#DugtunganChallenge
#Compilation
Title:May Forever
Genre:RomCom
By:TeamPla
Minsan, dumarating talaga sa buhay ng tao ang kabiguan. Madalas nawawalan sila ng tiwala sa magagawa ng pag-ibig. Sabi pa ng iba ay wala daw Forever. Pero wala nga ba?
Katulad na lamang ni Samantha. Dahil sa dami ng kabiguan sa pag-ibig kaya buo ang paniniwala niyang wala talagang forever.
"patayin mo na nga 'yang Tv! naaalibadbaran ako." nakasimangot na utos niya kay Apol.
"Ate, nakakakilig kaya ang Kdrama." tutol ni Apol.
"kahit na! wala paring forever!" singhal nito.
Pinatay na lamang ni Apol ang TV at nagpatugtog ng Love yourself ni J.Bieber.
.
Tiningnan siya ng masama ni Samantha.
"Eris, tingnan mo si Ate Sam. Sobrang ampalaya, e," inis na reklamo ni Apol kay Eris, kaibigan din nilang kasama nila sa Dorm.
.
Tumawa si Eris. "Bayaan mo na. Alam mong di pa move on yan sa pangfriend zone sa kan'ya ni Ten, kahit na binigyan na niya ng maraming drawing and painting materials." Natawa si Juvy.
.
"Di nga kasi nabibili ang puso. Nanghihinayang yan sa ginastos niya, promise!" Itinaas pa ni Juvy ang kanang kamay para lalong asarin si Samantha.
.
Sa inis ni Samantha sa mga mapang-asar na kaibigan padabog itong tumayo sa kinauupuan nyang bangko at humakbang palabas ng bahay ,ngunit ng makalabas s'ya ...ay s'ya namang pagsulpot ni Ten kasama si Jo na may dalang bola tila hingal at pagod dahil sa paglalaro ng basketball ang mga ito. Sa gulat ay napahinto si Samantha sa paghakbang dahil nanigas na ito sakanyang kinatatayuan kung kaya't hindi n'ya magawang tumitig kay Ten dahil narin sa inis at pagkapahiya nito nuon.
"O andyan ka pala Samantha ,Kamusta ang na FRIEND ZONE?" Bati ni Jo sabay hampas sa braso n'ya at humalakhak na kala mo'y wala ng bukas.
Nagngitngit sa inis si Samantha dahil sa ginawa ni Jo kung kaya't bumusangot s'ya at patakbong umiyak ...
"Luh? Anong nangyari duon? " Tanong ni Jo sa katabi na nagpupunas ng pawis pati laway damay na ... Tanging pag iling at kibit balikat lamang ang isinagot ni Ten sa kaibigan. Edited · 4 · Haha · Delete · Report · Jan 10 at 3:38pm Ten Grams "Juvy, paluto naman ng pancit canton." Sabi ni Ten bago maupo sa sofa. "Anong flavor?" "Yung paborito ni Sam, sweet and spicy. Kita nyo babalik yun dito kapag naamoy niya yan." Habang nagluluto si Juvy ng canton ay muling binuksan ni Apol ang telebisyon para manood. "Amina 'yang remote" sabay agaw ni Eris at biglang sinalang ang VCD. ZUMBA to Make Him Fall For You, ang nakasulat sa case ng cd. "Oy dun kayo sa kusina, amoy pawis kayo." pagalit na sabi ni Eris sa dalawa. "Samahan nyo si Juvy doon." Dugtong pa niya.
Nasa kusina ang tatlo nang marinig nila ang hiyaw ni Apol at Eris. Bagamat malakas ang sigawan nila ay mas malakas pa rin ang tunog na nagmumula sa telebisyon. "OHHHHH. OOOHHH."
"YARI,DOON KO NGA PALA INILAGAY YUNG PABORITONG VCD NI UWAK!!" Bulalas ni Jo.
Karipas ng takbo ang dalawa papunta sa likod bahay. Tulala si Juvy. Traumatized si Apol. Tumitili pa rin si Eris. Gulantang sa dinantan sa bahay si Sam.
"Eris, tumahimik ka nga!!! Ano bang nangyayari?" bulyaw ni Sam. "Iba kasi yung laman ng vcd. Huhuhu -- My innocent and virgin eyes" iyak ni Eris.
"Ano pala yan? Patingin nga." *nagulat*
"Anong nangyari kay Barney? Bakit duguan?"
"Sinaksak ng mga babae." tulalang sagot ni Juvy.
"Ahhh, kaya naman pala. Kasalanan niya rin naman yan eh."
"Huh?" napatingin ang lahat kay Sam.
"Di niyo ba alam? Napakababaero din niyang Barneyng yan. Kahit sino nalang ang sinasabihan ng 'I LOVE YOU, YOU LOVE ME' -- nasaan ang loyalty? Buti nga sa kanya, mamatay na lahat ng mga paasa at manloloko. MAMATAY NA KAYO!!!"
Tulala parin si Juvy.
Nakatulog na si Apol.
"Mahal ko siya eh" bulong ni Eris na umiiyak parin.
"Di ka niya mahal, magsasawa ka rin sa kanya -- tumahan ka na nga Er..." *tok tok tok*
Pare-parehas silang nagitla ng sabay na pumasok sina Tinidor at Crow.
"Ehem!" tikhim ni Juvy na nakabawi na. "May niluto akong pancit canton. Tara doon na kayo sa kusina tumuloy." Kinindatan niya sina Ten at Jo habang ginigiya sa kusina ang dalawang bagong dating.
Binatukan ni Eris si Jo. "B'wisit ka. Bakit 'yan sinalang mo? Nananadya ka?" Tumatawa lang si Jo habang tinatanggal sa VCD ang CD. "Kaloka ka." si Eris pa rin.
"'Yan sige, itago n'yo na. Buti pa 'yang gan'yang bagay mahalaga't itinatago," naiinis pa ring dumeretso ng k'warto si Samantha pagkatapos irapan si Ten.
"Mata mo," natatawang sabi ni Ten. "Baka malaglag yan. Pahiram pala ako ng gown mo na dilaw mamaya't sasali si Arwin sa Ms. Gay ng Baranggay ngayong gabi!" pahabol na saad ni Ten bago tuluyang magsara ang pintuan ng k'warto ni Samantha.
"Makinig!.. yaman din lang na tinanggal niyo ang VCD, CD ko naman ang isasalang ko!" pagmamayabang na boses ni UWAK with matching tantalaysing eyes.
Nagulat ang lahat sa hawak ni uwak, at ang lahat ng mata'y nakatuon dito.
"Anu bang meron diyan sa CD na yan?" wika ni Eris.
"Gusto mong malaman?" tanong ni uwak kay Eris habang sinusundan pa nito ng tingin ang hawak ni uwak.
"O-o-oo!" sagot ni Eris na para nababaliw.
"Sikreto, walang clue!" sagot ni uwak.
Nadismaya ang lahat sa sinagot ni uwak, ngunit nang isalang na ito sa vcd; umalingawngaw ang tunog nito sa buong bahay.
Nag simulang sumayaw ang lahat, sa saliw ng musika na pinakamagatang CARELESS WISHPER.
Kumembot si Apol, LEFT and RIGT at kumendeng naman ng malupit si Eris.
Abala ang lahat sa pagsayaw, maliban kay uwak.
Sa kalayuan, sa labas ng bahay, sa may tapat ng poste na natatapatan ng sirang street light, may isang nilalang ang malupit na sumasayaw.
"OMG!" sigaw ng mga taong nagsasayawan sa loob.
Sumayaw ang isang nilalang na parang nagdadance pole sa poste ng meralco, kakaiba ang indak niya. Kaya naman napanganga ang lahat sa kanya.
"What the.. si-sino siya?" gulat na tanong ni Eris kay UWAK.
"Naku 'di niyo pa ba kilala yang sumasayaw na 'yan na tanging boxer short lang ang suot?" wika ni UWAK.
"Siya lang naman si.. siya lang naman si.." pabitin na sagot pa ni uwak.
Nag iba ang tingin ng lahat kay uwak na tila ba kakain ng tao.
"Siya lang naman si TINIDOR. siya ang pinaka mahusay kumendeng sa grupo namin... Basta may poste at tugtog ay sasayaw na siya."
Damang dama ni Tinidor ang bawat pagkendeng, left and right at right and left.
Paulit ulit niya itong ginagawa habang pinagmamasdan siya nila Eris, Juvy, Jo, Ten, at siyempre pasimpleng hinawi ni sam ang kurtina ng bintana sa kanyang kuwarto upang usisain kung ano ang pinagkakaguluhan ng lahat sa labas.
Nakaramdam ng inggit si UWAK, dahil wala na ang atensyon ng mga tao sa kanya.
Kaya naman nagumpisa sa pagtapik ng kanang paa sa sahig, hanggang sa kumendeng na rin.
LEFT and RIGHT din siyempre.
Pikit matang sinasayaw ni uwak ito habang napapakagat labi.
Wala parin ang atensiyon ng lahat sa kanya, kaya itinaas na niya ng bahagya ang damit pang itaas.
Kita pusod siyempre, nag split tumambling at lumagabog ang sahig.
Sa paglagabog ng sahig ay agad napalabas si Sam. Dala ng kabitteran ay agad siyang nainis ng makita ang mga lalaking nagkakasiyahan. Agad niyang pinatay ang tumutugtog at hinarap ang mga kalalakihan.
"Nawili yata kayo sa bahay ko? Nakalimutan niyo yatang Man hater ako?" asik niya sa mga ito.
"Ang KJ mo naman Sam." bulong ni Teng na umabot sa pandinig ni Sam.
"Anong sinabi mo?! matapos kong ubusin ang pera ko sa mga paintings mo, matapos mo akong paasahin sa wala, sasabihin mong kj ako?!" naluluha sa galit na sigaw niya.
"Sam, kalma." sabat ni uwak pero agad siyang binalingan ni Sam.
"Isa ka pa! Matapos mong lokohin si sissy Che, isusunod mo pa yung pinsan kong si set!" bulyaw niya. natahimik ang lahat.
"Lumayas kayo." madiing bigkas niya ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang magkapatid na Set at Bannie.
"Hi Guys, hello Uwak." bati ni Sett na akmang lalapit kay Uwak.
"Set, halika dito." utos ni Sam.
"Lalaki yan. Sasaktan ka lang niyan." madiing dugtong niya pa.
"Ate naman. Umiral nanaman ang pagiging man hater. Lalaki din kaya ako." nakasimangot na sabat ni Bannie pero hindi siya pinansin ni Sam.
"Umalis na kayo." baling niya sa mga lalaki. Nanguna sa paglabas si Tinidor pero hindi pa siya nakarating sa pinto ng bigla siyang nadapa. Dadaluhan sana siya ni Eris pero pinanlisikan siya ng mata ni Sam.
Nanatiling nakatayo si Eris habang pinagmamasdan ang pagbangon ni Tini nais man n'yang tumulong ngunit mas nangibabaw ang takot sa pagluwa ng mga mata ni Sam sa galit.
"O, ano pang hinihintay n'yo magsilayas na kayo!" pagalit nitong bulyaw sa dalawang nakaupo pa ring sina Jo at Teng. Sa gulat nila ay halos kumaripas sila nang takbo palabas ng bahay, nag aalangan man ay napilitan magtanong ni Bannie.
"Ahh...ehh... Ate Sam, ako rin po ba'y lalayas?" sabay kamot sa ulo habang nakatago sa likod ni Set sa takot kung ano man ang isasagot ni Sam.
Dahan-dahan na lumingon si Samantha kay Bannie sabay sabing
"Natural lahat nga di ba?! Lahat ng lalaki! Bwisit na 'to anong feeling mo babae ka?" pagkasabi ay agad kumaripas palabas si Bannie ng pinto .
'Di namalayan ni Sam na naiwan palang nakadapa si TINIDOR.
Tinayo niya ito at sinabi:
"Saan mo nakuha yung dance step mo?"
Habang pagulat na tumingin si TINIDOR kay Sam.
"Sabihin mo!.. kanino?" sigaw Sam habang nanlilisik at namumula ang mga mata nito.
Tila nasasapian, wala na sa ulirat.
"Kanino!... Sagutin mo!.. pls!." pagmamakaawa ni sam na kaboses na si the precious one ng lord of the ring.
"Ka-kay, ELTON JOHN. siya siya ang nagturo sakin ng malupit na kendeng." sagot ni TINIDOR habang nanginginig na sa takot.
Sa kabilang kanto na di kalayuan sa bahay ni Sam, inaabangan ni Jo na makalabas din si TINIDOR.
"Huy!.. tara na baka abutan tayo ni Sam dito!" sigaw ni Ten habang hinihila nito ang kamay ni Jo.
"Sandali lang!.. interesado rin akong malaman kung saan nanggaling ang malupit na kendeng ni TINIDOR." sambit nito kay Ten habang hinihimas ang mahiwagang balbas nito.
"What!.. are you crazy?.. 'wag mong sabihin na sasayaw ka rin sa poste ng meralco?"
Ilang minuto pa'y lumabas si TINIDOR sa bahay ni Sam, na naglalakad na parang walang nangyari.
Lakad na para bang nasa luneta, lakad nang kay senon (cat walke)
"Oh, my god!.." napatiling sinasalubong ni Jo si TINIDOR habang napapakamot sa ulo si Ten.
Inakbayan ni Jo si TINIDOR, inilapit ang bibig sa tenga nito at binulong:
"Gusto mo ng chicks?"
Gusto makuha agad ni Jo ang pakay kaya inalok siya nito, pakay na malaman kung saan nakuha ni TINIDOR ang malupit na kendeng sa saliw ng CARELESS WISHPER.
"Ah, sorry 'di ako mahilig dun eh." sagot ni TINIDOR kay Jo habang hinihimas din ang mahiwagang balbas nito.
Inilabas ni Jo ang isandaang piso na puro tag bebentesingko, at inihagis ito kay Ten.
"Ten!.. ibili mo yan ng syoktong sa tindahan!. samahan mo na rin ng konten bilis."
"Ngayon na ba?" tanong ni Ten.
"Ano sa palagay mo?" sagot ni Jo kay Ten habang hinihimas ang mahiwagang balbas nito.
"'Di ako mapalagay, eh." sagot ni Ten habang nagkakamot sa ulo.
Tumakbo si Ten papunta sa tindahan, habang karay karay ang isandaang piso na puro tagbebente singko.
Umupo sila TINIDOR at Jo sa bangketa, sa malapit sa kanal at nag kuwentuhan.
Kailangan makaututang dila ni Jo si TINIDOR upang sabihin kung saan nga ba nagmula ang malupit na kendeng step.
Maya maya pa'y dumating si Ten, dala ang biniling syoktong.
Inilapag niya ito sa harapan ni TINIDOR at Jo.
"Yung sukli?" tanong ni Jo kay Ten.
"Ha?"
"Yung sukli!.. bingi ka ba?"
"Keep the change na lang sa tindera, baka ibalibag pa sakin yung pera mo." sagot ni Ten na namumugto na ang mga mata.
Pinipigilan lamang ni Ten na pabagsakin ang luha, dahil ayaw na makita ni Jo na pinanghihinaan ito ng loob.
Samantala, habang nagmumumok si Ten sa sulok. Nagkakapalagayan na ng loob si TINIDOR at JO.
Paubos na rin ang kanilang iniinom, kaya naman 'di na nagpatumpik-tumpik pa si Jo na tanungin si Tinidor.
"Tinidor, saan mo nga pala nakuha yung malupit na kendeng step na ginawa mo kanina?.. hik!.. @*%§?¥ë@.. hik!" tanong ni Jo kay Tinidor.
"Teka?.. hik!.. shi.. hik!.. hik!. shi.. shi UWAK!.. hik!.."
"Ano kay uwak!.. hik!"
"Shi.. shi.. shi UWAK! Shi UWAK naaaa.. hik!.. naaiwan dun kilaaa.. hik! sham!" ika ni TINIDOR kay Jo.
Tumayo si TINIDOR at JO para puntahan si uwak sa bahay ni Sam.
At kahit lasing na'y, lumakad pa rin na parang nas luneta, lakad senon. Ginaya rin ni Jo ang lakad ni TINIDOR hanggang sa makarating ito sa bahay ni Sam.
Sa tapat ng pintuan, naabutan nila TINIDOR at JO ang senaryo.
Tangan ni uwak ang bolang kristal, hinimas niya ito habang nagbabanggit ng isang kataga.
"Ba-be-bi-bo-bu,bolang kristal wag kang patulog tulog sabihin mo sa'kin ang sagot.. ba-be-bi-bo-bu."
Mas lalong tumitindi ang espiritung sumasapi kay Sam, dala ng ka-bitteran ay sinapian ito ng bitter na espiritu.
Nagsimula rin magbanggit ng kataga si Sam habang nilalabanan ng litanya ni uwak.
"Avishala,eshtash.. hashhh!!.. hashh!." wika ni Sam na boses presyus one ng lord of the ring.
Nagpapalitan ng litanya ang dalawa, kapwa 'di nagpapatalo sa isa't isa.
Walang hangganan ang dilim sa gabi, walang pag-asang sumilay ang araw sa tunggalian ng magkalabang nilalang.
Samantala, isang tao ang paparating mula sa likuran nila Jo at Tinidor.
"Uwak!!.. saluhin mo 'to!" sigaw ni Samuel habang inihagis ang cd.
Natulala't napanganga sila Tinidor at Jo sa tagpong iyon.
Nasalo ni Uwak ang cd at sinalang ito sa cd.
Ilang minuto pa'y tumugtog ang kanta na pinamagatang:
BATIBOT
Dumagundong ang bahay sa lakas ng musika, habang si Sam ay tila ba nasasaktan, naririndi habang naririnig ang musikang isinalang ni uwak.
"Hindeee!.. ayoko niyan!. ayoko niyan." pagmamakaawang sambit ni Sam habang nagiging ka boses na ni kiko matsing, ni pong pagong, ni sitsirit sit.
.
Tapos na ang nakasasawang ingay na likha nina Tinidor nang makarinig ng pagkatok si Samantha saktong alas otso ng gabi. Si Ten ang kan'yang nabungaran.
"Bakit na naman?" singhal na tanong ni Samantha. "Easy, para ka namang tigre. Di ba nga hihiram ako ng gown mo para may magamit si Arwin," mahina ang boses na sabi ni Ten.
Tahimik na pumasok muli ng bahay si Samantha... mayamaya pa si Eris, Apol, at Juvy nang kaharap ni Ten--dala nila ang gown na hinihiram ni Ten.
"H'wag ka nang magtaka. Naturally, ayaw ka kaharap ni Sam," tikwas ang kilay na sabi ni Eris. "H'wag mong tarayan at baka di tayo isama," bulong ni Apol na itinatago ang pagkasabik. "Sasama kami!" anunsiyo ni Eris, at walang abog-abog na sumakay sa kotse ni Ten.
Tulalang napatitig sa kaniya ang tatlo. "Ano? Tara na!" Pumalakpak pa si Eris para 'gisingin' ang tatlo.
"All right! Let's go!" si Apol.
Napakamot na lang sa batok niya si Ten, saka napatingin kay Juvy na tila nagpapasaklolo. Pero, kinibitan lamang siya ni Juvy ng balikat at naghanda na ring sumakay sa motor nito.
"Convoy, h'wag ka nang tumanggi't naghihintay ang mga bading mong repa," sabi nito sa kaniya.
.
"Daming hanash!!" Sigaw ni Arwin. "Bakit ang tagal n'yo mga baklaaaaaa, kaloka kayo!" Si Arwin pa rin.
"Sinapian yung may ari ng gown eh. Buti nandun si Uwak at Kap." Pagpapaliwanag ni Apol.
"Eh shuta! Nasaan si Bannie?? Siya magme-make up sa akin e!" Stressed na ang Reynang pending pa ang korona.
"Sunduin ko." Na nasundan ng pagbomba ni Juvy sa motor, sabay soot ng helmet, sabay baba, sabay takbo. Naubos ang gas.
Tumatakbo si Juvy ng 120km per hour. Sakto ang helmet, hindi siya mapupuwing. Puno ng lakas ang bawat hakbang ng kanyang mga binti. Umuusok ang kalsada. Pudpod na ang sandalia. Tumunog ang telepono ni Juvy.
"Hello sino to bilisan mo magsalita tumatakbo ako." Sabi niya.
"Si Bannie 'to! Nandito na 'ko sa event! Nagkasalisi tayo!"
"SHUTAAA!!!" Bulalas ni Juvy.
"Pero sakto bessy, naiwan ko make-up kit ko sa bahay. Kunin mo na, yung liyabe tubo nasa ilalim ng lababo. Yung screw drivers nasa taas ng aparador!" Sabi ni Bannie.
"Go bessy!" Dagdag pa niya.
Pumreno si Juvy ng pagkalupit-lupit. Natuklap ang kuko niya sa hinliliit. Hindi na siya kumatok sa bahay ni Sam. Pagbukas niya ng pinto...
"Sam??" Tila nagkulay ube si Juvy, cyanosis, dala na rin ng mabilis niyang pagtakbo. Tumambad sa kanyang harapan ang hindi kanais-nais na tagpo.
Nakahiga sa sahig sila Uwak, Tinidor at Jo dahil sa matinding kalasingan. Magkakapatong ang tatlo at nasa ilalim si uwak na kumakawag dahil hindi makahinga. Sa tabi ng mga ito ay ang salarin kung bakit ganoon ang ayos nila. Tumatawa ito ng tila isang bruha. May magic wand pa, nakagown ng katulad ni Maleficent.
"Sam, anong ginawa mo?" Sindak na tanong ni Juvy.
"Hayaan mo sila. Dapat lang sa kanila 'yan." inis na rumampa palabas si Sam.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Juvy na agad sumunod palabas.
"Ang lagay ba, kayo lang ang may karapatang manuod sa pageant?" taas kilay na tanong niya.
"Hoy Jo! ang bigat mo!" narinig nilang sigaw ni Uwak.
"Si Tinidor ang mabigat!" Ganting sigaw ni Jo.
"Ang babaho niyo!" Reklamo naman ni Tinidor matapos sumuka.
"Shattap!!!" sigaw ni Sam sabay kumpas ng magic wand niya.
"Tara na Sam, baka hindi natin abutan ang pagrampa ni Arwyn." Pag-aaya ni Juvy bago sumakay sa invisible na motor. Sumampa si Sam sa likod niya sabay karipas ng takbo.
Samantala, sa loob ng bahay, unti unting lumabas si Sette sa pinagtataguan. Agad niyang dinaluhan si Uwak na nangingitim na este maitim talaga dahil hindi makahinga.
.
Abala si Bannie sa pagliligpit ng make up kit, tapos na niyang lagyan ng kolorete si Arwin sa mukha. "Long gown na, suot mo na agad 'to," natatarantang sabi ni Ten. ...
"And... the barangay Tukneneng Ms. Gay 2018 is--" sigawan ang mga tao, "is Arwin 'Nadine Lustre' Trinidad!" sigaw ng naturang host ng pageant.
Tumatalon-talon sina Eris at Apol ng makababa ng stage si Arwin. "Arwin, congratulations!" tila batang niyakap ni Apol si Arwin.
Nagkatinginan sina Eris, Sam, Ten, at Juvy, dahil nakita nilang napapikit si Arwin. "Ay, sorry. Natuwa lang kasi," nahihiyang paliwanag ni Apol. "Okay lang." Pinisil ni Arwin ang pisngi ni Apol. "May pambili na tayo bagong electric fan at TV sa dorm," masayang sabi ni Sam, na medyo gumaan ang pakiramdam.
Napatawa sina Ten, 'yon naman kasi talaga ang dahilan bakit napilit nilang magpanggap na bading si Arwin. Bukod pa sa premyo'y libre siya sa upa for two months at pagkain nina Juvy at Sam.
"Para sa bagong TV at fan!" sigaw ni Ten habang itinaas ang bote ng mogu-mogu na napagkasunduan nilang inumin para iselebreyt ang pagkapanalo ni Arwin.
"Yea~ cheers for careless whisper!" sigaw ni Eris.
Nagkatawanan ang lahat dahil nasamid si Juvy sa isinigaw ni Eris. "Dracula!"
.
Pagkapasok nila sa Dorm ay agad napangiwi ang lahat dahil sa amoy ng suka ng mga lasing.
"Hoy, ang bababoy niyo! yung red Carpet ko!" tungayaw ni Sam ng makitang puro suka ang Carpet niya.
"Nakakadiri!" kanya kanyang pasok sa kwarto ang mga babae.
"Ano bang amoy niyo! Babaho n'yo!" wala sa loob na bigkas ni Jo sabay yakap sa humihilik na si Tinidor. Doon lang napansin ni Sam na nawawala si Uwak.
"Uwak asan ka!" umuusok ang ilong na napasugod siya sa kwarto ni Sette.
"Sam! Kumalma ka nga!" awat ni Teng pero agad na pinukpok ito ni Sam ng hawak na magic wand. Si Bannie at Arwyn naman ay tila walang pakealam dahil sabik na subukan ang napanalunan sa pageant. Agad binuksan ni Sam ang kwarto ni Set pero si Apol lang ang nandon. magkasama pala sa kwarto ang dalawa. Sa kabilang dako naman ay magkahawak kamay na naglalakad sa parke ang magkasintahang uwak at Sette.
"Anong gagawin natin para hindi na tayo patagong nagkikita?" himutok ni Sette.
"Alam mo, dapat 'yang pinsan mo makahanap na ng boyfriend eh. Para hindi na bitter." sagot ni uwak na napapalingon sa mga babaeng nakakasalubong.
Agad naman itong kinutusan ni Sette.
"Kaya galit sa inyo si Tita eh! makakita lang ng seksi nakasunod na yung tingin niyo!"
"Marunong lang mag appreciate, Mata lang naman binibigay namin sa kanila pero sa mahal namin, puso ang binibigay namin."
Madamdaming sambit nito. Halos mangisay naman si Sette sa sinabi niya.
"Ano kaya kung ireto natin si Sam?" Suggest ni Uwak.
"Kung bakit kasi ayaw ni Teng eh." naiinis na sambit ni Sette.
"Hindi pwede si Teng." pabiglang sagot ni uwak.
"Bakit?" naguguluhang tanong ni Sette. Binulong naman ni Uwak dito ang dahilan. Nanlaki ang mga mata ni Sette sa rebelasyong nalaman.
.
"Saan ka galing?" inis na singhal ni Jo kay Ten, pagkapasok ng huli sa k'warto nila.
"Sa pageant. Nanood kami nina Eris," paliwanag ni Ten.
"What? Si Eris lang kasama mo?" Di maikakaila ang selos sa tono ni Jo.
"Sabi ko nina Eris. Kasama rin namin si Apol, si Sam, at si Juvy," saad ni Ten.
"E, ba't si Eris lang binanggit mo kanina?" nakapameywang na tanong ni Jo.
"Mahaba kung lahat isasama ko pa, okay," paliwanag ni Ten.
"Nakakainis." Lumabas ng k'warto si Jo para magpahangin.
"Imbyerna," bulong nito.
---"Eris," nakangiting tawag ni Bannie kay Eris na nakaupo sa pasimano ng beranda.
"Good morning," bati ni Eris.
"P'wede ka ba mamaya? Yayain sana kitang mamasyal," medyo nahihiya pang sabi ni Bannie.
"Sige, pero isasama ko si Sissy. Kaya lang di papayag yon na third wheel siya."
"Isasama ko na lang si Jaja," kumindat pa si Bannie. Pumalakpak naman si Eris habang tumatawa.
"bilis, bilis." bulong ni Eris kay Juvy.
"Saglit lang, 'wag manulak." bulong pabalik ni Juvy.
Kasalukuyan kasi siyang lumulusot sa bintana ng kwarto nila.
"Baka kasi mahuli tayo ni Sam. Alam mo 'yon, bitter." anas ni Eris.
"Sigurado kang matibay 'tong tali?" Si Juvy. "oo." Mabilis na bumaba si Juvy gamit ang tali.
Sa kwarto naman nila apol at Sette ay nagpaplano ang dalawa kung kanino irereto si Samantha.
"Kay Jaja kaya?" tanong ni Set. "Naku, Kay Juvy nagtutwinkle-twinkle mata nun eh." Pagkontra ni Apol. "Si Tinidor?" "Papasok yun sa--" natigilan si Apol ng may makitang taong nakabitin sa bintana. "M-magna--" agad tinakpan ni Sette ang bibig ni Apol ng akma itong sisigaw.
"Si Eris at Juvy 'yan. Makikidate." bulong nito sa kanya. Mula naman sa labas ay naghihintay na si Jaja at Bannie.
"Asan na kaya sila?" naiinip na tanong ni Bannie.
"Malay ko. Magkasama tayo dito eh." sagot ni Jaja kaya agad siyang binatukan ng kasama.
"H'wag kang pilosopo." sabi pa nito. Pero agad s'yang natigilan sa itsura ni Jaja. Nanlalaki ang mata, nakabuka ang bibig at tulo laway.
"Oy, oy. H'wag kang mamatay. Binatukan lang kita." natatarantang Sigaw ni Bannie.
"P're, nasa langit na ba ako?" tulalang tanong ni Jaja.
"Huh?" litong napatingin din s'ya sa tinitignan nito.
"P're, nasa magical world tayo. Dyosa mga 'yan p're." tulalang sambit nito ng makita sila Eris at Juvy na naglalakad habang hawak sa kamay ang sandal.
Samantala, sa gilid ng bahay kung saan may bangko ay nakaupo si Teng at Jo habang nagsusubuan ng popcorn.
"Ito pa oh, beybi." malambing na sinubuan ni Jo si Teng ng popcorn.
"Ehe, enebe." pabebeng napahagikgik naman si Teng ng biglang may tumama sa mukha niya na sapatos.
"ouch." Agad siyang tumingala at nawindang sa nakita.
Mula sa bintana ay natanaw ni Teng si Sam na nagbabaga ang mata.
"Jo. Jo. Uy, Jo?" Kalabit niya sa katabi habang hindi inaalis ang tingin kay Sam.
"Oh, bakit?" Nagtatakang tanong ni Jo.
"Mabilis kang tumakbo 'di ba?" Lalong kumunot ang noo ni Jo.
"Bakit ba?"
"Kapag sumigaw ako ng takbo. Tumakbo ka na, okey?" Babala nito.
"Bak--" hindi na niya natapos ang sinasabi ng sumigaw si Teng.
"Darna! Este-- takbo!!" Sabay kumaripas ng takbo ang dalawa.
"Hoy! Mga hinayupak kayo! Bumalik kayo dito!" Sigaw ni Sam na papalabas palang ng bahay.
"Kaya pala ayaw mo sa alindog ko dahil balbas sarado ang type mo!" Hinabol niya ang dalawa hanggang sa labas ng gate. Wala siyang pake kahit mag ala-Gabriela Silang siya sa hawak na itak.
Sa 'di kalayuan ay natigilan sa paglalakad si Uwak kaya napahinto rin ang kasama niya.
"S'ya ba yan kuya?" Tanong nito kaya nakangiwing tumango si Uwak.
"Ang ganda niya." Bakas ang paghangang wika nito.
"Oo naman, walang duda. Muntik ko ngang ligawan 'yan dati eh." Nakangising wika nito.
"Anong nangyari?" Tanong ng misteryosong kasama niya.
"Alangan pagsabayin ko sila ni Chelsea noon? Gwapo lang ako, hindi ako maloko." Pagyayabang ni uwak.
"Saan banda?" Nakangising pang-aasar ng lalaki.
"'Lul, balik tayo kay Sam. Mabait naman yun, mahinhin--" natigilan siya ng makitang pumulot ng bato si Sam at pinukol yung dalawang nasa malayo na.
"Ah, eh, sobrang nasaktan lang yan kaya naging Amasona pero totoong mabait at mapagmahal siya. Lalo na sa mga kaibigan niya."Napapakamot sa ulong sabi ni uwak.
"Eh, ano pang ginagawa natin dito?"
"Oy, saan ka pupunta?" Tanong ni uwak sabay hila sa damit ng kapatid.
"Manliligaw." Nakangiting sabi nito habang nagtutwinkle twinkle ang mata na nakatingin kay Samantha.
"Ha? Hindi ka natakot?" Takang tanong ni Uwak.
"Kuya, tinamaan ako dito oh." Sabi nito sabay turo sa tapat ng puso.
"Ang tapang niya kuya. 'Yan ang katangiang gusto ko sa babae. Halika Kuya,ipakilala mo ako." Excited na wika pa nito.
"Hep." Pigil ni Uwak.
"Nakikita mo 'yung hawak niya? Itak 'yon. Mahal ko pa buhay ko kaya umuwi muna tayo at pagplanuhan natin ang pagpapaamo sa Amasona." Nakangiting sambit ni uwak. Hindi na pala niya kailangan maghanap ng mabait na mairereto kay Sam. Gwapo ang kapatid niya. Nasa lahi kasi nila kaya pati siya gwapo *weh*. Mabait at mapagmahal ang kapatid niya at ganoon din si Sam kaya alam niyang bagay ang dalawa.
Sa kabilang dako -- nakalambitin parin si Eris at Juvy sa tali.
”HOYYYY!!! Mga kumag, tulungan niyo na kaming bumaba. Shota, naglalaway pa kayo,” bulyaw ni Eris.
Bumalik ang ulirat ni Bannie ngunit si Jaja ay tulala parin. “Pre!” binatukan. “Sayo yung anghel, akin yung zombie,” at hinila si Jaja palapit sa kinaroroonan ng dalawa.
”Teka!” naglabas ng gitara si Bannie. “Kakanta lang ako, para sayo to Diwatang Zombie” (isang strum in G chord) “Zom-bieNIBINI SA AKING PAGTULOG, IKAW ANG PANAGINIP KO. BINIBI… naku, naku, anong sunod Ja? Nakalimutan ko. Ja --tumutulo na laway mo” Tulala parin si Jaja habang tinitingnan si Juvy na nakalambitin.
”Hoy! Tigilan niyo nga yan. Nangangalay na kami dito.” reklamo ni Eris. Biglang napigtas ang tali, ngunit walang kaabog-abog na sinalo sila ng dalawang binata.
”Ligtas ka na ganda, pwede mo na akong kagatin,” pang-aakit ni Bannie kay Eris. Sinapak sa noo, “Loko, kainin kaya kita ng buo. May pakanta-kanta ka pang nalalaman,” pagsusungit ni Eris.
”Angel? Babe?” bulong ni Jaja kay Juvy. “Hoy! Jaja, creepy ka masyado. Wag mo akong titigan ng ganyan.
Sa kabilang dako -- nakalambitin parin si Eris at Juvy sa tali.
”HOYYYY!!! Mga kumag, tulungan niyo na kaming bumaba. Shota, naglalaway pa kayo,” bulyaw ni Eris.
Bumalik ang ulirat ni Bannie ngunit si Jaja ay tulala parin. “Pre!” binatukan. “Sayo yung anghel, akin yung zombie,” at hinila si Jaja palapit sa kinaroroonan ng dalawa.
”Teka!” naglabas ng gitara si Bannie. “Kakanta lang ako, para sayo to Diwatang Zombie” (isang strum in G chord) “Zom-bieNIBINI SA AKING PAGTULOG, IKAW ANG PANAGINIP KO. BINIBI… naku, naku, anong sunod Ja? Nakalimutan ko. Ja --tumutulo na laway mo” Tulala parin si Jaja habang tinitingnan si Juvy na nakalambitin.
”Hoy! Tigilan niyo nga yan. Nangangalay na kami dito.” reklamo ni Eris. Biglang napigtas ang tali, ngunit walang kaabog-abog na sinalo sila ng dalawang binata.
”Ligtas ka na ganda, pwede mo na akong kagatin,” pang-aakit ni Bannie kay Eris. Sinapak sa noo, “Loko, kainin kaya kita ng buo. May pakanta-kanta ka pang nalalaman,” pagsusungit ni Eris.
”Angel? Babe?” bulong ni Jaja kay Juvy. “Hoy! Jaja, creepy ka masyado. Wag mo akong titigan ng ganyan.”
”O, saan na ‘yung service nyo?” inip na sambit ni Eris.
”Ja! Ilabas mo na ang car -- dala mo yung susi?” utos ni Bannie.
”Anong susi? Sinususian ba yung CAR-riton?” at inilabas ni Jaja ang kariton na hila-hila ng kalabaw.
”Buset, akala ko ba mayaman kayo?” medyo galit na sabi ni Eris.
”Bakit ba? Mayaman kami, mayaman sa pagmamahal. Kinulang lang sa budget,” paliwanag ni Bannie.
”Hayyy, tara na nga. Umalis na tayo, baka maabutan pa tayo ni Sam dito.” -Eris ”Eh paano to si Jaja? Tulala na naman” -Juvy ”Kargahin mo nalang. Angkas mo sa likod mo” -Bannie ”Yehey!!! Mama, mama, angkas ako.” -Jaja ”Naku, naku, baby damulag.” -Eris
Mabagal ang lakad ng kalabaw at tila hindi sila umuusad. “Wala na bang ibibilis t…” napalingon si Eris kay Bannie. “Hoy! Tumingin ka nga sa daan,” -Eris ”Sa taglay mong ganda, sino bang hindi matutulala?” pambobola ni Bannie.
Nagpatuloy ang pag-aaway ni Eris at Bannie. Basang-basa naman ng laway ang likod ni Juvy kasi ayaw nang kumawala sa likod niya si Jaja. Hanggang …
*Horror Music*
”At saan kayo pupunta?” Boses demonyong parang nakakain ng samyang sa pamumula ng mukha at may pa-usok effect pa sa ilong at tenga.
*Kulogggg*
”Eh, SSS--aaaam. Aaa--nooo, diyan laaaa-ang” nanginginig na sabi ni Eris.
”PUMASOK KAYO SA LOOB!!!” *lumipad ang mga uwak*. Dinig na dinig ng buong barangay ang sigaw ni Sam.
Hinawakan niya ang paa ni Eris at Juvy, kinaladkad niya ang mga ito patiwarik papasok ng bahay.
”Mahal, wag mo akong iwan.” pagmamakaawa ni Bannie.
”CHEE, TUMAHIMIK KA!!! KAYO ANG NANG-IIWAN!!!” bulyaw ni Sam. Bumuga ng apoy na nagpatumba sa kariton ng mga binata. Tumilapon na ang lahat at nagpagulong-gulong sila sa damuhan ngunit tulala parin si Jaja.
.
"Sam, ano ba?!" nagkakawag si Juvy at Eris mula sa pagkakatiwarik.
"Hindi na kayo nagtanda! Ang titigas ng ulo niyo!" sabi ni Sam bago sila binitawan pagkapasok ng bahay.
"Sam, hindi na kami bata!" iyak ni Eris.
"Hindi pa ba kayo nadadala sa nangyari sa akin?" galit na bulyaw ni Sam. Napalabas sa kwarto sila Apol at Set dahil sa ingay.
"Sam, hindi kami ikaw!" hagulhol ni Juvy.
"Oo nga. Kasi si Ate Sam ka. Tapos siya si Juvy, tapos Apol ako, Eris-" natigilan sa pagsasalita si Apol ng tignan siya ng masama ng mga ito.
"Ginagawa ko ito dahil ayaw kong maranasan niyo ang sakit na naranasan ko." Tigmak sa luhang saad ni Sam matapos magpeace sign si Apol.
"Tingin mo Sam, sa ginagawa mo hindi kami nasasaktan?" puno ng hinanakit na sabat ni Eris.
"Mas masakit ang maloko at ayaw kong maranasan niyo yun." giit ni Sam.
"Kakabit ng pagmamahal ang saya at lungkot Sam. Hindi porke nasaktan ka ay titigil ka na. Dahil kung hindi ka nasasaktan, ibig sabihin ay hindi ka nagmamahal." si Eris.
"Sam, oo nasaktan ka pero hindi ibig sabihin na hindi ka na pwedeng magmahal at maging masaya. Nagmahal ka lang sa maling lalaki. Darating din ang nakatakda para sa iyo." si Juvy.
"Ate Sam, wala talagang forever. Pero may Lifetime commitment. Tulad ni lolo at lola. katulad ni Mama at Papa. 'Di ba si Tito Mahal din si Tita?" naluluhang sambit ng pinsan niyang si Set.
Napahagulhol si Sam ng maisip ang mga magulang. Nabulagan siya sa sakit. Sa mga pagkabigo at nakalimutan niya na may wagas na pag-ibig pa.
"May forever, ang pag-ibig. Dahil ang Diyos ang Pag-ibig." Wika ni Apol.
.
Pinatawag ni Sam ang boys, pati na din si Teng *wahaha* sa kanyang bahay.
Alam niya na pagsabihan niya ang mga ito ng masasakit kaya nais niyang humingi ng tawad.
"Guys, sorry sa kabitteran ko. Dapat hindi ko kayo dinamay sa mga pinagdaraanan ko." Taos puso niyang paghingi ng tawad.
"Naiintindihan namin Sam. Alam kong nagawa mo 'yun dahil mahal mo kami." Sabi ni Eris na tumabi sa kanya sa pagkakaupo.
"Mahal ka namin Sam. Kaibigan ka namin kaya ayaw namin na maging bitter ka FOREVER." Naluluhang sambit ni Juvy.
"Okey lang Ate Sam. Mahal ka namin." Si Apol na yumakap kay Sam.
"Anong ok lang? Matapos kong muntik mamatay ng idagan niya si Jo at tinidor sa 'kin?" Angal ni Uwak.
"Babes, move on na." Si Set.
"Weh? Nabuhat ni Ate Sam si Tinidor at Jo para idagan sa 'yo?" Gulat na tanong ni Apol.
"Sa laki ba naman ng katawan niya." Mahinang bigkas ni Jo pero narinig naman ng lahat.
"Hayup ka Jo. Hindi porke nagsorry ako eh papayag na akong laitin mo!" Singhal ni Sam.
"Teka? Asan si Tinidor?" Si Eris.
"Hinatid nila Jaja, Bannie at Arwyn sa--" naputol ang sasabihin ni Apol ng biglang bumukas ang pinto. Bumagsak si Teng na kanina pa doon nakasilip.
"Ay! Bruha ka! Bakit binuksan mo yung pinto ng hindi nagsasabi!" Tili nito.
"Guys!!! I'm back!!!!" Sigaw ng bagong dating.
"Chin!!!!!" Napatayo ang lahat at dinamba ang bagong dating na si Chin.
.
.
After 3 Years . .
.
Hindi mapigilan ni Samantha ang mapaluha habang nagmamartsa papasok ng simbahan. Mula sa malayo ay natanaw niya ang lalaking nagpabago ng kaniyang paniniwala. Akalain ba niyang sa dami ng mga pasakit na nangyari sa buhay pag-ibig niya ay may darating pa na isang lalaking karapat dapat. Habang papalapit siya dito ay hindi napuputol ang titigan nila. Parehong maluha-luha ang mga mata. Ito na nga ang lalaking iibigin niya. May forever man o wala ay wala na siyang pakealam.
Basta sa puso nila ay alam niyang magtatagal sila hanggang wakas.
"I love you." Anas niya nang makalapit siya dito.
"I love you too." Tugon nito bago niya lagpasan para pumunta sa sarili niyang pwesto.
"Oy, araw ko 'to. Kung makapag-I love you naman akala mo sila 'tong ikakasal." Angal ni uwak na halata sa mukha ang magkahalong saya at kaba.
"Kuya, ayan na yung bride mo." Nakangising sabi ng kapatid niya dito. Excited na tinanggap ni Uwak ang kamay ni Set mula sa mga magulang nito at sabay silang nagtungo sa Altar na wala pang pari.
.
Teka-- walang pari? Mula sa kung saan ay lumabas ang pari. Ito ang first time niya na magkakasal. Nagmadali siyang lumapit sa dambana ng siya ay matisod at muntikan ng madapa.
.
Muntik? Madapa?
.
Teka-- muntik madapa at hindi nadapa?
.
"Hindi ako nadapa! Hindi ako nadapa!" Tuwang tuwang sigaw ng pari.
"Praise the Lord, hindi ako nadapa!"
.
"Tinidor?! Este-- father! Araw namin 'to! Ikasal mo na kami." Inip na bulalas ni uwak.
Tawanan naman ang mga mabini at illustrados na siyang magiging saksi sa kasal nila.
"Itigil ang kasal!" Nalipat ang tingin nila sa bungad ng simbahan.
"Oy, ex hindi ka pa makaget over sa kagwapuhan ko?" Nagulantang na tanong ni uwak.
"Hoy, ang kapal mo! Ikaw pala ang kinakasal dito? Maling church pala ako." Tugon ni Che.
"Sissy, go na. Baka 'di ka umabot sa kasal!" Sigaw ni Sam.
"Ay, ayoko na. Kung ayaw niya sa 'kin mas ayaw ko sa kanya aba… Marami pang mas deserving kaysa sa kanya no." Nakasimangot na umupo siya sa tabi ng mga Mabini.
"Oo nga, baka hindi pa siya ang nararapat para sa 'yo." Sabi ng lalaking sa tabi niya.
"Louie Mark." Natatawang bati niya dito.
Napapangiti naman si Sam. Alam niyang darating din kay Che ang tamang lalaki para dito. Napalingon siya sa bestman na nakatingin din sa kanya. Katulad niya. Dumating din ang Tonton ng buhay niya.
-THE END
January 15, 2018 | May Forever | Akademyang Pampanitikan - Dugtungan | Partisipante