"The greatest
return on investing my life to God and people is never the things gained that,
in time, may wear but it is the goodwill, smiles and appreciations harvested in
every day from the joy and love I always share."
Search This Blog
Saturday, November 30, 2019
GRADUATION MOTTO
Graduation
Motto | December,
2019 | Bannie
Bandibas
Friday, November 29, 2019
PAG-IBIG SA LIKOD NG KAPE AT TINTA
SWP-Tacurong 2019 ZINE FEST
B: Magmahal ka ng isang manunulat
Na kahit ang mga mata'y puyat—
Ikaw at ikaw lang ang makikita,
Ikaw ang magiging paboritong paksa.
D: Huwag—sa isang manunulat,
Mga mata nito'y hindi napupuyat
Dahil sa hilig nitong magkape.
Matakot kapag ikaw ang parating paksa,
Madalas nakapanlilinlang ang kan'yang mga salita.
B: Kinahiligan nga'y kape
Kaya sa unang pagkikita,
Sa coffee shop kita niyaya.
Makalumang istilo. Tahimik ang paligid.
Tanging tibok ng puso na pangalan mo ang sigaw ang aking naririnig.
Gabay ko ang bawat pintig,
Kung saan ko ikakabig
Ang pluma.
Saan ibubuhos ang tinta—
Dito sa mga akda, sa bawat tugma
Na dahilan kung bakit ako humihinga.
Ikaw ang bumubuhay sa aking pagkamakata.
D: Minsan mo akong inabutan ng kape
Habang pinapakiramdaman ang hawak na tasang mainit, nakapapanibago itong alab ng pag-ibig.
Napansin kong ito'y sumasabay sa iyong panlalamig
Imbes na ako ay kausapin
Atensyon mo'y sa pluma't papel nakabaling
Hindi ko alam kung para saan aking presensya
Abala ka sa paghahabi ng mga katha
Sinama mo lang ba ako para may kasama ka
Na maka-isang dibdib ka sa iyong piyesa?
O isinama mo lang ako para may maisulat ka?
B: Nagsusulat ako para sa 'yo
Dahil dito sa magulong mundo
Ikaw lang ang nakikita kong liwanag.
Isinama kita hindi upang malinaw na makita ang paksa
Kundi upang maramdaman na sa estado ng buhay ko,
Nariyan ka't lagi kong kasama.
Subalit nang matapos ang isang daang tula para sa 'yo,
Umalis kang biglaan, ni hindi ginalaw ang kapeng binili ko.
Buhay ko ang pagsusulat, parte ka nito
Kaya hirap akong huminga minsan.
Noong una iniisip ko baka nasobrahan lang sa kape pero kalaunan,
Napagtantong lumisan ang aking lakas
Nang hindi man lang nagpapaalam.
D: Panulat ang sa iyo'y nagpapatatag
Tinta, nagsisilbing dugong bumubuhay sa akda
At ako ang papel na pinunit ko bigla.
Kasi ba naging magulo ang istorya?
O ako lang talaga ang paksang dapat binubura?
B: Maniwala ka,
Sinusulat ko pa rin ang kuwento nating dalawa.
Marami pang bakanteng pahina
Sana'y piliin mo pa ring ibigin ang isang manunula.
D: Hindi mo ba naririnig?
Ang pagwasiwas ng mga salitang pilit kumakawala sa ating mga labi?
Tulungan mo akong hugutin ang salitang mailap.
Patuloy kong binabasa ang iyong isinusulat kahit may karakter na hindi ko makilala.
Naliligaw na ako sa mga lugar
Nalilito sa mga nangyayari.
Hindi na maalis ang pagdududa
Sa unang saknong alam kong ako pa,
Sa gitna patungong huli—
B: Pakinggan mo ang aking mga tula
Na binase ang hugis sa hubog ng mga tala
Na siya ring gabay para tahakin ang landas patungo sa 'yo.
Alam ng tinta kung kanino siya inaalay,
Para sa 'yo. Para lang sa 'yo.
D: Hinanap ko ang ako sa sinasabi mong tayo.
Pero ang narito ay ikaw at ang kayo.
Gugustuhin ko na lang magbasa kaysa sa iyo'y makinig.
Ang puso kong bingi na.
B: Ayaw mo na bang mahalin ang manunulat?
D: Hindi.
Hindi ko kayang hindi mahalin.
At dahil sa hindi ko mapigilan,
Ako'y nagsusulat na rin.
B: Siguradong ako ang paksa.
D: Tama ka.
Sa mga akda ko'y binuburol ka na.
Pangalan mo'y inuukit na sa lapida.
Ipinagtitirik na ng kandila.
Matagal na kitang paulit-ulit na pinapaslang sa mga taludturan.
Ngunit—
B: Ngunit—
S: Sa pagtatapos ng araw
Sa pagsilip ng buwan
B: Maaari mo akong makalimutan
D: Panandalian
S: Ngunit sa pagdilat ng mga mata
Sa umaga
D: Alam ko
B: Alam ko
S: Alam natin
Na katulad ng larangang tinahak
B: Pagsusulat
D: At manunulat
S: Pa rin
Ang pipiliin nating mahalin.
SKRINSYAT NG BIDYO NG PAGTATANGHAL |
FACEBOOK VIDEO
Pag-ibig sa Likod ng Kape at Tinta | November 30, 2019 | Zine Fest 2019, Tacurong | Bannie Bandibas | Mary Divine Escleto
PITIK NG INYONG LINGKOD |
PITIK NG INYONG LINGKOD |
SKRINSYAT NG BIDYO NG PAGTATANGHAL |
PITIK NG INYONG LINGKOD |
PITIK NI TORYO |
POSTER NG ZINE FEST 2019 |
PITIK NG INYONG LINGKOD |
Thursday, November 28, 2019
TATLUMPONG MINUTO
Tatlumpong Minuto | November 28, 2019 | Bannie Bandibas
Friday, November 22, 2019
HANTOD KRAS NA LANG
Kras, kahinumdom pa ko sa una,
Maskin wala pa tay buot
pag elementary
Kiligon jud ko pag
tagaan ko nimog kendi
Maskin kabalo ko na imo
ra tong napunitan,
Laming usap-usap, nya
imo rang gikataw-an.
Pero ok ra kay Kras man
lage.
Niabot tag Grade six.
Nihilak ka kay pasayawon
kang teacher.
Naluoy ko nimo maong
akoy niBolunteer.
Gipabudots ko ni maam,
nalingaw ang tanan,
Maskin lain kay imo pud
kong gikantsawan
Ok ra kay Kras man lage.
Katong hayskul.
Nanan-aw tag horror sa
sinehans kcc,
Sa sobra ka-hadlok, ang
coke imong nawakli.
Akoy nayabuan mura na
nuog naka-ihi sa shortpan.
Igo ra ko ningisi maskin
akoy napaulawan.
Sige lang kay Kras man
lage.
Pagradweyt na ta.
Akong giamin sa imo na
ikaw akong gusto,
Pero nibalibad ka kay
ako imo ra lageng amigo.
Wa pa ko gibungot pero
kasinati na kog nasakitan,
Sa kadaghan, nganong
gugmang giatay man?
Pero dawaton na lang kay
Kras man lage.
Nagkita tag usab.
Hantod karon, way
nagbag-o sa imong kagwapa
Kung kabalo lang ka—Kras
gihapun baya tika.
Pero ako nakuratan
nganong nidako man imong tiyan?
Nabuyagan diay ka'g
dautan na wa ka gipakaslan.
Busa kamo, mga
kabatan-onan,
Ayaw jud pagdali
mangitag maminyuan
Kay basig puhon, ikaw
ray magsisi.
Sa karun, Okay lang
magKrasKras pre
Pero hantod Kras na lang
lage.
PITIK NI MARY DIVINE |
Hantod Kras na Lang | April 7,
2022 | PACMAN
Radio | Bigkas Kabataan Segment – VOTY Radio | Bannie
Bandibas
Thursday, November 21, 2019
MAKINIG KA KAY TITO BOB
Makinig Ka Kay Tito Bob
Makinig ka kay Tito Bob,
iyong rayter na malakas ang loob
na tawagin kang walang alam,
tayo, tinawag niya tayong bobo.
Pansin ko rin—
kasi hindi na tayo third world country
at marami na tayong maipagmamalaki.
Magaling ang Pilipino
ngunit bakit iniiwasan nating matuto?
Bakit ka natatakot sa aklat na to?
Hindi ito ang paboritong libro ni Judas na maaring kumitil sa buhay mo.
"Aba, nakakabasa na pala ako?"
Yan ang mga linyang naisambit ko
noong una kong sinubukang magbasa,
noong una akong tinuruan ni mama.
Ba't di mo rin subukan kaibigan
nang madagdagan ang natututunan?
Ani pa ni Ginoong Ong:
"walang taong di marunong, tamad lang."
Gayahin mo si kapitan sino
na may kasipagan kahit na sa peligro
ang bulsa. Subsub sa kahirapan
ngunit nagsusumikap gamit ang kanyang karunungan.
Isa siyang elektrisyan,
gahol sa pera ngunit may kasiyahan.
Gayahin mo si kapitan—
dahil higit pa rin sa ipinanganak na mayaman ang lumaking may alam.
At kayo naman po,
mga butihin naming guro.
Sa institusyong kinabibilangan ko,
tulungan n'yo kaming lumago—
Oo, baliktad magbasa ng libro ang mga Pilipino
ngunit kapag may gabay, landas nami'y di liliko.
Di namin kailangan ng mga katagang
"bawal tumawid, nakamamatay,"
mahirap pasunurin ang pinagbabawalan.
Ba't di n'yo sabihing,
"tumawid sa tamang tawiran."
Asahan n'yong 'yan ay tutugunan
pagkat alam namin na alam n'yo ang tamang daan.
At para sa lahat,
makialam tayo.
Huwag lunurin ang sarili sa mga laro
sa selpon at kahit anong elektroniko—
subukan mong magbasa gamit ang mga ito
nang di naman masayang ang oras mo.
Makinig ka kay tito,
dahil walang namang Pilipinong Bobo.
Tamad lang.
LITRATO NG PAGGAWAD NG PARANGAL |
*Certificate of Participation* |
Makinig ka kay Tito Bob | November 22, 2019 | Ramon Magsaysay Memorial Colleges - General Santos | International Book Week - Spoken Word Poetry | Partisipante | Bannie Bandibas
Friday, November 8, 2019
ANG TAMANG PAGBAYBAY SA PAG-IBIG NA TUNAY
Araw-araw kang nagdarasal
Na sa araw ng iyong kasal
Ay sa tamang tao ka nakasandal,
Iyong taong bigay ng May-kapal.
Baka
Kasi magkamali na namang muli,
Nakakatakot nang masisi at magsisi.
Maiwang nag-iisa at masisi ang sarili—
Magsisi na naman, kasi naloloko ka na lang palagi.
Da
han-dahan ka lang miss,
Pag-ibig ay wag basta-bastang ihagis.
Nako! Pag natusok yan ng matulis—
Baka maaga kang maging misis.
Eh
Sino ba kasing nagsabi na magmadali ka?
Natatakot kang maubusan ng majojowa?
Kasi lumalaganap na ang epidemya
Na maraming lalakeng nagiging bakla na?
Gaga ka gid Ha?
Indi ka gid pati sa akon?
Kapila man tika sultian og laparuhon
Na ang tanan naay tamang panahon?
Dali ra baya jud ka pakilig-kiligon.
La Man ko nag-ingun na dili pwede.
Ang ako ra, hinay-hinay ra te.
Unsaun man nang Dalagang Pilipina, yeah—
Nga ngisihan ra gani, mura nag kabugtuong pante.
Ayaw pagtinaNaNga-Oppa
Lage na, pero sigurado ba ka
Na dili ka pasakitan anang buanga?
Palihog ang kasing-kasing ikalma,
Basig ipalabay tika'g north korea.
Ramdam ko ang pag-aasam mo ng pag-ibig.
Lalanguyin mo lahat ng anyong tubig
Upang marinig ang boses ng iyong kahimig.
Sa sobrang rupok mo, destiny agad lahat ng natatabig.
Sa
sabihin ko sayo na hindi lang romansa
Ang magbibigay sa 'yo ng ligaya.
Maraming uri ng pag-ibig na palagi mong kasama
Ngunit dahil sa pagkabulag ay hindi mo nakikita.
Tau
Bagay, Hayop, o mga pangyayari
Ay maaaring ring sa 'yo ay magbigay ngiti.
Sa dami ng pagpipilian ay mapapagod kang mamili,
Ngunit hindi na kailangan dahil nariyan lang naman sila sa tabi-tabi.
Wa
la namang nagsabi na nag-iisa ka, inday,
Para maghanap ng isang taong makakasama sa buhay.
Marami namang nagmamahal sa 'yo ng tunay,
Tumingin ka sa kaliwa't kanan, sibog gamay.
Ya
kap namin ay magiging handa para sa 'yo
Sa tuwing kalungkutan ay madarama mo.
Kaibigan, kapamilya, kapatid man o kapuso—
Isa lang ang sigurado, palagi kaming nandito.
Ang tamang pagbaybay
Sa pag-ibig na tunay
Ay P-A-G-H-I-H-I-N-T-A-Y
Hanggang sa itakda ng Ama-
Na handa ka na at handa na siya
Na kulayan ang drawing na pag-ibig n'yong dalawa.
O. Ngiti ka na, walang jowa.
Ang Tamang Pagbaybay Sa Pag-ibig Na Tunay | April 7,
2022 | La
Terraza | Bannie
Bandibas
A REVIEW ON: KAPOY NAKO
π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...
-
π Follower ko ni Sir Mubarak sa facebook ug nakaila ko niya kadtong isa ka issue sa TF something in the past, sukad ato kay sige na kog atan...
-
π Luwal | Hati, mga tula ni Agatha Palencia-Bagares. The only chapbook I bought last August, 2023 in Philippine Book Festival held at SMX L...
-
π Takós Tomo III Ito ang unang volume ng antolohiyang Takós na nabasa ko, di mapagkakaila ang husay sa pagpili ng mga piyesa na talagang uma...