Bannie | PleumaNimoX: May 2018

Search This Blog

Wednesday, May 30, 2018

TANGING INA (GLIMPSE OF A DREAMER)

List ng mga nanalong Entries sa ating First wricon na may theme na #TangingIna

1. Non-biological Mother

        By: Eros Esguerra

2. Kanlungan ni Nanay 

          By: Harold Patrick Mercado

3. Giyera

        By: Bannie Bandibas

4. Hanggang kamatayan

        By: Jerome Marlo Mamuad

5. Gahasa 

         By: Les Dan Tres

    Ilaw ng Tahanan

       By: John Louis Venzon

6. Pluto

        By: Erika Obera

7. Oh, Siya ay isang Gawad

        By: Harold Patrick Mercado

8. Forgotten Love

        By: Irish Reponte

9. Walis sa Pinto 

        By: Bannie Bandibas

10. Alaala

         By: Ceejay Lou Alaon

       Surrogate Mother

           By: Resyel Ann Guevarra






Giyera at Walis sa Pinto | May 31, 2018 | Playwright Org. | Antolohiya - Tanging Ina | Top 3 & 9 | Bannie Bandibas

Tuesday, May 29, 2018

AKAP DAGLI-DUGTUNGAN WEDNESDAY


| KunEho—Editor, Cerificate Artist, Judge, Organizer
Akademyang Pampanitikan
Dagli-Dugtungan Wednesday

Monday, May 28, 2018

FIFTEEN

#EEEQuotesToInterpret No. 2
Quote: "Most of the basic material a writer works with is acquired before the age of fifteen." —Willa Cather

#EEEQuotesToInspire

I think the span of age mentioned by Willa Cather is not the literal span of age but the moment in a writers life, the time that you are still able to do things easy, still have strong memory, physically and mentally healthy and etc. This is a moment that we are still not infected with those viral sickness and exposed to toxicity of this writing world.

William Cather just want to say that if your guts tells you to be a good writer in the future, you must start as early as possible. Things like knowledge and skills that you've learned in your youth are things you mostly carry in your lifetime. As a writer, this are the things that you will work with in your writings.

Even though you are already old when you decided to write, it is never too late. Again, it is a moment—learn and enhance your skills now, you are still punctual enough to start.


Fifteen | May 29, 2018 | 4th | Bannie Bandibas

ANG SITSIT

Top10


Ang Sitsit

#NonConsCategory

Entry #8

Maaga kaming bumiyahe nila Jake at Karlos papunta sa barrio nila Karlos, naisipan kasi naming doon magbakasyon. Umidlip ako ng kaunti, pambawi sa naputol kong tulog hanggang sa nagising ako dahil sa malakas na pagkalabog ng pinto ng sinasakyan namin. Bumungad sa amin ang tatlong lalake na may malalaking katawan, mukhang mga tanod ng baranggay.

"Mga iho, saan kayo papunta?" Tanong ng lalakeng tila namumuno sa kanila.

"Ahm, di-yan la-ang po sa barrio sa-is." Sagot ni Karlos na nanginginig at napalunok pa ng laway.

"Ah, sige! Magi-inspeksiyon muna kami."

Habang sinusuri nila ang sasakyan namin ay may isang lalaking biglang nagsalita. "Kegagwapo naman ng mga binatang ire, huwag n'yong pagtitripan ang mga dalaga namin dito ha?"

Napatawa na lamang kami ng malakas at ako pa ang pinakabungisngis. Ngunit isinara ng kanilang pinuno ang pinto ng sobrang lakas na siyang nagpatahimik sa amin sabay sambit, "Seryoso iyon."  Agad kaming kinilabutan. "O siya, ingat sa biyahe." Dagdag pa nito.

Nagpatuloy kami hanggang sa makarating na kami sa barrio nila Karlos, magdadapit-hapon na noon. Naabutan namin silang naghahanda para sa pangkatang hapunan, nakasanayan na raw nila ang ganito. Marami kaming nakasulubong na mga dilag ngunit sa iisang babae lang napako ang aking mga mata.

"Hoy, Drake—si Sarah ba?" Tukso sa akin ni Karlos.

"Sarah?" Tulala kong sambit sa kanya.

"Oo, pinsan ko iyan. Hayaan mo, may gagawin tayo mamayang gabi." Kinabahan ako sa sinabi ni Karlos, ano kaya ang binabalak nito?

Sumapit na nga ang dilim at inaya kami ni Karlos na kumuha ng buko. Kahit sobrang dilim ng paligid ay sumama naman kami.

Nagsimulang umakyat si Karlos at Jake. Hanggang sa may narinig akong tawanan ng mga babae.

"Drake, magpakabayani ka." Tawag sa akin ni Jake sa mahinang boses. Biglang lumikha ng tunog ang dalawa, sinisitsitan nila ang mga babae. Napasilip ako mula sa damuhan at nakita ko si Sarah at isa niyang kasama na mukhang takot na takot.

Sinita ko si Karlos at Jake. Huminto naman si Karlos dahil pansin niyang natatakot na ang mga dalaga ngunit si Jake ay hindi nagpapigil. Lalabas na sana ako upang puntahan sila Sarah ngunit biglang huminto ang pagsitsit. Nang nilingon ko ang punong inakyat ni Jake ay gulat kong nakita ang nakalambitin niyang katawan at pumutok pa ang leeg. Kumalabog naman ang katawan ni Karlos sa lupa na agad ay nawalan ng malay.

May tumalon na isang mabuhok na nilalang mula sa itaas ng puno. May buntot ito na itsurang lubid. Tinalunan ako nito sa ulo at nagbuga ng usok na may kakaibang amoy na dahilan ng aking pagkahilo.

Kinaumagahan, nagising ako sa ingay ng mga boses na nagtsitsismisan.

"Nabiktima ito ng sitsit." Sigaw ng lalakeng pamilyar ang itsura. Napaupo ako at napatingin sa aking kamay at paa. May mga bakas ito ng pinagtalian ng lubid. Napatingin ako sa lalake at mayroon din siyang mga markang katulad ng sa akin.

Napatitig siya sa akin ng masama. "Binalaan ko kayo!"

~wakas~

Mga puna: 

A. Yay. Babala sa mga nagsisitsit. Hahaha.

Nakakatuwa ang kwento. Muli akong binalik sa pagkabata. Simple lang ang atake ngunit maganda ang pagkalalahad kaya naging maganda ang kinahinatnan. Congrats! —Meyn Delos Reyes

B. Sana may sitsit din tuwing may exam. XD

Ang kyut ng kuwento, hindi komplikado. Magaan lang sa pakiramdam kapag binasa. Nakulangan lang ako sa takot na dapat mong maipunla sa mga mambabasa pero naihayag mo naman nang ayos ang mensahe.

Sulat lang nang sulat! —Ethan Elmo Santos

C. Good luck sa pagsusulat. 

Nagustuhan ko ito dahil sa temang horror at may hatid pang aral. Kailangan lamang na pag-aralan ang tamang pagsusulat ng mga dayalogo at iba pang teknikalidad na aspeto. —Xerun Salmirro

D. Hey, 

Ngayon pa lang ay binabati na kita dahil umabot ka sa semis. Apir!

Wala akong masyadong kaalaman sa Sitsit maliban sa napanood kong movie na Haunted Forest, kaya for me medyo nahihiwagaan pa ako sa creature na ito. Iba ang depiction mo sa Sitsit dito at gusto ko rin na horror/mystery ang ginamit mo na genre sa entry mo na ito.

Mga ganitong horror ang gusto ko. ‘Yong tipong hindi ka matatakot habang binabasa mo siya; matatakot ka na lang after at pag na-realize mo na, “what if, napunta ako sa isang liblib na lugar tapos may ganito.”.

Magaling na tipong may nabubuong kulto rito sa lugar na ito… madalas sa mga kulto-kulto na movie at books ganiyan, e. Sa dulo biglang may susulpot na isang tao na nakilala ng isang tauhan sa simula. Haha! Well not necessarily kulto, parang grupo lang ng tao na nabiktima rin ng sitsit.

Para sa akin naman wala nang kulang sa story mo. Swak na swak lang! Apir! —Japs Bernardo

*Certfificate of Recognition*

Ang Sitsit | May 29, 2018 | Conscriptors, Tinta Alay sa Bayan | Pagsulat ng Maikling Kuwento, Semi-finals | Top 10 | Bannie Bandibas

Sunday, May 27, 2018

PINATAY KO SI MAMA

 #EEEBehindTheTitle


"Pinatay Ko Si Mama"


Ako'y nag-iisang anak nila Ginoo at Ginang Hernandez na ang tahana'y nakahimlay sa paanan ng bundok. Mahirap ang buhay doon—walang kuryente, kanin ay kamote, ulam nami'y tuyo, sa kabihasnan ay malayo. Ngunit masasabi kong sa simpleng pamumuhay ay tunay ang aming saya. Malalakas na tawa ang sumasabog sa pagsapit ng dilim lalo na kapag nagsimulang magbiro si Mama. Hindi lang siya ilaw, kundi tubig na nagtatanggal sa uhaw naming mga labi—hatid niya'y ngiti.


Subalit nagbago ang lahat nang iwan kami ni Papa. Nauna siyang naglakbay papunta sa langit at nawalan na kami ng kaisa-isang suporta. Hindi ko pa ramdam noong elementarya ang hirap, ngunit habang tumatanda ay napapansin ko na ang pinagdadaanan ni mama. Ang mga ngiti niya ay nawawala na, sa loob ng bahay ay katahimikan ang kumakawala. Pagod mula sa trabaho, minsan pa'y nakakalimutan na niyang batiin ako. Kaya naisip ko na huminto na lamang upang makatulong sa kanya, ngunit ayaw niya—sa kadahilanang ayaw niyang matulad ang buhay ko sa kanila. "Magtatrabaho ako upang makapag-aral ka, magkaroon ng maayos na trabaho at masaganang pamilya", pangakong gabi-gabi niyang sinasabi habang hinihilot ko siya.


Naiintindihan ko si Mama, kaya hindi ko na pinilit at sa pag-aaral ay nagtiyaga. Ngunit nalulungkot ako dahil ang bahay namin ay nawalan na ng sigla. Binalot na ng lungkot, namimiss ko si Mama—ang dating siya.


Ngayon ay nasa kolehiyo na ako, panggastos dito ang dahilan kung bakit nangibang-bayan siya. Tuluyan nang nawala ang ngiti sa kanyang mga mata, sa pagpapaalam ay napuno ito ng luha. Humahapdi ang puso ko habang naririnig ang mga paalala niya, boses niya'y nag-iba—hindi na siya ang masiyahin kong Ina.


Pinatay ko si Mama, pinatay ko ang ilaw at pinihit ang gripo upang tumigil ang pagdaloy ng tubig. Ngayo'y uhaw na sa saya ang pareho naming nadarama. Ngunit pangako ko sa iyo aking Ina—bukas, sa pag-uwi mo ay muling bubuhayin kita at ang Mama ko ay muli nang tatawa, tatawa nang tatawa at tatawa pa.

*Poster*


Pinatay Ko Si Mama | May 28, 2018 | El Escritor's Esfera | Behind the Title | Top 3 | Bannie Bandibas

Comments/Critiques:

Lae Salvador—sa huling paragraph, Ang galing ng pagkakahabi mo ng mga salita. Talagang dama, technical wise malinis siya. Ang galing. Sulat lang nang sulat!


Rea Rigor—Bawat salita, may ipinapahiwatig. Nagandahan talaga ako sa mga salita na nabanggit sa istorya upang magbigay kulay. Kahanga-hanga, isang masigabong palakpakan sa dalawang paa para sayo! Hahaha, charr.


Phoebe Agot Hinog—Maganda ang pagkakahabi ng mga salita. Nakaa-aliw basahin lalo na't mayroong tugma (ewan ko kung napansin ng ilan). Maganda ang istorya---tungkol sa simpleng pamumuhay at dagok sa loob ng pamilya na siyang nagdala ng suliranin sa kwento. Malinis. Maayos na nailahad ang bawat eksena. Gayon pa man, may ilang metapora na nakawiwindang ngunit, hindi ito naging sanhi upang mailihis ang aking atensyon. Kudos sayo! Haha!


Sho Victoria -

#EEEPointingTheirStrength

Siomaisilog

STRENGTH:

Vocabulary. Simple ang mga salitang ginamit sa piyesang ito. Ngunit alam ng sumulat kung saan at kung paano ito gamitin kaya nagkaroon ng makulay at “vivid metaphors” gamit ang simpleng mga kataga lamang. Tumatak sa akin ang isang parte ng kwento.

("Magtatrabaho ako upang makapag-aral ka, magkaroon ng maayos na trabaho at masaganang pamilya", pangakong gabi-gabi niyang sinasabi habang hinihilot ko siya.)

Dahil sa napakasimple ngunit may lalim na pagkakalahad ng pagmamahal ng ina niya sa kanya at pagmamahal niya sa kanyang ina.

Story Flow. This is a great example of short story-telling. May laman ang bawat salita. Maganda ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Madaling intindihin. Naramdaman ko rin sa unang talata ang saya sa kabila ng hirap. At sa panghuling talata ay ang pag-asa sa kabila ng lungkot. Magaling magpadama ang piyesang ito. Napakatotoo ng mga pangyayari, mapapaisip ka sa kung anong mga sunod na mangyayari sa kabila ng simpleng pagkakakwento nito.

Ending. Ito ang pinakanagustuhan ko. Ang lakas ng dating ng ending. Maiiwan sa isip mo ang bawat salita dahil sa istilo ng pagsulat. May lungkot, may pag-asa, may paninisi sa sarili, at puno ng lalim ang mga pagwawangis na ginamit.

WEAKNESSES:

Wala akong makita, mahanap o mapuna na kahinaan ng piyesa na ito. Suhestyon na lang ang maibibigay ko.

Show, not tell. This piece was telling us a story. I felt the agony through words and metaphors but not through the story. The story was deep and simple. It has less dialogue and more monologue, but it has less “showing” and more “telling”

Put a bone in the flesh. Kumbaga, if there’s a statement, there should be something supporting that statement. Di ito applicable sa lahat ng piyesa ngunit tingin ko ay medyo applicable ito sa piyesang ito. Naintindihan ng mambabasa na nawalan ng sigla ang buhay ng ina niya mula noong sumakabilang buhay ang asawa nito. Nasabi rin ang paghihirap nila mula bata hanggang pagtanda kaya nangibang-bayan ang ina niya. That’s a bone in a flesh.

But the sudden attack of “Pinatay ko si mama…” in the last paragraph kind of lack a “bone”. Siguro, normal lamang ito sa totoong buhay. Na sisihin ang sarili. I get the whole point that blaming oneself is a part of this piece. But the whole thought na sisisihin niya ang sarili niya dahil pinatay niya ang kanyang ina lacks support in a way na sa kalagitnaan ng “pag-intindi” at “pagka-miss” niya sa kanyang ina ay tila bigla niyang inatake ang sarili niya.

Pero kung walang word limit ang aktibidad na ito’y sigurado akong mas mabibigyan pa ng suporta at build up ang katagang “Pinatay ko si Mama.”

Yun ay suhestyon lamang. Ang piyesang ito pa rin ang isa sa mga “almost perfect” na piyesang nabasa ko. Napakagaling. Napakalinis. Napakahusay.


Agbunag John Vincent - The title is mysterious. Nakuha ko rito ‘yung ‘medyo gulat factor’.

Kaso nga lang sa haba ng pagpapaliwanag. Parang nawawala na yung misteryo niya.

Sulat at review pa more!

SA LETRANG TA

DENRRO12 MONTH OF THE OCEAN & INTERNATIONAL MONTH OF THE REEFS

Spoken Poetry Contest

2ND PLACE (2nd Runner-Up*error)

Sa Letrang Ta


Hindi ako maglelektura

Or will just entertain you.

Magdidilat ako ng mga mata

At magbubukas ng saradong mga puso.

Gamit ang salita, 

Mga salitang nabuo—

Dahil may nakikitang pag-asa, 

Damdami'y nagsimulang magsilakbo.


Gagamitin ang isang letra, 

Letrang Ta

Upang maipakita

Ang kan'yang halaga. 

Halagang binabalewala

At di napapansin ng madla. 

Kaya heto't sisimulan ko na

Ang pagbaybay ng mga talata. 


Simulan natin sa Tu, Tubig—

Isang elemento

Na kailangan ng tao.

Dumadaloy mula sa lawa

Pababa sa ilog at mga sapa

Hanggang mapadpad

Sa dagat na malapad. 

Malawak, misteryoso, 


Maraming nakatagong kwento. 

May kwentong iyo nang narinig, 

Nagpasalin-salin sa mga bibig. 

Nailahathala na sa buong daigdig, 

Ngunit ikaw ba'y nakinig? 

Humakbang tayo sa kaTo, kaTotohanan—

Na tayo'y nagbibingi-bingihan

Sa kanyang daing at pangangailangan. 


Matagal na tayong may alam, 

Ngunit tila walang pakealam

Sa totoong nangyayari,

Kahit alam na natin ang maaaring mangyari.

Nasisira, nadudumihan, 

Dahil sa ating kapabayaan.

Hindi ka ba naaawa

O kahit nakukonsensya? 


Kailangan na nating magTi, magTino—

Kailangan nang itigil

Ang kahibangang ito. 

Pag-aakalang ayos lang ang lahat,

Ngunit kailangan nang maging tapat. 

Alam mong apektado ka, 

'Wag nang magbulag-bulagan pa. 

May magagawa ka pa, 


Tayo'y sama-sama—magkakaisa. 

Kahit sino ka pa, si Te, Teresa—

Manuel, Juan, Pedro

Matino man o barumbado. 

Kaya pa nating mabago

Ang pagkakamaling ito. 

Simulan nating bigyang pansin, 

Ang lahat ay kailangang ayusin.


Isang Ta, Tahanan—

Para sa mga nilalang na sumasabay sa agos

Kasama natin, noong ginawa ng Diyos

Ang mundo, ang tahanan mo—

Tahanan nating ngayo'y inaabuso. 


Sa Letrang Ta—

Tama na

Itigil ang kailangang itigil. 

Ang iyak ng tubig ay hindi na mapigil. 

Bumangon ka't gumising na. 

May magagawa ka pa. 


Tayo! Tayo—

Tayong mga kabataan

Ang magiging pag-asa ng karagatan.

Nakikita mo na ba? Tara! Patunayan natin na tayo talaga ang matatawag na pag-asa.

(Original Piece)


*Plaque - 2nd Place*

*Documentation 1*

*Documentation 2*

*Documentation 3*


Sa Letrang Ta | May 28, 2018 | Veranza Mall - KCC, Gen. Santos City | Spoken Word Poetry | 2nd Place | Bannie Bandibas

Friday, May 25, 2018

MASAYA AKO

Masaya Ako

Guilder's Name: Effete Scrivener


"Riv!" Tawag ni Effete habang inihahanda ang susuoting barong ni Riven.


"Bakit?" Tugon naman nito.


"Pagpunta natin sa simbahan mamaya, paano mo gagawing mas espesyal ang araw na ito?" Tanong niya na napakaseryoso ang mukha.


"Siyempre, habang naglalakad papunta sa altar ang pinakamagandang babae sa buong mundo ay ngingitian ko siya na labas ang gilagid." Sabay tawa.


"Baliw!" Natatawang puna ni Effete. "Iyon lang?"


"Tapos..." Pagpapatuloy niya. "Kapag nasa harap na kami ng altar at bibigkasin na ang mga pangako sa isa't-isa ay tititig ako sa kanyang mga mata. Sa bawat pagbigkas ng mga salita ay ipapadama ko kung gaano siya kahalaga. Isusuot ang mga singsing. Hahawiin ang tabing sa mukha at magdidikit ang mga labi, simbolo ng aming pagiging isa. Magiging isa ang aming mga puso na dala ang mga binitiwan naming pangako." Sambit ni Riven.


Napapalakpak si Effete at tila kinikilig. "Napakamakata mo talaga Riven! Ang swerte ko talaga sa 'yo."


"Siyempre! Ako pa! Di ka na makakahanap ng lalakeng kagaya ko." Pagmamayabang ng binata. "Pero Eff, mas maswerte ako na nakilala kita. Salamat sa suporta at walang sawa mong pagiintindi sa akin. Kaya naman sobrang mahal kita eh."


Lalong pumula ang mga pisngi ni Effete. Ngunit may lungkot sa kanyang mga mata. "Tara na nga!" Sabay hila ng dalaga kay Riven. Ngunit hinila siya nito pabalik at nagtanong. "Masaya ka naman di ba?"


Tumitig si Effete kay Riven habang naluluha. Napahaplos ito sa kanyang dibdib at sumagot. "Oo naman! Masaya ako... Masaya ako para sa inyo."


*Poster*

*Certificate of Participation*

Masaya Ako | May 26, 2018 | Notable Writers Guild Academy | Mini Wricon - Flash Fiction | 3rd Place | Bannie Bandibas

Thursday, May 24, 2018

PAGITAN

Pagitan

Ang nais ko lang naman ay mahuli kang nakatitig sa akin, iyong titig na nagsasabing ako'y mahal mo rin. Nakangiti kang tila nananabik sa tuwing ako'y iyong nasisilayan.

Ngunit...

Hindi na yata kita kayang hulihin at hindi na makaaamin ng aking nararamdaman kahit sa huling pagkakataon man lang. Hindi ko na kasi maidilat ang aking mga mata at maigalaw ang mga labi. Hindi na nakokontrol ang mga kamay at paa dahil sa sobrang sikip, gaya ng puso kong labis na naninikip sa sakit at pagkalungkot. Hindi man lang ako nakapagpaalam. Mananatili ang lahat na lihim na lamang, nakatago kasama ko. Malayo na sa iyo, isang metro ng lupa at semento ang pagitan ng ating mga puso.


Pagitan | May 25, 2018 | Bannie Bandibas

KAHON

Kahon

Pag-ibig na dating mainit,
ngayo'y lumalamig
kaya hindi ko na ipipilit--
mag-isa ko na lamang bibitbitin ang ating daigdig.

Iyon ang aking akala...

Nakatingin ako sa tv, pinapanood ang paborito nating palabas—habang ika'y tulalang nakatingin lamang sa malayo. Nakatitig sa punong mangga na dati nating inaakyatan noong tayo'y mga bata pa. Nandito tayo sa sala, nasa kabilang dako ka ng sofa. Tahimik, hindi nag-iimikan.

Mag-aapat na linggo ka nang ganito. Gusto kitang tanungin ngunit alam kong pikunin ka, kaya hindi na kita kinukulit. Ngunit nasasaktan ako, nabibigatan na parang wala kang pakialam. Siguro'y mag-isa ko na lamang bibitbitin ang binuo nating mundo, iyong ikaw at ako—dating pasan nating pareho. Dating mainit na apoy, ngayo'y naging malamig na yelo. Bakit ganito? Bakit ka nagbago?

Hanggang sa pagsapit ng gabi, hindi ka na sa akin tumabi. Mas pinili mo na lamang na mahiga sa sahig, kaysa yakap-yakap kita sa higaan.

27th night, February 2018—11:00PM

[Mahal is calling...]

[Answer]

"Hello? Mahal?" Naiiyak kong sagot sa kanya pero medyo natatawa kasi tumawag pa siya kahit nasa gilid lang naman siya ng kamang hinihigaan ko. Nagtataka ngunit nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Ba't naisipan mong tumawag?"

"Pumunta ka diretso sa kusina bukas ng umaga, ipaghahanda kita ng mga paborito natin." [End of call...] Napangiti ako kahit seryoso at parang walang emosyon ang kanyang pagkakasabi.

Napasilip ako sa kung saan siya naroon at saktong pagbaba niya ng kanyang cellphone.

Kinabukasan ay agad akong tumakbo papunta sa kusina at nagulat sa isang malaking kahon ng washing machine na nakatumba sa gitna ng sala. Napatawa ako. "Ang sweet talaga ng lokong iyon." Anniversary rin kasi namin ngayon.

Tumuloy ako sa kusina at may sandwich, kape at barahang nakalapag sa lamesa. May sulat rin na agad kong binuksan at binasa.

--

"Happy anniversary sa iyo, aking Prinsesa! Mahal na mahal kita, gaya pa rin ng pagmamahal ko sa 'yo noong una kong inamin ang aking pagtingin. Ang sarap lang alalahanin ang nakaraan. Iyong peanut butter sandwich na inihahanda ni mama pagkatapos nating maglaro, tapos ipinapahid ko sa iyo ang palaman hanggang sa magkagantihan—ang dungis na tuloy nating tingnan. Ang weird lang din na pareho tayong mahilig sa kape, kahit ang bata pa natin ay feel na feel na nating magpuyat. Sabay din tayong napapagalitan kapag nahuhuli tayong naglalaro ng "tong-its" na madalas akong natatalo. Pati sa taguan ay agad mo akong nahahanap kasi alam mong sa kahon ng washing machine ako palaging nagtatago. Natatawa ako kapag naaalala ko ang mga bagay na sabay nating ginagawa noon—subalit mag-isa mo na lang yata na gagawin ang mga iyon ngayon." Napahinto ako sa pagbabasa at tumayo, inilapag ang sulat. Bumilis ang tibok ng aking puso nang may nahulog na piraso ng notepad mula sa envelope na pinaglagyan niya ng sulat.

Nagsimulang tumulo ang aking luha sa nabasa ko, napatingin sa kahon at kinuhang muli ang sulat.

"PS: Hindi ito taguan ngunit kung hindi mo na ako naabutan sa iyong pag-gising, alam mo na kung saan ako hahanapin."

Notepad: Feb. 1, 2018 Dr. Suarez—1 month


Kahon | May 25, 2018 | Bannie Bandibas

Tuesday, May 22, 2018

REINCARNATION

#LLCActivity6
#LLCFictionAndNonFiction

Reincarnation

Category: Non-fiction

Did you ever thought, atleast once, you being a reincarnation of someone in the past? Asking who are you, what have you done or who do you live with? I, personally, experienced things or done to an event that made me think deeply about reincarnation. Even though it is against my beliefs, I still do not close the door that it may be true.

Evidences and studies about reincarnation are easy to access for it is now spread all over the internet. From history to science and past civilization until to the present, many report has blast out. Though some are hoaxes and conspiracies, some little evidences may strongly support this process of being reborn.

The trending ones are those pictures of people in the present who look like a personality from the past, just by comparing their photographs. But this one is the weakest evidence for the reason that it is possible for faces or physical characteristics be aliked. According to science, it is called genetics, which dna are past from generation to generation that also tranfers some hormones of physical features. For billions of people in the world, their is a great chance that two or more person might have the same looks even they arenot blood related.

Another are those pets or cared animals that suddenly do familiar things and share characteristics of their deceased owners or caretakers. This basically happen unto dogs and cats that has long-term physical contact to their owners. After the death, some are doing things that their owners do and some got the personality like the sweetness or being friendly. This is why families and friend say that the pet is their companion's reincarnation but psychologicaly speaking, the pets might only copied their owners or learned their abouts through time. This is still a weak evidence.

The last one are those people who remember their past self through dreams, vision and longterm memory. Their many videos in the internet of people, especially children, who testify that they are the reincarnation of a person in the past. They talk about sudden memories that the reincarnated one has done which are really recorded and correctly remembered detail by detail. Another is through vision or through seeing things or places they haven't seen or heard but they remember the story behind those things and their significance to the person in the past. Some see or informed through dreams which they can visualize themselves wearing old clothings, speaking unfamiliar languages and doing things they rarely do but they do know that those are old stuffs. They also see events they have done that after some time suddenly happened again. Like the case of Eli/Eleana(2014), who was seen by her professor in his dreams that was raped by a man. The professor saw himself watching Eleana being raped with feeling of hurt like he and his student has a romantic relationship. In his dream, the event is happening in the old times. After few months, Eleana was raped by his own brother. He felt pain in his heart that he never felt and should not be felt by him towards his student. Now, the professor is helping Eleana with her twin babies without telling her about the dreams. His dreams are precisely supported by his another student, close to them both, who had visions and the same dreams about that event happened in the past and done again in the present times with the same person involved or should be called reincarnation.

 

SERTIPIKO MULA SA LLC AT EDIT NG INYONG LINGKOD

Reincarnation | May 23, 2018 | Launchora Lovers Community | Bannie Bandibas

TATAG-INA KA

#LLCctivity4
#HappyMothersDay2018
#LCCPoems

Tatag-in Ka


Mga hikbing itinatago,
tahimik na naglalaho
sa tuwing iyong nakikita,
ang ngiti ng mga bata...

Na ikaw ang nagluwal,
mga anghel na ipinagdasal--
hiningi mula sa Maykapal,
tinuro mo'y pagiging banal.

Ngayon uugod-ugod ka na,
mga buto'y tuluyan nang nanghina
ngunit lakas mo ang mga tawa nila
at masaya ka nang masaya sila.

Bilang nila'y sobra tatlumpo,
lagpas na yata sa kalendaryo
ngunit ni minsan hindi ka sumuko--
para sa kanila'y matatag kang tumayo.

 

SERTIPIKO MULA SA LLC AT EDIT NG INYONG LINGKOD

Tatag-ina Ka | May 23, 2018 | Bannie Bandibas

Sunday, May 20, 2018

BLANK SPACE

#EEEQuotesToInspire

"A blank piece of paper is God's way of telling us how hard it is to be God." —Sidney Sheldon

PleumaNimox:
God made our life stories different from each other, too rare that alone have that one single concept of how our life should run. We writers, do not write the same story everytime we write and we always feel the crammimg and headaches just to think of something new. That is also what God felt everytime a baby was to be formed but God has wisdom and He always have a unique story to tell from every person. It is hard to write but with God's wisdom, a writer can build a new world everytime an ink touches that blank piece of paper.

#EEEQTI 51318
Judge: Phoebe Agot Hinog, El Lit (Jack)

*Poster*


Blank Space | May 21, 2018 | El Escritor's Esfera | Qoute's to Inspire | Top 1 | Bannie Bandibas

Comments/Critiques:

Phoebe's comment:
"Simple. Straight to the point. Inilahad ng maayos ang kanyang ideya sa maayos na paaran, mahusay sa pagpili ng salita at nanatili ang kanyang ideya."
Phoebe's comment: (For Top 3) 
"Ang hirap pong pumili dahil pawang pananaw ang mga iyon at wala naman talagang mali rito.
Ngunit may tatlo akong napili hindi dahil sila'y fb friends ko (haha) kung hindi maayos nilang inilahad ang kanilang mga pananaw, don't get me wrong. Lahat sila ay magagaling, sadyang hinanap ko ang consistency ng bawat ideya, yung tipong hindi sasabit sa ibang detalye, walang paligoy-ligoy, walang flowery words. Straight to the point. Dahil iyon naman talaga kadalasan ang unang criteria for essay, persuasive or any academic writing. Hindi naman kasi fiction yung ginawa nila kung hindi inilabas ang pananaw ukol sa isang bagay, kaya consistency ang hinanap ko."

TUNAY NA NAYAMAN

#MMTula

#TeamPLA


#Happy_Mother's_Day


Tunay NA NAYamanan


Nang ako'y isilang sa mundo,

Ang akala mo'y magiging anghel ako.

Ngunit ako'y naging demonyo,

Alay sayo'y problema pero sa aki'y turing mo—

Yaman na totoo, yamang pinahahalagahan mo. 


*Certificate of Recognition*

*Certificate of Participation*


Tunay NA NAYaman | May 20, 2018 | AKAP (AKAdemyang Pampanitikan) | Mother's Day 2018 Special | Most Outstanding TeamPLA | Bannie Bandibas

Friday, May 18, 2018

TRUMPET OF WISDOM

Trumpet of Wisdom
ni Bannie Bandibas

Here I am
Claiming that I write for You.
I write for Your name to be Glorified.
I write for Your goodness be testified. 
But I just realized—
I never wrote a piece for You. 
I never built mountains of measures
And seas of rhymes.

I have written words
From around the world, 
For the world
And had handful fame. 
I offered my self, my voice, 
My letters, my noise
To seek attention from them
Not seeing myself
Already eaten. 
Eaten by lies and
Snap furtune. 
Eaten by self appreciation
And mere grace. 

Consume me Father
With your Holy Wisdom. 
Help me be who You named me, 
A trumpet of wisdom. 
Let Your good news run
Unto the rivers in the land
And Islands of the oceans. 
Here I am, 
Claiming that my pen
Is never been mine. 
It is Yours and alone
For your Glory.

Trumpet of Wisdom | May 19, 2018 | Bannie Bandibas

Wednesday, May 16, 2018

(WALANG PAMAGAT)

"Time will always come for an airplane to land, but being at the lowest point is never the end—soon you'll fly again."


May 16, 2018 | Bannie Bandibas

Saturday, May 12, 2018

DALAH(INA)

Dalah(iNa)

"ISANG DALAHIN NA TINANGGAP MONG TUNAY.
Dalahing mabigat para sa isang nanay
nang ang sanggol ay iniluwal, buong lakas ang ibinigay
kahit ang isa mong paa ay nakalubog na sa hukay.

Magandang nilalang na nilikha upang umalalay.
Utak at kaalaman ang kan'yang gabay,
puso at pananampalataya ang saklay--
sa araw-araw ay nananatili siyang matibay.

Ikaw, ang sa bawat pagkurap nami'y nagbibigay saya at kulay.
Kapag nahihirapan ay inaabot mo ang iyong mga kamay
para sa amin na labis mong mahal ay dakilang yaman kang tunay.
KATUWANG NG DIYOS SA PAGBUO NG BUHAY." 

#PEGatSecond
#PEGATributetoHer
#PEGTULAyns

 

LITRATO AT EDIT NG INYONG LINGKOD

Dalah(INA) | May 13, 2018 | Poetry Enthusiasts' Guild | Bannie Bandibas

Friday, May 11, 2018

AYRONIK

Title: AyronikW

Written by: Bannie Bandibas


#LLCFlashFictionActivity

#LLCActivity3


"O, mahal! Ba't namumutla ka?" Tanong ni niko sa kanyang asawa na kakagaling lang mula sa trabaho.


"Ikaw ba naman ang makasaksi ng isang trahedya. Hindi ka ba mamumutla?" Pangbabara ni Rona. "May tumalon na isang bata mula sa taas ng gusali na kaharap ng pinagtatrabahuhan namin. Humandusay lang naman sa mismong harapan ko, kaya hinimatay ako sa sobrang gulat."


"Naku! Nakakalungkot naman, siguro ay napabayan iyon ng mga magulang. Kaninong anak daw?" Pang-uusisa ni Niko.


"Hindi ko na naitanong, dumiretso na ako dito sa bahay nang mahimasmasan ako." Sagot ni Rona sa asawa. "Pero narinig kong sinasaktan at nilalait daw yo'ng bata sa paaralan nila. Hindi siguro alam ng mga magulang kaya nakaranas ng dipresyon."


"Nakakaawa naman." Dagdag pa ni Niko habang inihahanda ang hapag. "Kumain na nga lang tayo."


"Tara! Pero teka... nasaan na ba yo'ng walang kwenta mong anak? Naku! Gusto na naman yatang makatikim ng sampal at palo iyon. Tawagin mo nga!" Galit na utos ng misis.


"Hayaan mo na iyon. Maghapon lang namang nagkulong sa kwarto kaya pinabayaan ko na lang. Sasakit lang ang ulo ko sa kunsumisyon. Lalabas din iyon kapag nagutom."


Nang uupo na sana si rona ay may napansin siyang nakatuping NAPKIN na nakalapag sa upuan. Binuksan niya ito at may nakasulat, isang liham mula sa anak. "Itay, aalis na po ako. Huwag po kayong mag-alala, magpapaalam din po ako kay nanay... Nagmamahal, Aya."



Thursday, May 10, 2018

LIPAD

Lipad

Kung alam mo lang,
ninais kitang pigilan
ngunit natakot ako
na mas mapalayo sa 'yo.

Ayaw kong iyong maramdaman
na hindi kita kayang bitiwan.
baka kasi isipin mo
na bilanggo ka ng pag-ibig ko.

Malaya ka nang lumipad
ngunit kahit saan ka man mapadpad,
tandaan mong nandito lang ako,
maghihintay sa upuang ito.

Titiisin ko ang gabing malamig,
sinlamig ng inakala kong pag-ibig.

#ForbiddenPoetry
#FPWriter

 

LITRATO MULA SA GOOGLE AT EDIT NG INYONG LINGKOD

Lipad | May 11, 2018 | Forbidden Poetry | Bannie Bandibas

MOMENT OF TRUTH

Moment of Truth
(FM STATIC)

I opened my wallet and pulled out a calling card. Dialed the number.

*ringing*

"Hey bro, long time no call. Kumusta?" Mico on the phone.

"Ayos lang naman kahit medyo kinakabahan. Five days na lang, magiging Mrs. Santa Ana na ang kapatid mo." Patawa akong sumagot sa kaniya.

"Oo nga e. Excited na akong maging kapamilya ka and in a few more days, you'll both hook up forever and ever." Tinukso niya ako.

"Baka gusto mo, we'll both hook up?" 

"Haha! Loko, bagong buhay na pre. Haha! Sige na, pauwi na rin ako. I'll make sure na nandoon ako sa wedding n'yo ni Micah." He sounds so happy, but... 

"Yah! Sige, ingat bro." I bid him goodbye.

Napaupo ako sa sofa, opened my wallet and inserted the card. 

Suddenly.
"Hey Fern!" Miccah arrived from their party.

"Yah Honey?" Sumagot ako habang nakatitig pa rin sa litratong nasa pitaka ko.

She went near to me and tried to see what I am looking at. "Hon? Who's that? Lasing lang ba ako or that's..."

"Yeah! He is and we know we've made the right choice."

*insert Moment of Truth by FM Static*

Requested by: Orange Dinkum

Moment Of Truth | May 10, 2018 | Bannie Bandibas

KUYA

Kuya
Genre: GORE

Radyo: "Attorney! Nakahanap po ulit kami ng katawan, karumaldumal ang ginawa sa lalakeng 'to."
"Ahm... Sige, papunta na ako." Nagdadalawang-isip na tugon ni atty. Raphael. Ayaw niyang nakakakita ng ganoon ngunit kailangan niyang pumunta para sa iniimbistigahang kaso.

Nagsimula siyang masuka nang makita niya ang bangkay. Nakabaluktot ito na bukas ang balat sa likod, putol-putol ang binaklas na mga buto at tadtad ng saksak. Nangitim na rin ang dugo. Nang silipin niya ang mukha ay nakasubo sa bunganga nito ang pinutol na ari at bahadyang napugot ang ulo. Naaagnas na ang balat ngunit kilalang-kilala ng lahat kung sino ang lalakeng iyon. 

"Di ba 'yan si Badong? 'Yung balitang gumahasa at pumatay sa sarili niyang pinsan?" Tsismis ng isang pulis. "Oo, 'yong pinsan niya na nakababatang kapatid ni atty. Raphael. Baka kinarma, sino kaya ang pumapatay sa mga manyak na ito?"

Nang makauwi sa bahay ay tulalang napahiga si Raphael at inalala ang mga nangyari noon. Napapikit siya't nakarinig ng sigaw, "Kuya! Tulungan mo ako!". Napabangon ito at nagising siyang may hawak na kutsilyo. Napatingin siya sa kanyang harapan at nakikita niyang hinahalay ni Badong ang kanyang kapatid. Dahil sa bugso ng damdamin ay sinugod niya ito at pinagsasaksak. Tinadtad niya ng saksak ang kanyang pinsan hanggang maligo na ito ng dugo. Biglang nahilo si Raphael at natumba. 

Pagdilat niya'y umaga na. Nakahinga siya ng maluwag nang malamang panaginip lamang iyon, ngunit ito ang kanyang akala. 

Tumilapon ang pinto ng kanyang kwarto at pumasok ang mga pulis. "Atty. Raphael, sumama ka ng matiwasay." Naguguluhan siya sa nangyayari hangga't tiningnan niya ang kanyang kamay na balot ng dugo at may hawak na patalim.

May biglang bumulong."Kuya, salamat! Natanggap na natin ang hustisya." 

Visionary Ink Publishing Group Dagli Entry--5th Place
Contest Theme: Hatted Genre in Writing
Genre: Gore
Reason: Takot ako sa Dugo

LITRATO AT EDIT NG INYONG LINGKOD

Kuya | May 10, 2018 | Visionary Ink Publishing Group | Dagli | 5th Place | Bannie Bandibas

Wednesday, May 9, 2018

KALYE BACBACAN

#NonConsCategory
Entry #58

Kalye Bacbacan

Ginagawang kalye na hindi madaanan dahil sa tuwing may natatapos ay nababakbak kinabukasan. May halo raw kasing dugo at pawis ng mga Pilipino ang semento.
Ang Pagong Konstraksyon ang naatasan ni Ginoong Buwaya, ngunit ang mga trabahador ay pinaghihinalaang mga engkanto sapagkat nawawala raw sila kapag patapos na ang proyekto.
Kalyeng puno ng misteryo't kababalaghan.

*Certificate of Recognition*

Kalye Bacbacan | May 9, 2018 | Conscriptors | Tintagisan Round 2 | Qualified | Bannie Bandibas

Tuesday, May 8, 2018

NEKO

Neko
Flash Fiction
Genre: Fantasy/Dreams

That moment when you scolded her--
Me: Hey! Pull that up!
She: If I won't, what will you do? 
Me: Uhm... I'll kiss you. 
--she then smiled and dropped it

Neko | May 9, 2018 | Bannie Bandibas

Monday, May 7, 2018

KAHOY

#EgressTula

Kahoy

Inaanay ngunit hindi mamamatay
ang pagibig kong sa 'yo inaalay.
Manghihina ngunit hindi bibigay,
ang pangako ko'y mananatiling buhay.
Nandito lamang ako, nakaalalay,
hanggang ang kahoy na ito'y
atin nang maging saklay.

 

LITRATONG KUHA AT EDIT NG INYONG LINGKOD

Kahoy | May 8, 2018 | Bannie Bandibas

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...