Bannie | PleumaNimoX: June 2023

Search This Blog

Friday, June 30, 2023

JUNE 16, 2023 - CROSMAKAARAWAN

JUNE 16, 2023

SIR DENNIS M. VELASCO, RCA
(Accountant)


ROXANNE KITH J. ESCOSAR
(Assistant Purchasing Officer)


Thursday, June 22, 2023

A REVIEW ON: AND THAT'S WHY WE CALLED IT MEMORIES | E-BOOK

 [π]

    Let's mention the 3 states of time...

    Past. Mga alaalang pilit kinakalimutan, itinatago sa kuwardernong niluma ng panahon at kailangan nang isara. Mga litrato ng nakaraan o kuha ng rekorder sa mga giyerang pinagdaanan, pinunit at itinapon. Ilalagay sa baul pagkat alaala na lamang ngunit may mga bahagi na may aral na patuloy nating bibitbitin hanggang sa ngayon dahil nakatutulong si ngayon at makatutulong sila balang-araw. Mga alaalang natapos at wala ka nang magagawa dahil tapos na.

    Present. Mga alaalang gingaya natin ngayon na alam nating darating ang araw na magiging alaala na lamang at alaalang pahahalagahan. Mga tamang tumama sa may tamang timang na sinisimulan nang isuksok sa pitaka para iyakan bukas makalawa. Mga maling gawain na patuloy na ginagawa dahil masaya, gaya ng pagsakay sa ferriswheel at sa pagbaba mamaya ay masusuka. Mga alaalang hindi pa natatapos ay alam mo nang may katapusan.

    Future. Mga alaalang bubuuin pa lamang. Mga planong hindi malaman kung masisimulan pa ba, nararapat pa bang antayin o hahayaan na lamang ang kalawakan ang magdikta. Walang katapusan dahil walang kasiguraduhan.

    Sa oras tumatakbo ang mga piyesa sa antolohiyang ito na nilikha ng magagaling na manunulat at manlilikha ng sining biswal. Nakamamangha ang daybersidad, pinaghalo ang iba't ibang istilo ng pagsulat, paglathala, pagkuha ng litrato, paglapat ng mga guhit, at boses sa bawat kuwento, liham at tula. Mas kinagiliwan ko ang mga kulay, kinakalikot ang aking utak ng mensahe ng mga ito along with the lines printed on each pages. Very commendable ang pagkamasining at makulay ng publikasyon...

    But my heavy take-away on this book is the 4th state of time or category of memory, iyong alaalang bitbit mo kahit hindi naman naganap. Alaalang naganap sa kung saan mang dimensyon na dumalaw sa iyo isang araw ngunit hindi pala iyo pero tinuring mo pa ring pag-aari. We all have that kind of memory, wala sa tatlong estado—hindi nangyari, nangyayari o inaasahang mangyari pero dala-dala mo. Hindi ko rin alam kung ano iyon, walang nakaaalam kundi katawan, isip, puso, buo mong kalamnan at anino mo lamang.



Tuesday, June 20, 2023

A REVIEW ON: BEER BOTTLE IN HAND | E-BOOK

[π]

    Yong eksenang hatinggabi, tumatambay ka sa ibabaw ng bubong at nakatunganga sa kawalan saka pagmamasdan ang paligid. Binabasa ang mga pagguhit ng mga ilaw at pinakikinggan ang musika ng gubat. Sinusundan ang ilaw ng sasakyan na humaharurot, ang kumikindat na ilaw ng eroplanong napadaan lang, at iba pa. Gagawa ng kuwento, tula o liriko kasabay ng mga tunog ng kuliglig, ibon, pusa, aso at iba pang mga hayop at insekto. May hawak kang bote sa kaliwang kamay dahil pampunas mo ng luha ang kanan, nang maubos ay hihilata ka sa bubungan. Papaglakbayin ang mga mata sa madilim na kalawakan na parang ang pag-asa ay naksalalay lamang sa mga kumikislap na mga bituin, mag-iiwan ng linya ang bulalakaw. Hihiling ng katiwasayan, at paghilom.

    Ganito ang atake sa akin ng mga piyesa sa librong ito. Tila isang palabas na laging lasing ang bida dahil ilang mga dahilan na kahit paulit-ulit ay parehong emosyon at reaksyon ang ibinibigay ng iyong utak at katawan kaya kailangan mong lumaklak. Kailangan mo ng magpapamanhid ng mga kalamnan upang di madama ang pangingirot ng iyong buong pagkatao, ng iyong anino.

Mahusay ang panulat ng awtor o editor nito, pati na rin ang mga piyesa ng ibang manghahabi ng mga salita na nakasama sa proyektong ito. 

--Banuy




Thursday, June 15, 2023

A REVIEW ON: IN CASE YOU CAN'T SEE THE SUN | E-BOOK

[π]

    3 parts. 3 stages of a love story.

    Pagdating. Ito 'yong eksena na may darating sa gitna ng mapayapa mong paghinga. May naaamoy kang mabango na ayaw mong pakawalan dahil nasisiyahan ka sa presensya nito. Iniisip mong siya ang magtatanggal ng lahat ng kabantutan mo, ang tatanggap sa lahat ng baho. Parang amoy ng unang pagbagsak ng ulan, pintura, gasolina, bagong libro o lumang damit na naitago sa kahoy na aparador, at bagong labas na perang papel sa bangko ngunit...

    Paglisan. Lahat ng akala at mga ekspektasyon ay mababali--mapupuno ng salamat, patawad, paalam, at mga bakit. Ang eksena ng paghabol sa hiningang binawi, pagtigil ng mundo, katapusan ng kwento, pagkaubos ng pahina ng libro, at paglalakad palayo ngunit hindi makararating sa dulo...

    Dahil nariyan ang kasunod ng katapusan. Hindi na dapat siya kasama sa kuwento ngunit dahil sa bahid ng naunang dalawang parte na nakamarka sa suot-suot na damit ay naging kalahok siya sa paligsahan na may magulong mga tanong ngunit alam mong may sagot. 

    Hubarin mo ang iyong saplot at yakapin mo ang iyong sarili. Ibigin mo ang kung sino ka. In case you can't see the sun because of the gloomy weather, create a sun inside you. Ikaw ang siyang liwanag na kailangan mo sa makulimlim mong kalawakan.

    The words and lines spilled by the author in this book are indeed scriptures of enlightenment. It will let you grasp your kahibangan, let you see the truth and make you realize na nalinlang ka, and will cover the windows of your soul so your soul will be forgiven. Parang pangungumpisal, hahayaan kang ihayag ang iyong mga sentimyento sa bawat piyesa at pagnilayan ang mga ito. Patawarin mo ang iyong sirili sa mga panahong hindi mo nakikita ang araw, nakapikit ka lang.

--Banuy

Monday, June 12, 2023

A REVIEW ON: MGA LILIM NG ARAW | ZINE

[π]

    Sunshades. (Google Translate) Things that covers from sunrays.

    Masakit sa balat ang sikat ng araw, kailangan mo ng mga lilim o pantaklob na pananggalang mula rito. Ang pagkakaroon ng panangga ay hindi pagkawala ng sikat ng araw, nariyan pa rin siya, nagliliwanag, sobrang liwanag, nananakit—nagkaroon ka lang panandaliang kaginhawaan.

    Ang mga piyesa ng zine na ito ay tumatalakay sa mga pangyayaring nagaganap pagkatapos ng sakit at mga bagay na ginagawa ng mga nasaktan pagkatapos masaktan. Sa dulo ng kirot, lungkot, pighati, karamdaman, panghihinayang, pagsisisi at iba pa ngunit hindi ang tiyak na dulo. Tila sinasabi ng mga piyesa na ganito ang pagtatapos ngunit hindi ito ang tunay na katapusan.

    Ang sakit ng pagkawala, paglisan, pagkadurog, pagkabasag at iba pa ay maaaring magtapos sa paghilom, pagtanggap, paghihiganti, kapayapaan, kaligayahan at pag-iral ngunit ito'y mga lilim lamang dahil alam ng mga salita, ng mga linya, na hindi iyon ang dulo. Madarama ang emosyon ng mga pangyayaring personal na narasanan ng manunulat sa mga akda and the message of comfort, encouragement, and support that comes after...

    Ngunit gaya ng nasa guhit, alam nating hindi ang pampang ang dulo ng lupa dahil mayroon pang nasa ilalim ng dagat. Kailangan mong sisirin ito upang maabot nang may suporta ng oxygen tank para makahinga. Suporta ang kailangan natin upang makapagpatuloy at maabot ang kabilang dako kahit hindi maipapangakong wala nang sakit.

    Kung nais n'yong magkaroon ng kopya nito ay magmensahe lamang sa awtor: Francis Madas.

--Banuy

Saturday, June 10, 2023

A REVIEW ON: FORGOTTEN BUCKET LIST | E-BOOK

[π]

    Kapag sinabing bucket list, karaniwang naiisip natin ay mga lugar na gusto nating puntahan, at mga gusto nating gawin sa mga lugar na gusto nating puntahan. Kumuha ng mga litrato na magsisilbing babalikan na mga ala-ala, susubok ng mga bagay na hindi pa nagagawa, kakain ng kakaibang mga pagkain at delicacy ng lugar, at minsa'y gusto lang nating umupo, magpahinga, at pagmasdan ang tanawin. Ganito ang aking danas habang binabasa ang libro. Kasabay ang mga litrato at guhit, parang pinaglakbay rin ako ng mga piyesa ng awtor. Iba-ibang eksena at tanawin, iba-ibang emosyon. Pati ang mga piyesa ng ibang manunulat na inilathala rin dito, halo-halong persona at boses na sobrang nakabibilib.

    May mga kinalimutan o binura mang puntahan o gawin sa likhang sining na ito, buti na lang ay hindi nabura sa listahan ang mabuo ito. The "Forgetten Bucket List" was never forgotten to achieve.

--Banuy

Thursday, June 8, 2023

A REVIEW ON: MINSANG HARAYA NG HULYO | E-BOOK

[π]

    Marlon Jay "MJ Zyke" Calicdan

    Para bang nanunuod ako ng isang dula na itinatanghal sa entabladong nakabukas na ang tabing bago pa man magsimula at alam ng lahat ng nasa bulwagan na hindi ito magsasara. Isang iglap, nagsimula sa kalagitnaan ngunit hindi malaman kung ang pagtatapos ang siyang katapusan. Parang pelikula, naiisip ko ang mga piyesa na tila mga eksena ng The Day After Valentines, 100 Tula Para Kay Stella, at Just a Stranger. Panandalian, isang minsan. Damang dama ang kilig na agad ring binawi at ang labis na lungkot na siyang nanatili, baka hanggang ngayon. 

    Napakagaling ng pagkakahabi ng awtor. Tagos sa kalamnan ang mga salita at linyang nakababagbag-damdamin. Baka siguro ganito ang reaksyon ko dahil naiugnay ko ang aking personal na karanasan na naganap din isang minsan. Maraming kwento rin ang nagbalik gaya ng naranasan ng bida ngunit ang tanging magagawa na lang namin ay ikwento ang mga ito . Tapos na ako, sana balang-araw ay siya rin. Manalangin tayong sa paghilom ng sugat ng mga taong ito, tawagin nating silang Hulyo. Tawagin natin ang ating mga sarili na Hulyo. Kalagitnaan ng taon, Hulyo ang pangalan ng mga iniwan sa gitna.

    Talagang maramdamin ang likhang sining na ito. Tiyak kung mababasa ng mga dapat makabasa ay baka makagawa tayo ng kulto.

--Banuy



Wednesday, June 7, 2023

A REVIEW ON: MOON AND SCARS (PHASES OF TEARS AND SMILES) | E-BOOK

[π]

    "They are writers and they are all great at what they do. They're one of the stars that will guide, support, and inspire you." This line fits Ms. Ligayeah. The twin moods or being of a writer, the one--Phlegmatic-Sanguine and the other--Melancholic-Choleric, it shows in her pieces. 

    Hindi naman talaga sumasagot ang buwan at mga tala kapag nakikipag-usap ka sa kanila subalit sa pamamagitan ng mga sulat at mensahe ng mga manunulat na gaya ng awtor na ito ay nalalaman mo ang sagot sa mga tanong mo sa kalangitaan at kalawakan. Hindi lang sa panulat makakukuha ng sagot, maaaring sa awitin, sa musika, sa mga ilaw at iba pa na paraan ng mga selestyal upang komunika.

    Mahusay si Bb. Mary Joy sa pagkatha ng kaniyang mga hinuha na totoo namang marami ang makagagawang iugnay ang kanilang sarili sa mga piyesa rito.

--Banuy



Sunday, June 4, 2023

A REVIEW ON: JONAS—NOBELA SA WIKANG SEBWANO | BOOK

[π]

    Minsan ko ring naging kaibigan ang dagat.

    Minsan kong naging kalaro ang dalampasigan at dagat noong nakatira pa kami sa Bula, isang baranggay sa Gensan. Lumaki at itinaguyod kami ng aking Tatay sa panghuhuli ng isda, hanggang ngayon ay lumalayag siya sa lawod at kung matibay pa ang mga tuhod ay babalik-balikan pa rin niya ito. Nagkalaman ang tiyan ko dahil sa isda at paborito ko ang isda lalo na ang pakol. Saksi ang dagat sa hubad na ako, literal na kita ang pututoy noong aking kabataan. Lumayo kami isang minsan sa dagat upang mamahay sa bukid kasama ang mga tubo, mais, mangga at malawak na pastulan ng mga kambing at baka ngunit tinatawag pa rin ako ng dagat na bumalik sa kanya. Dagat, bakawan at ilog ang unang pumapasok sa isip kapag gumagawa ng proyekto para sa kalikasan noong parte ako ng YES-O sa hayskul. Audience ko rin ang Sarangani Bay sa Queen Tuna Park sa mga araw na gusto kong mag-emote noong kolehiyo at humalo ang mga luha sa mga tubig nito. Ang hangin ang nagpapakalma sa akin.

    Ngunit bakit minsan ko lang naging kaibigan ang dagat? Dahil hindi palagi. Nabasa at napakinggan ko na ang mga kwento tungkol sa mga mananap o di ingon nato ng karagatan na palaging simbolo ng panganib. Nakakikilabot ngunit mas nakatatakot ang buhay, ang tao, ang dibel dibel nga tawo nga naa ang dagat. Minsan nagkukuwento si Tatay at nababalitaan ko rin ang mga dautan sa dagat, ang mga tulisan. Minsan na akong nawalan ng kamag-anak dahil sa bagyo sa dagat ngunit ang tao sa dagat ang mas delikado para sa akin. Umaabot ng ilang buwan hanggang isang taon at sobra pa minsan ang pananatili ng mananagat sa tubig sa mga malalaking kumpanya, delikado ang tao, ang mga kasama, ang isip gaya ng naikuwentong pagkitil ng buhay ng aming paryente dahil sa isyu tungkol sa kaniyang anak na babae, ang sarili na baka panghinaan ng loob sa mga pagsubok sa laut, at katawan na baka hindi kayanin. Nakatatakot ang tao sa dagat.

    Dahil sa nobelang Jonas ni ate Hannah, nagawa kong balikan ang mga kuwento ng mga ano, sino, at kanino ng dagat na naipon—mga karanasan ng aking mga kadugo sa Leyte noon hanggang ngayon dito sa Mindanao. Sobrang naka-relate ako sa mga termino at pangyayari sa kuwento na labis ring nakaeengganyo dahil nakasulat sa wika kong nakagisnan. Buhay ang kwento ni ate Hannah, kinukutaw ang aking isipan ng bawat senaryo. Sa bawat pagsampa sa bangka, paglayag hanggang sa pagdaong—isinama ako nito. Magaling si ate Hannah magkwento. Sa pagbasa ng librong ito ko lang rin nalaman na ang nobelang ito ay hindi pala orihinal na para gawing nobela, nagmula ito sa isang kuwento na naging isang kabanata rito. Napaisip akong baka pwede ko ring gawing nobela ang mga kuwento ko, mga kuwento sa bundok, bukid at dagat lalo na iyong mito na inimbento ko noon para sa isang patimpalak. Hindi imposible, gaya ng pagka-"di impossible" ng pagkabuo ng nobelang ito. Worth the price and effort na absinan half-day sa work para mapalit. 

    Uso na siguro ang walkman noon, baka may bitbit si Jonas sa dagat tapos gipatugtog niya ang Gitna ni Davey Langit na for me—not solely meant to be a love song but a life song for people sailing. Naglalayag sa dagat na walang kasiguraduhan. Nakatatakot maiwan sa gitna. Hindi kailangan ng kasama na agad liliwan para masabi mong ika'y naiwan, kahit kasama mo lang ang iyong sarili--isang iglap ay iniwan ka ng iyong puso, pag-ibig, katinuan, at paghinga.

    Naiwan si Jonas sa gitna, gitna ng dagat at gitna ng nakapalibot sa kanya. Walang magawa kundi humilata dahil iniwan rin siya ng kaniyang lakas ngunit sa bawat pag-iwan o pag-alis ay may posibilidad ng pagbabalik, kargahon niya usab si Odo, Duday ug iyang junior.

    Sa mga nais magkaroon ng kopya ay maaari n'yo pong kontakin ang awtor sa kaniyang mga social media accounts—Hannah Adtoon Leceña, upang malaman kung paano umorder o saan maaaring bilhin ang librong ito.

--Banuy

Friday, June 2, 2023

A REVIEW ON: NECROPHILIA, BIOPHILIA | ZINE

[π]

    The authors of this zine are the young bright minds we should nurture. Their creativity and having great ideas spilled on these sheets without doubts is the pearl of the local literature.

    Walang nakalagay na manunulat sa mga piyesa kaya magbibigay ako ng kritiko sa mga piyesa mentioning only the titles, I'll make comments also to those pieces I assumed written by a specific author because they signed on them.

    "Perlasitas" and "Espada" of Rheven, talking about the nation and one's self, drew giant boulders of ideas suddenly dumped on a calm lake. Nayanig ang nayon ngunit hindi ito masama pagkat mapangmulat at panggising ito sa natutulog na walang kamuwang-muwang na mga sanggol ng nanganganib nating bayan, pamayanan at sarili. 

    The first piece "Di Ka Iiwan" tackling about having faith but I lost faith on how it is presented. I believe it is a poem ngunit baka sa sobrang pagsilakbo ng damdamin ay hindi na naisaayos nang mabuti ang paglalahad nito?

    Gaya ng unang piyesa, may problema rin sa tekniklidad ang mga sanaysay at naratibo lalo na sa pagbabantas. Hayaan sana nating huminga ang mga mambabasa. Another is in the format, publishing a piece is like a painting—suriin kung kaaya-aya bang i-display. The pieces, specially proses, should be aligned justified.

    Justine Paul's "Kinabuhi" is rich in emotion. The heartfelt hurt on the words used is a wise act to catch attention. The only piece that has a local medium but is worth a read and be printed along.

    The english poems are very well written and most of the pieces are properly structured. I enjoyed reading every single one of them and I commend the mind/s who molded them.

    "The Bedevil of Taxi" by Lizziewin is close to perfect. The format is right for a publication, may mga napuna lang ako sa teknikalidad tulad ng sapat at naayon na transisyon ng mga eksena, at mga bantas. Napansin ko rin ang paglalagay ng pagsasalin kasunod ng dayalogo, maaaring gumamit ng action at dialogue tag upang ipaliwanag ang dayalogo o ihiwalay ang pagsasalin, lagyang ng pangangahulugan ng binanggit o mga salita rito at pagsasalin na may reaksyon ng pinagbanggitan. Mainam na pag-aralan ang mga teknikalidad na ito. Sa kabila ng mga puna ay ito pa rin ang masasabi kong naging paborito ko sa zine na ito.

    Kabuuang komento, proofread and/or have a copy-editor if you want to publish everything everywhere. There are people who are willing to help and some are free of charge basta huwag lang kayong matakot mabigyan ng kritik at puna—iyan ay sa ikabubuti niyo bilang manunulat at sa pamayanang pampanitikan na ating ginagalawan. 

    This is my last zine purchase from Mugna and hoping that other zines will be available soon kay paningkamutan ko gid mabakante ang nanghupong nga pitaka.

--Banuy


With The Team
Photo credits to Paul


A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...