Bannie | PleumaNimoX: December 2017

Search This Blog

Sunday, December 31, 2017

SWPU TIME MACHINE: SAAN MO AKO DADALHIN? 2017



| Kuneho—Editor, Certificate Artist, Organizer
Spoken Word Poetry University
Dugtungang Pagtula
Time Machine: Saan Mo Ako Dadalhin?
2017

Friday, December 29, 2017

TIME MACHINE

     Isang collab na isinagawa sa pamamagitan ng isang paligsahan sa pagsulat ng tula na may temang "Time Mahine: Saan mo ako dadalhin?" Nag-kontribyut ako ng dalawang tula na may tatlong taludtod at apat na linya sa bawat taludtod at dudugtungan ng mga partisipante.

*Certificate of Recognition*




#4N

“Pinagtagpo Ngunit Hindi Itinadhana”

[ni Mark Escala]

Ang kahapon ko ay tila,

Isang Dahon na kailangan nang mahulog.

Di na kayang kumapit sa sanga --

’Pagkat pag-ibig ng bawat isa’y natulog.

Nang mahulog ang dahon sa lupa,

Naapakan, napunit at nadurog.

Nagnanais na muling makabalik siya -

Ngunit di kayang mag-akyat-manaog.

Kahit liparin ng hangin papunta sa sanga --

Pinipigilan lang ng kidlat at kulog.

Luluha nalang at kakalimutan na,

Kasabay ng ulan -- maglalaho ang pag-ibig na nasunog.




#4H

Hinaharap-hanap

Ni:Rubelyn E. Verterra

Ang bukas ko’y pilit iniiwasan,

sapagka’t ayaw ko nang masaktan pa.

Yung tayo’y magkaka-ibigan --

ngunit iiwan mo rin naman pala.

Puso ko’y patuloy pang naghihilom,

mula sa sugat na dulot niya.

Ngunit, "bakit?" aking tanong --

bakit tila iba ka?

Ikaw ba ang may-ari ng pusong 

magbibigay sa akin ng pag-asa?

Pag-asang muli akong sumilong,

sa pag-ibig na sana’y sa hinaharap ay di na lilisan pa.





Pinagtagpo Ngunit Hindi Itinadhana & Hinaharap-hanap | December 30, 2017 | Spoken Word Poetry University | Time Machine: Saan mo ako dadalhin? Dugtungan Tula | Participant | Mark Escala & Rubelyn Verterra | Bannie Bandibas




Wednesday, December 27, 2017

TULA 27 - BORN POOR -- BUT HAVE POWER

Born Poor - But Have Power

Born wrapped on a dirty flour sack sheet,
for your father can’t buy you clothes.
You suffer from cold hands and feet --
for you sleep at the side of the roads.

You haven’t tried milk,
or even sip once.
You can't always have a drink,
that will satisfy your thirst glands.

You haven’t tried chicken,
fried or even grilled.
You have jumped more than seven,
but never once on a bed.

Sometimes you have nothing to eat,
and you curled in hunger.
How long would you sit --
how long would you suffer.

You were born poor,
but don’t stay as is.
You have a power,
try and take the risk.

Speak for your rights,
let the world hear you.
Write, how a writer writes,
and let them see it through.

You still have time to reverse your situation.
from suffering to humble living.
You can save yourself from now on --
treasure and use things you are given.

A young heart, doesn’t mean --
that you can do nothing.
For a single small hand can do ten.
never surrender and aim for heaven.

PASKIL NG LAHOK


Born Poor -- But Have Power | December 28, 2017 | Prayaas - Let Dreams Live On, India | Writing Competition | Partisipante | Bannie Bandibas

Sunday, December 24, 2017

ANG PASKO AY SIYA



    Tulang isinulat ko para sa isang kontes sa kasagsagan ng pagiging aktibo ko sa simbahan - Born Again Evangelical Church - CCFI (Christian Church Fellowship International).

Ang Pasko Ay SIYA


Bakit nga ba may pasko?

Bakit abalang abala ang mga tao?

Alam kong ito'y isang pagdiriwang,

Ngunit ano ba ang tunay na kahulugan?


Sabi ng iba, ang pasko ay kasiyahan,

Pagmamahalan, pagbibigayan.

Ngunit bakit sabi nung isang kanta,

Pasko na naman ngunit wala ka pa.


Bakit may kalungkutan? Mga pagdaramdam,

Hapdi at pighati pagka't nasasaktan.

Alam mo ba talaga ang kahalagahan?

O baka nabulag ng mundo kaya hindi maintindihan.


Itinutuon ang pansin sa mga regalong natatanggap,

Sa mga handang pagkaing napakasarap,

At sa mga taong, minsan nanjan, minsan di mahagilap.

Kaya ka nalulungkot kasi hindi ito sapat.


It's not about the gift that you will receive,

It's not about the food that you will eat,

Its not about the people around you,

But it's about the cross,

It's about our Savior.


Upang makamtan ang tunay na kaligayahan,

Ibigay ang puso sa gumawa ng kalangitaan.

Sa Diyos na nagkatawang tao,

Ipinanganak pa sa isang sabsabang mabaho.


Nagpakababa, upang ikay itaas

Mula sa kalungkutang dinaranas.

Ang pagsilang sa kanya ay pag-asa

Para sayo, sa akin, at sa hindi pa nakakakilala.


Kaya't pag sumapit na ang araw na ito

Huwag mong hayaang kalungkutan parin ang dala mo.

Maging tanda sana ang kanyang ginawa,

Isinilang at namatay dahil sa ating mga pagkakasala.


Ika'y pinatawad, kaya magpatawad ka.

Ika'y biniyayaan, kaya magbigay ng kusa.

Alam mo na ba ang sagot kung bakit may pasko?

Ito'y araw ng pag-alala sa kadakilaan ni Hesus na tagapagligtas mo.


-------

Bannie Bandibas

12-03-17 Entry01001010

*Certificate of Participation*

*Certificate of Award*

Ang Pasko ay Siya | December 25, 2017 | Poetry from the Heart | Tunay na Diwa ng Pasko - Pagsulat ng Tula | Seventh Place | Bannie Bandibas

Comments/Critiques: Jin Florendo - Ganda naman





AKAP INSPIRATIONAL WRITING CONTEST


| KunEho—Editor, Cerificate Artist
Certificate Template by Ten Gramms
Akademyang Pampanitikan
Inspirational Writing Contest
2017

Friday, December 22, 2017

TUPA

    Isa sa mga napaka-emosyonal kong mga likha na naiiyak ako sa tuwing binabasa. Kahit matagal-tagal na ito ay nadadala pa rin ako ng mga salitang ginamit ko. This is inspired to a Bible Story--The Prodigal Son.

Entry # 1

#NatitirangKinangSaAkingParol

#ForbiddenPoetry


TUPA


Minsan na rin akong napatanong --

Kung tatalon ba ako sa balon,

Sasagipin ba ako ni ama

Mag-aalala ba ang aking ina...

O baka mas isipin nila ang tubig?

Ang nadumihan kong tubig

Ng aking sariling dugo --

Dugong minsang dumaloy sa aking puso.

Pusong manhid na at di makadama

Ng pag-ibig ng aking sariling pamilya.

Bakit ba? Bakit nga ba?

Kailan n'yo ba ako tinuring na mahalaga?

Mahal nga ba o utusan niyo?

Mas tinuturing n'yo pa akong aso.

Nakatali at walang kalayaan

Kaya ito’y hinanap ko kahit saan.

Lugar na dama ko

Ang kalayaan na hangad ng puso

Ngunit may bulong sa aking isipan --

Bumalik ka sa iyong pinanggalingan.

May namuong pag-asa na baka

Magbago kapag ako’y muli nilang makita.

Sinimulan kong maglakad pauwi --

Nagdarasal at nagbabakasakali.

Malayo pa lang ay tanaw ko na,

Nakatitig si ama.

Si ina ay tumakbo papalapit sa akin,

Natutupad na ba ang aking panalangin?

Ngunit nang makalapit na siya,

Sampal ang natanggap ng aking mukha.

”Saan ka nanggaling? Saan ka nagpunta?

Wala ka talagang silbing bata ka."

Ang bisig ko’y handa na sana

Upang tanggapin ang yakap nila

Ngunit suntok lamang sa tiyan ang nakamit,

Nagpatuloy kahit dumadaing na sa sakit.

”Pakainin mo yong mga baboy.

Huwag kang tatamad-tamad, Totoy.”

Buti pa nga yong biik, may nag-aalagang ina.

Ako ba? Kailan ba matatagpuan ang Tunay na Pamilya?

*Certificate of Recognition - Rank 5*




TUPA (TUnay na PAmilya) | December 22, 2017 | Forbidden Poetry | Natitirang Kinang sa Aking Parol | Fifth Place | Bannie Bandibas







Wednesday, December 20, 2017

ANO NGA BA

#MMTula
#TeamPLA

Ano Nga Ba
ni Bannie Bandibas

Ano nga ba ang isang relasyon?
Alam mo nga ba ang kahulugan?
Diba't iyan ay dalawang pusong
Pinagtagpo at NAGMAMAHALAN.

Yung mahal mo siya.
At mahal ka niya.
Hindi yung umiibig ka,
Siya, balewala.

Nagbibigayan, nagtutulungan.
Sa mga oras na kailangan ang isa't-isa--
Sisiguraduhing palaging nandyan,
Bibigyan ng oras, kahit busy pa.

Ngunit bakit, hindi ganyan
Ang nakikita kong turingan niyo.
Tunay nga bang pagmamahalan?
O baka, hilahan lamang ng puso.

Malabo, ngunit ayaw pakawalan.
Nasasaktan, ayaw namang lumisan.
Bakit ka nagtitiis sa ganyan?
Isang mabigat na katanungan.

Di kita pwedeng diktahan
O kahit piliting bumitaw.
Ngunit  kung mananatili kang ganyan,
Baka dapuan ka na ng mga langaw.

Nabubulok ka na diyan,
Ba't di pakawalan ang puso?
Ngunit 'wag tuluyang sarhan
Ibaon, ikubli, o lumayo.

Malay mo, nasa palagid mo lang siya--
Nagpaparinig, ngunit di mo nakikita.
Di naririnig kahit nagpapapansin na.
Teka? Ang labo ko na ata?

Bahala na, basta nandito lang ako--
Maghihintay hanggang maghilum ang puso.
Tandaan mo lang, mananatili akong kaibigan,
At balikat na iyong masasandalan.

At sa huling pagkakataon sinta--
Tatanungin kita.
Ang tunay na relasyon ay ano nga ba?
Sa depinisyon mo--Ano nga ba?


Ano Nga Ba | December 21, 2017 | Akademyang Pampanitikan | Bannie Bandibas

Saturday, December 16, 2017

AKAP DUGTUNGANG PAGTULA


| KunEho—Editor, Cerificate Artist
Dugtungang Pagtula
Wednesday Dugtungan
Pasko 2017

Friday, December 15, 2017

PASKO

"Pasko"

by Bannie Bandibas


This is how we call - Christmas.

A day of giving, laughing, eating,

Chatting with an emptied glass

Of beer or wined coconut bearing.


"Tuba" - a simple Filipino drink,

Bought on a one gallon bottle.

Starting to lost what they think -

When they got drunk, even a little.


Dancing is all over the place,

Like there is nobody's watching.

A routine step, above a table face -

On a funky guitar and ukulele plucking.


Families gathered from afar

Just to see their love ones.

On a "Jeep" - a Pinoy car -

Hop in before it runs.


Bringing foods, fatty or fresh,

Healthy, dried, fried or boiled.

A special day of simple dishes

Gives fun, no room to be annoyed.


Loud voices on a KTV machine

For Filipinos are natural born singers.

But even some voices are ruined -

They still sing, just to be noise bringers.


Oh! How I miss this joyous day -

With people around you smiling.

Even problems catch their way,

It is still a time of loving and laughing.




December 16, 2017 | Pasko | The Young Writers | Participant

Friday, December 8, 2017

MAAYONG BUNTAG

Maayong Buntag
ni Bannie Bandibas

Unsa bay maayo sa buntag?
Unsa bay maayo sa ing-ani?
Mahinumduman ang pag-bulag
Sa relasyong way naani.

Sa kada pagbuka sa mata,
Gabalik sa akoa ang tanan.
Ang humot sa sampaguita
Ning ulong nagpatong sa dughan.

Ang paghalok nako sa agtang
Na muingung, "di taka pasagdan".
Ang paggunit nimo sa akong kamot,
Musampit na "di gayud ko makalimot".

Ang mga pangandoy, asa na man?
Paghuna-huna nimo ako nang naandan.
Ingun nila imu ra kong gidulaan.
Wa ko naminaw maskin ilang gisaaran.

Pero mugunit gihapun ko gang
Ug gatoo na imo pang balikan.
Busa maghuwat ko diris higdaanan
Kung asa nagsugod og nahuman ang tanan.

PITIK NG INYONG LINGKOD

Maayong buntag | December 9, 2017 | Bannie Bandibas

Sunday, December 3, 2017

ANG DATING (MIDDLE MESSAGE)

    Unang beses kong makalahok sa ganitong uri ng paligsahan na gagawa ka ng sarili mong uri ng tula. Hindi ako sigurado sa aking ginawa pero natanggap ito ng organayser na maging natatanging uri o sub-type ng isang uri. Nanalo ang piyesa ng Ate Jubee ko dito at pareho kami ng Tiyang Samantha Rivera ko na natanggap rin ang lahok. 



Ang Dating

-o0o-

Nandito ang puno ng ating mga

Alaala at pag-ibig na tila

Nalalagas na ang mga dahon.

Ang dating sandalan, naging kahon.

Alam kong di na maibabalik

Kahit inalay ko na ang lahat.

Naisin ko man ulit maramdaman ang halik, 

Babayaran upang matanaw, ngunit salapi’y salat.

Maglalakad ako gamit ang tsinelas ko

Patungo sa puso ng aking birhen.

Ala-ala ng pagmamahalan, ika’y mananatili dito.

Sa kabaong man muling masisilayan, ako’y kinikilig pa rin.

( basahin mula pamagat, patungo sa gitna ng bawat linya [ isang salita o dalawa kung espasyo ang gitna ] upang matuklasan ang nakatagong mensahe )


Name ng sariling Form of Poetry: 

MIDDLE MESSAGE (Mensahe sa Gitna)

Description ng Form: Ito’y uri ng pagsusulat ng tula na may nakatagong mensahe sa gitna ng bawat linya. Hanapin ang mga salita sa gitna ng bawat linya o kung espasyo ang gitna ay kunin ang dalawang salita na ginitnaan ang espasyo. Maaring gamitin sa katuwaan o paglalahad ng sekretong mensahe sa mga nililikhang tula. Simple man ngunit nababagay sa mga “Detective” o Tagasuri ang pag-iisip na mga mambabasa o manunula(t).

Halimbawa o Patunay:

[ANG DATING]

Ni NumistManunula

Nandito ang [PUNO NG] ating mga

Alaala at [PAG-IBIG] na tila

Nalalagas na [ANG] mga dahon.

Ang dating [SANDALAN], naging kahon.

Alam kong [DI] na maibabalik

Kahit inalay [KO NA] ang lahat.

Naisin ko man [ULIT] maramdaman ang halik, 

Babayaran upang [MATANAW, NGUNIT] salapi’y salat.

Maglalakad ako [GAMIT ANG] tsinelas ko

Patungo sa [PUSO NG] aking birhen.

Ala-ala ng [PAGMAMAHALAN, IKA’Y] mananatili dito.

Sa kabaong man [MULING MASISILAYAN], ako’y kinikilig parin.

Mensahe:

Ang dating puno ng pag-ibig ang sandalan,

Di ko na ulit matanaw.

Ngunit gamit ang puso ng pagmamahalan,

Ika’y muling masisilayan.

12-04-17 Entry16


*Certificate of Participation - Accepted*


Ang Dating | December 4, 2017 | Vino: Isang Makata | Pagsulat ng Orihinal na Uri ng Tula | Natanggap/Accepted | Bannie Bandibas


Comments: Original Post cannot be recovered - page deleted

Saturday, December 2, 2017

PINILI KONG MAGLAKAD KAYSA LUMIPAD

Pinili Kong Maglakad Kaysa Lumipad
ni Bannie Bandibas

Idinilat ang mga mata,
Gumising nang maaga.
"Magandang umaga,"
Pagbati ko sa kanila.

Tiningnan ang orasan,
Gulat nang matuklasang
Mahuhuli na pala sa pupuntahan.
Kailangan ko nang bilisan.

Naligo, nagsipilyo, nagpabango--
Hawi ng buhok ang sinigurado.
Ang mga salami'y isinuot ko,
Ngayon lang ako magmumukhang tao.

Nag-antay ng dyip sa may kanto
Ngunit puno ng mga pasahero
Kaya nilakad ko ang daan hanggang dulo.
Nangangatog nang mga tuhod ko.

Umupo sa isang upuang kawayan.
Kahit pagod at ako'y pawisan,
Naghintay ako sa ating tagpuan--
Sana ito'y maging makabuluhan.

Sampung minuto, isang oras,
Di parin nasisilayan ang iyong mga bakas.
Dyel sa buhok ay malapit nang maagnas,
Nilalanggam na rin ang dala kong pastillas.

Nayayamot na ngunit nandito pa rin
Hanggang sa ika'y tuluyan ding dumating
Ngunit ako'y nagulat sa aking napansin
Hawak kamay kayong naglalakad ni Ding.

Napaluhod, bumagsak na luhaan.
Hindi pala diyamante ang tunay na kahinaan.
Ikaw pala ang magiging tanging dahilan
Kung bakit ang puso ko'y maiiwang sugatan.

Mas malala pa to sa natamo ko sa labanan.
Hindi dapat nagmadali at tinahak ang tamang daan.
Kung hindi sana nagpadalus-dalos at kinilala ka nang lubusan,
Di sana ako ganitong labis na nasasaktan.

Darna,
Mahal kita.

Ang iyong kinaibigan,
Superman.


POSTER NA EDIT NG INYONG LINGKOD

Pinili Kong Maglakad Kaysa Lumipad | December 3, 2017 | Bannie Bandibas

Friday, December 1, 2017

BUKAS UTAK

Bukas Utak

Bakit may mga gulo?
Bakit may pagtatalo?
Bakit may nabibigo?
Bakit may basag na puso?

Kasi di natin naririnig
Ang mga dapat marinig.
Hindi na nakikita
Ang kahit nasa harapan mo na.

Tinatanggap lang natin
Yong mga nais at hiling,
Yong iniisip na nakabubuti
At mga dahilang pansarili.

Sambit ng lahat,
"Ito ang tama, ito ang dapat."
Himutok ng iba,
"Ito ang mas maganda."

Di naman mali ang maging matigas
Sa ipinaglalabang batas.
Di naman mali ang pumuna
Kung may pagkakamali sila.

Panghawakan mo ang alam mong tama
Ngunit subukang pakinggan ang iba.
Oo, tama ka, yan ang pinaniniwalaan
Ngunit opinion ng iba'y wag namang apakan.

Maaring mali ka o tama naman talaga
Ngunit maaring rin namang tama sila.
Subukang makinig sa kanilang daing
Pagkat ika'y pinakikinggan rin.

"Life is unfair", sabi nila
Ngunit tayo naman talaga ang gumagawa
Ng paraan upang di maging patas ang mundo.
"God created the world perfect", totoo,
Pero because of human free will naging kumplikado.
Matutong umunawa, matutong makinig,
Buksan ang sariling utak kahit ang sa iba'y makitid.

#BukasAngUtakNgIsang #Manunula(t)

LITRATO GAWA SA HOTPOT.AI


Bukas Utak | December 2, 2017 | Bannie Bandibas

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...