Distansya
Una kitang nakilala
bilang isang bugtong,
hindi makasalita, sigaw,
at kahit bulong
ngunit sabi nila’y lagi
kitang kasama--
nawawala, nakikita pero
‘di madama
at tulad ng isang bugtong
na napakahirap
ay di rin kita
maintindihan. Kukurap kurap.
Mawawala ka na lang nang
isang iglap
sa pagtago ng araw sa
makulimlim na ulap
kahit na hindi pa
nagsisimulang umiyak--
pagdamay mo minsan ay di
ko na rin tiyak,
kung nadiyan ka ba,
kasama pa ba kita
o nang-iwan ka na rin
tulad nila. Tutunga-tunganga.
Iniisip kung kaya bang
sagutin ng matematika
ang tamang layo at
distansya natin sa isa’t isa
sa bawat oras at
panahon, kalmado o maalon,
pagkat nais kong tumakbo
papalapit--tumalon
patungo sa iyo at
yakapin ka nang mahigpit,
tanggalin mo ang mga
sakit. Papikit pikit.
Tuluyan akong nabulag,
nadagdagan ang pait
na sa lalamunan ko’y
kumakapit at gumuguhit
hanggang sa napilitan
akong isuka ang lahat
kasabay ng pag-agos ng
dugo sa mga sugat--
hiningal ako, pagod, sa
pader ay napasandal
at nakita kitang muli sa
labis kong pagpapagal.
Tunay ngang ika’y
malapit, walang isang dangkal,
basta’t ako’y sa ‘yo
lang didikit. Dadasal dasal.
#PSACUATROCANTOS
|
SERTIPIKO NG PAGLAHOK\
|
|
KATIBAYAN NG PAGKILALA
|
|
LIBRONG NAPANALUNAN BILANG KAMPEON |
|
SKRINSYAT SA BIDYO NG PARA SA ANINO |
|
PASKIL NG PARA SA ANINO |
|
GAWAD GASERA - SERTIPIKO |
|
GAWAD ESTRELYA - SERTIPIKO |
|
GAWAD BAHAGHARI - SERTIPIKO
|
|
PASKIL - GAWAD AGILA - SERTIPIKO |
Distansya | June 29,
2022 | Para
Sa Anino | Pagsulat ng Tula | Kampeon | Bannie
Bandibas
(90.50 %)
— Gawad Gasera 2022 (Best in Title)
— Gawad Estrelya 2022 (Best in Content)
— Gawad Bahaghari 2022 (Most Creative Piece)
— Gawad Agila 2022 (Technicality Master)
Ikaw ang kauna-unahang Aníno ng Kampeonato ng
pahinang Para sa Aníno sa Kategoryang Pagsulat ng Tula.