Search This Blog
Sunday, December 24, 2017
AKAP INSPIRATIONAL WRITING CONTEST
Friday, December 22, 2017
TUPA
Isa sa mga napaka-emosyonal kong mga likha na naiiyak ako sa tuwing binabasa. Kahit matagal-tagal na ito ay nadadala pa rin ako ng mga salitang ginamit ko. This is inspired to a Bible Story--The Prodigal Son.
Entry # 1
#NatitirangKinangSaAkingParol
#ForbiddenPoetry
Minsan na rin akong napatanong --
Kung tatalon ba ako sa balon,
Sasagipin ba ako ni ama
O baka mas isipin nila ang tubig?
Ang nadumihan kong tubig
Ng aking sariling dugo --
Pusong manhid na at di makadama
Ng pag-ibig ng aking sariling pamilya.
Bakit ba? Bakit nga ba?
Mahal nga ba o utusan niyo?
Mas tinuturing n'yo pa akong aso.
Nakatali at walang kalayaan
Lugar na dama ko
Ang kalayaan na hangad ng puso
Ngunit may bulong sa aking isipan --
May namuong pag-asa na baka
Magbago kapag ako’y muli nilang makita.
Sinimulan kong maglakad pauwi --
Malayo pa lang ay tanaw ko na,
Nakatitig si ama.
Si ina ay tumakbo papalapit sa akin,
Ngunit nang makalapit na siya,
Sampal ang natanggap ng aking mukha.
”Saan ka nanggaling? Saan ka nagpunta?
Ang bisig ko’y handa na sana
Upang tanggapin ang yakap nila
Ngunit suntok lamang sa tiyan ang nakamit,
”Pakainin mo yong mga baboy.
Huwag kang tatamad-tamad, Totoy.”
Buti pa nga yong biik, may nag-aalagang ina.
![]() |
| *Certificate of Recognition - Rank 5* |
![]() |
TUPA (TUnay na PAmilya) | December 22, 2017 | Forbidden Poetry | Natitirang Kinang sa Aking Parol | Fifth Place | Bannie Bandibas
Wednesday, December 20, 2017
ANO NGA BA
#MMTula
#TeamPLA
Ano
nga ba ang isang relasyon?
Alam
mo nga ba ang kahulugan?
Diba't
iyan ay dalawang pusong
Pinagtagpo
at NAGMAMAHALAN.
Yung
mahal mo siya.
At
mahal ka niya.
Hindi
yung umiibig ka,
Siya,
balewala.
Nagbibigayan,
nagtutulungan.
Sa
mga oras na kailangan ang isa't-isa--
Sisiguraduhing
palaging nandyan,
Bibigyan
ng oras, kahit busy pa.
Ngunit
bakit, hindi ganyan
Ang
nakikita kong turingan niyo.
Tunay
nga bang pagmamahalan?
O
baka, hilahan lamang ng puso.
Malabo,
ngunit ayaw pakawalan.
Nasasaktan,
ayaw namang lumisan.
Bakit
ka nagtitiis sa ganyan?
Isang
mabigat na katanungan.
Di
kita pwedeng diktahan
O
kahit piliting bumitaw.
Ngunit kung mananatili kang ganyan,
Baka
dapuan ka na ng mga langaw.
Nabubulok
ka na diyan,
Ba't
di pakawalan ang puso?
Ngunit
'wag tuluyang sarhan
Ibaon,
ikubli, o lumayo.
Malay
mo, nasa palagid mo lang siya--
Nagpaparinig,
ngunit di mo nakikita.
Di
naririnig kahit nagpapapansin na.
Teka?
Ang labo ko na ata?
Bahala
na, basta nandito lang ako--
Maghihintay
hanggang maghilum ang puso.
Tandaan
mo lang, mananatili akong kaibigan,
At
balikat na iyong masasandalan.
At
sa huling pagkakataon sinta--
Tatanungin
kita.
Ang
tunay na relasyon ay ano nga ba?
Sa
depinisyon mo--Ano nga ba?
Ano Nga Ba | December 21, 2017 | Akademyang Pampanitikan | Bannie Bandibas
Saturday, December 16, 2017
AKAP DUGTUNGANG PAGTULA
Friday, December 15, 2017
PASKO
"Pasko"
by Bannie Bandibas
This is how we call - Christmas.
A day of giving, laughing, eating,
Chatting with an emptied glass
Of beer or wined coconut bearing.
"Tuba" - a simple Filipino drink,
Bought on a one gallon bottle.
Starting to lost what they think -
When they got drunk, even a little.
Dancing is all over the place,
Like there is nobody's watching.
A routine step, above a table face -
On a funky guitar and ukulele plucking.
Families gathered from afar
Just to see their love ones.
On a "Jeep" - a Pinoy car -
Hop in before it runs.
Bringing foods, fatty or fresh,
Healthy, dried, fried or boiled.
A special day of simple dishes
Gives fun, no room to be annoyed.
Loud voices on a KTV machine
For Filipinos are natural born singers.
But even some voices are ruined -
They still sing, just to be noise bringers.
Oh! How I miss this joyous day -
With people around you smiling.
Even problems catch their way,
It is still a time of loving and laughing.
December 16, 2017 | Pasko | The Young Writers | Participant
Wednesday, December 13, 2017
BUSINESS PROJECT: DJTAL
Friday, December 8, 2017
MAAYONG BUNTAG
![]() |
| PITIK NG INYONG LINGKOD |
Maayong buntag | December 9, 2017 | Bannie Bandibas
Sunday, December 3, 2017
ANG DATING (MIDDLE MESSAGE)
Unang beses kong makalahok sa ganitong uri ng paligsahan na gagawa ka ng sarili mong uri ng tula. Hindi ako sigurado sa aking ginawa pero natanggap ito ng organayser na maging natatanging uri o sub-type ng isang uri. Nanalo ang piyesa ng Ate Jubee ko dito at pareho kami ng Tiyang Samantha Rivera ko na natanggap rin ang lahok.
Ang Dating
-o0o-
Nandito ang puno ng ating mga
Alaala at pag-ibig na tila
Nalalagas na ang mga dahon.
Ang dating sandalan, naging kahon.
Alam kong di na maibabalik
Kahit inalay ko na ang lahat.
Naisin ko man ulit maramdaman ang halik,
Babayaran upang matanaw, ngunit salapi’y salat.
Maglalakad ako gamit ang tsinelas ko
Patungo sa puso ng aking birhen.
Ala-ala ng pagmamahalan, ika’y mananatili dito.
Sa kabaong man muling masisilayan, ako’y kinikilig pa rin.
( basahin mula pamagat, patungo sa gitna ng bawat linya [ isang salita o dalawa kung espasyo ang gitna ] upang matuklasan ang nakatagong mensahe )
MIDDLE MESSAGE (Mensahe sa Gitna)
Description ng Form: Ito’y uri ng pagsusulat ng tula na may nakatagong mensahe sa gitna ng bawat linya. Hanapin ang mga salita sa gitna ng bawat linya o kung espasyo ang gitna ay kunin ang dalawang salita na ginitnaan ang espasyo. Maaring gamitin sa katuwaan o paglalahad ng sekretong mensahe sa mga nililikhang tula. Simple man ngunit nababagay sa mga “Detective” o Tagasuri ang pag-iisip na mga mambabasa o manunula(t).
Halimbawa o Patunay:
[ANG DATING]
Ni NumistManunula
Nandito ang [PUNO NG] ating mga
Alaala at [PAG-IBIG] na tila
Nalalagas na [ANG] mga dahon.
Ang dating [SANDALAN], naging kahon.
Alam kong [DI] na maibabalik
Kahit inalay [KO NA] ang lahat.
Naisin ko man [ULIT] maramdaman ang halik,
Babayaran upang [MATANAW, NGUNIT] salapi’y salat.
Maglalakad ako [GAMIT ANG] tsinelas ko
Patungo sa [PUSO NG] aking birhen.
Ala-ala ng [PAGMAMAHALAN, IKA’Y] mananatili dito.
Mensahe:
Ang dating puno ng pag-ibig ang sandalan,
Di ko na ulit matanaw.
Ngunit gamit ang puso ng pagmamahalan,
Ika’y muling masisilayan.
Saturday, December 2, 2017
PINILI KONG MAGLAKAD KAYSA LUMIPAD
![]() |
| POSTER NA EDIT NG INYONG LINGKOD |
Pinili Kong Maglakad
Kaysa Lumipad | December 3, 2017 | Bannie Bandibas
Friday, December 1, 2017
BUKAS UTAK
![]() |
| LITRATO GAWA SA HOTPOT.AI |
Bukas Utak | December 2, 2017 | Bannie Bandibas
AUTHOR'S PUBLISHED WORKS (TBU POST)
Author: Bannie Magallano Bandibas NBDB Author/Writer Registration No. 5666 Pen name(s): Pleumanimox, Banuy, Numistmanunula Publication(s):...
-
Ï€ Hindi na ito bago sa akin. I am fond of reading comic strips on newspapers and also on some comic themed publications and this is a typica...
-
[Ï€] Sunshades. (Google Translate) Things that covers from sunrays. Masakit sa balat ang sikat ng araw, kailangan mo ng mga lilim o...
-
Sleepyhead by Bannie Bandibas If I would be given a chance To treasure memories, I would keep the moments That you cast your worries. Sinasa...











