zine made me feel being more human. Your feelings are valid. Your experiences are real. You are not a malfunctioned robot in ...