Bannie | PleumaNimoX: March 2018

Search This Blog

Saturday, March 31, 2018

CBEW SALUBONG: HOLY WEEK SPECIAL 2018



| Kuneho—Editor, Certificate Artist, Judge, Organizer
Calle Biblus Exposted Writers (Episodic Wreath)
Poem Writing Competition
Salubong: Holy Week Special
2018

Tuesday, March 27, 2018

KAYAMANAN

PAPEL AT PLUMA
Entry#3

KaYaMaNan

Anak n’yo ba talaga ako?
Bakit hindi ko nararamdaman?
Kasi kahit may naaabot ako,
Dama ko’y hindi kaligayahan.
Elegante, ang buhay ko’y ganito.
Gamit ko’y hindi na mabilang.
Hawak kong pera’y libo-libo,
Itinatapon ko na nga lang.
Lahat nakukuha ko, lahat ng gusto.
Mamahalin man ngunit kulang.
Natatangap ko kahit ano,
Ngunit iisa lang naman ang aking kailangan.
O sabihin nating pinapangarap ko,
Pagmamahal ng mga magulang.
Ramdam ay hindi pag-ibig mula sa inyo,
Sagana, ngunit hindi sa pagmamahalan.
Totoong mayaman ang pamilyang ito,
Umiibig, ngunit sa kasikatan at karangyaan.
Wala nang pag-asang ito'y magbago.
Yaman nila'y ginto kaya tulad ng utak, puso nila'y walang laman.


#MalayaAko

*Certificate of Participation*

Kayamanan | March 27, 2018 | Papel at Pluma | Malayang Tula | Partisipante | Bannie Bandibas | Eunice Laza Misal

Monday, March 26, 2018

TAPOS NA, HINGA NA

Tapos na, Hinga Na


Naglalakad sa kalyeng semento,

Mabigat ang pakiramdam.

Nakayuko lamang ang ulo,

Tulala na parang may kulang.

Wala nang silbi, wala nang kwenta.

Ganyan ang tingin sa sarili.

Kailangan ko ng sagot Ama,

Ano nga ba ang aking silbi?

---

Nagpatuloy ako sa paglalakad

At biglang uminit ang hangin.

Habang ako’y umuusad,

Ang daan ay naging buhangin.

Nagsimula silang humampas,

Bumaon ang talim sa balat.

Napasigaw Siya ng malakas,

Mga mata’y hindi na maidilat.

Nakaka-awang pagmasdan

Dahil alam mong pagod na Siya.

Ngunit hindi pinanghinaan--

Hanggang sa dulo’y makarating na.

Bigla akong napatanong,

Sino ako para magreklamo?

Itong nararanasan ko ngayon,

Ni hindi nangalahati ng sa Iyo.

---

Sa isang iglap ay bumalik

Ako sa kasalukuyan.

Ang luha’y biglang humalik

Sa pisngi at pinunasan.

Sa akin ay may biglang bumulong,

”Tinapos ko na, Tapos na.

Wag mo nang ikulong

Ang sarili sa kasalanan pa.


Sa bawat hampas ng martilyo

Sa pakong kinalawang,

Tiniis ko ang sakit para sa iyo--

Kaya ikaw ay lumaban.

Huwag mong hayaang

Ang pagdanak ng aking dugo

Ay masayang, na parang basura lamang.

Huwag mong tapusin ang buhay mo.

May dahilan kung bakit ka humihinga,

Ito ay upang maging masaya.

Kaya lungkot ay itapon mo na,

Mabuhay ka na ako ang kasama.

Tinapos ko na ang laban, ang pagkakasala,

Nang bangitin ko ang mga salitang “Tapos Na”.

Upang mamuhay ka ng malaya

Kahit ang kapalit ay ang aking huling hininga.”

-----

Entry No. O1000011


*Certificate of Achievement - 5th Place*

*Scoresheet*

Tapos Na, Hinga Na | March 27, 2018 | Poetry from the Heart | It is Finished - Poem | 5th Place | Bannie Bandibas

Comments/Critiques:

Deecriept Menat - Mabuhay ka ng Ako ang kasama... Sana lahat. Hahaha. Anyway, maganda ang mensahe ng iyong akda, nagustuhan ko, gano'n din ang paksa na iyong napili. Ngunit nakulangan rin ako, hindi ko masyadong nadama ang emosyon. Pero baka manhid lang ako. hehe. Keep writing, dapat mas napapahayag sa mundo ang mga ganyang klaseng piyesa. God bless, and congratulations! 😊

Mike James Palay - Ang ganda ng gabi, magandang gabi! Nagustuhan ko ang writing voice mo, unique. Naipahayag mo nang may liberalisasyon ang nararamdaman ng 'yong damdamin. Ang sa 'kin lamang ay itinulak mo na rin sana ako sa himpilan ng 'yong emosyon, nakulangan ako, e. Anyway, sa pangkalahatan, hindi mo ako/kami binigo. Salamat dito!

Sunday, March 25, 2018

BUWAN

Nakatitig ako sa buwan,
Sarili ko ay binalot ng kumot.
Nakaupo sa damuhan
Habang nangungulangot.

Buwan | March 26, 2018 | Bannie Bandibas




(WALANG PAMAGAT)

Mas mabuti para sa akin na ang sikreto ay manatiling sikreto

Upang manatiling bilog ang mundo.


March 26, 2018 | Bannie Bandibas | Eunice Laza Misal 




TAMANG TAWIRAN

Mas mabuting umamin kaysa mag-assume na lang.
Mas mabuting alam ang katotohanan kaysa naglolokohan.
Kung ayaw mong masagasaan,
tumawid sa tamang tawiran.


Tamang Tawiran | March 26, 2018 | Bannie Bandibas | Eunice Misal

Sunday, March 18, 2018

KORONA NI REYNA KORINA

Korona ni Reyna Korina

--

Korina Isabelle Romano,

Naadik na sa amoy ng libro.

Aral doon, aral dito--

Hinahasa ang kanyang talino.

--

Sa buong elementarya,

Hindi napalitan ang iyong saya.

Nagkaroon ka lang ng bagong palda,

Regalo ng iyong sinisinta.

--

Kayo ang prinsipe at prinsesa

Sa inyong paaralang segundarya.

Ngunit bago pa man makapagtapos,

Bumitaw siya't luha mo'y bumuhos.

--

Kaya sa sarili ika'y nangako,

"Dito, magseseryoso na ako.

Tatapusin ko ang kolehiyo

Na may medalyang ginto."

--

Kaya nagsikap ka,

Umitim na ang ilaim ng mga mata

Sa araw-araw na pagbabasa.

Nauubos mong kape'y limang tasa.

--

Wala kang pakialam sa sinasabi ng iba,

"YOLO, Magpakasaya ka nga!

Wala nang Maria Clara sa Pilipinas.

Si Anna na ang humahabol kay Jonas."

--

Eh, ano naman kung wala kang nobyo?

Mas mahalaga pa rin ang mga natutunan mo.

Saka mo na hanapin si haring Isidro,

Namnamin mo muna ang koronang nasa ulo mo.

--

Hindi gawa sa ginto ngunit pinag-aagawan.

Hindi gawa sa metal ngunit nabibigatan,

Dahil puno ito ng mga aral at leksyon.

Walang mang hari, ika'y reyna ng sarili mong mansyon.

--

#SWPAngPagtatapos

*Certificate of Participation*

Korona ni Reyna Korina | March 18-24, 2018 | Spoken Word Poetry | #AngPagtatapos Poem Writing Contest | Partisipante | Bannie Bandibas

Comments/Critiques:

Red Enid

* (Bumitaw = Bumitiw) [Bitiw ang salitang-ugat.]

* (m)agpakasaya ka nga!

* (H)aring Isidro

* (leksyon = leksiyon)

Ipagpatuloy ang pagsulat! ✒

Saturday, March 17, 2018

WSF SA PASKONG SASAPIT



| KunEho—Editor, Certificate Artist, Participant
Writers Secret Files
One-shot and Poetry Writing Competition
Sa Paskong Sasapit
2018

TUGMA NG PAG-IBIG

Tugma Ng Pag-ibig

Bakit nga ba
kapag nagmahal,
nagmumukha kang tanga?
Nagiging "tama" ang "mali".
Nagiging "oo" ang "hindi".
Nagiging mahina,
Nauubos ang lakas.
Nasusugatan na
ngunit walang lunas.
Nagbibigay kahit
walang kapalit.
Masaya kahit
ang totoo'y masakit.

(Poetry Rhymes)

Tugma Ng Pag-ibig | March 18, 2018 | Bannie Bandibas

Thursday, March 15, 2018

RELASYON

Kampi Round4


#TNPSaKAMPI

#AngIkaapatNaHamon

#Sanaysay


ENTRY NO. 4

(RE)LAS(Y)ON


Masaya naman kami, 'yung tipong medyo panatag na sa isa't-isa, bago pa man nangyari ang lahat. May tiwala ako kaso di ko parin maiwasang mag-alala o maghinala. Likas na yata sa akin ang ganitong ugali na sa kasamaang palad ay hindi ko mabago-bago.

Kahit sa mga una kong napusuan sa klase man o dito sa lugar namin, kahit walang matatawag na kami ay puprutektahan ko siya. Sa una kong naging kasintahan, lapitan lang kahit ng mga kaibigan niyang lalake, ginagwardyahan ko agad. Ngunit pansin kong hindi na ako nakakatulong kundi nakakasakal na. 'Yung akala kong pag-aalala ay nagiging pagseselos at umaabot pa sa tampuhan. Iniisip ko kung okay lang ba siya ngunit di ko agad napansin na masyado na pala akong makulit na nagresulta sa isang masaklap na pangyayari.

Nagsimula isang hapon, kakatapos lang ng klase ko at pauwi na ngunit wala akong natatanggap na mensahe mula sa kanya. Kanina pa naman tapos ang klase niya ngunit bakit di siya nagtext na nakauwi na siya ng ligtas. Ito'y nagdulot sa akin ng kaba na baka kung anong nangyari sa kanya na may halong pag-iisip na baka gumala siya kasama ang iba. Dito na nga gumana ang pagka-praning ko at paulit-ulit ko siyang tinawagan. Tumutunog kaso walang sumasagot hanggang sa si Marianne Rivera na ang sumasagot sa akin. Napagod na ako sa kaka-dial kaya't hinayaan ko na lamang kahit puno pa rin ako ng kaba.

Hanggang sa gumabi na lamang ay wala paring nagpaparamdam. Kaya sinubukan ko ulit na tumawag ngunit wala pa ring sumasagot. Labis akong nangamba hanggang sa umabot sa puntong tinawagan ko na rin ang mga kasamahan niya sa bahay nila. Ngunit di ko natanaw na magdudulot pala ito ng isang bagyo na siyang sisira sa relasyon namin.

Sa lahat ng tinawagan ko'y iisa lamang ang sumagot, ngunit huli na nang masabihan niya ako ng masasakit na salita, mura at panlalait. May kirot ngunit hindi ko ito ininda at sa halip ay humingi ng tawad. Hinayaan ko na lamang na matapos ang gabi at itinulog ko na lamang kaysa maisip ko pa ang nangyari.

Pagkagising, 'yung akala kong isang magandang araw ay magiging maramdamin pala. Hindi parin mawaglit sa aking isipan ang nangyari at kung bakit hindi pa rin siya komukontak sa akin. Hanggang sa may dumating na mensahe mula sa kanya. Mga panunumbat na puno ng galit at mga salitang nagpapahayag ng pagtapos sa relasyong aming binubuo. Pagka't nakagulo ako ng pamilya, malala'y hindi basta-basta dahil relasyon niya sa kanyang Ama. Pinilit kong pakalmahin ang sitwasyon at gumawa ng paraan upang makatulong ngunit nagpalala lang ito sa gulong idinulot ko.

Nagwakas ang lahat ng isang iglap dahil sa isang galaw at pagkakamali. Nagdulot ito ng isang malaking sugat na humahapdi sa tuwing ito'y aking naaalala. Nasasaktan ako hindi dahil sa pagkasira ng pag-ibig kundi dahil sa nasaktan ko siya. Hindi ako nasasaktan dahil sa pagbitaw niya kundi dahil sa iniwan kong sugat sa kanya.

Tanggap ko ang lahat at mabuti na rin ang ganito na lamang kami. Kaysa may masaktan na naman sa iresponsable kong mga gawa. Ang akala kong samaha na magiging matamis ay naging lason dahil walang gumagabay. Aaminin kong lumihis kami sa tamang daan at nakalimutan ang Diyos na dapat ay palaging nasa aming sentro. Nagpadala ako sa mundo at naging makasarili.

Kahit sugatan ay pipilitin kong bumangon, nalulugmok man ay pipilitin kong ngumiti, nalulungkot ngunit ako’y tatawa, hindi dahil sa wala akong pakialam kundi dahil alam kong mayroon kaming natutunan. Ngayon ay hindi na magpapadalos-dalos at pag-iisipan na ang bawat galaw na may gabay.

Hindi parin ako makahingi ng tawad dahil sa kahihiyan at dahil sa alam kong hindi sapat ang salitang "patawad" sa naidulot kong pinsala. Ngunit umaasa ako na baka bumalik pa ang dati, 'yung sa kung paano tayo nagsimula, magkaibigan na kahit mag-away ay agad nagkakaayos at walang naiiwang sugatan. 


*Certificate of Recognition*

Relasyon | March 15, 2018 | KAMPI-Katipunan ng mga Manunulat sa Pilipinas | Tawag ng Panitkan sa KAMPI - Ikaapat na Hamon | Qualified |  Bannie Bandibas


Monday, March 12, 2018

AKAP DUGTUNGAN WEDNESDAY ACTIVITY


| KunEho—Editor, Cerificate Artist
Akademyang Pampanitikan
Dugtungan Wednesday Activity

NILALANGAW

Entry no. 14

[NILALANG]AW


#UulanNgLuhaSaTaginitKasamaAngWeWritePH

#HappyBirthdayTinAndWence

Ang init ng sikat ng araw

Ay hindi ko na maramdaman.

Ang pagluha o kahit uhaw

Ay ‘di ko na rin nararanasan.

Ngunit gutom pa rin ako,

Gutom sa pagmamahal.

Tunay na pag-ibig, totoo,

Ang tangi kong dasal.

Lumikha man ng ingay

Ay walang nakaririnig.

Kahit pagod na sa pagkaway,

Di pa rin napapansin ng daigdig.

Nanlilinos ng pagmamahal,

Ngunit dinadaan lang.

Nanlimos ng pang-almusal,

Ako’y pinagtatawanan.

Ayos lang naman sa akin

Ang pagiging dukha.

Ako may saktan at apihin,

Titiisin ko ng may tuwa.

Ngunit sana kahit isang puso,

Isang pag-ibig man lang

Ang maisukli sa tulad ko,

Isang palaboy sa daan.

Kailan ko kaya mararanasan

Ang pag-aalagag tunay?

Isang pamilya at mga kaibigan,

Na magpapadama na ako ay buhay.

Ngunit huli na nga ang lahat,

Huli na para sa simpatya niyo.

Ngayon pa ba kayo didilat,

Ngayong nakapikit na ako.

Ang init ng sikat ng araw

Ay hindi ko na maramdaman.

Kasama ko’y mga langaw,

Dito sa aking huling himlayan.

*Certificate of Participation*


[Nilalang]aw | March 13, 2018 | Sulat Pinas | Spoken Word Piece | Sixth Place | Bannie Bandibas

Comments/Critiques:

SULAT PINAS - ibang klaseng sakit hindi dahil sa nabigo sa pag ibig mabigat din sa dibdib

Eunice Laza Misal - pinatay mo nanaman 😂 pero ang galing 🎉🎇

Joemar Tamayo Dela Cruz - Lakas, Bannie! Goodluck.💛

Itss Dha - Napakaganda ng iyong kata 🙂

John Daryl Hernandez - Wow!! Galing! 👏👏👏


Saturday, March 10, 2018

TUNAY NA PAG-ASA

#Septon


Tunay Na Pag-asa


Nakatayo ka sa damuhan

Na malawak, walang hangganan.

Nag-iisa, kasama'y buwan.

Walang taong nasisilayan.


Akala ko'y walang pag-asa

At di na makakatakas pa.

Ngunit ito'y maling akala,

Sapagkat kasama ko pala--

Ang tangi kong tagapag-ligtas. 


*Certificate of Award*


Tunay na Pag-asa | March 11, 2018 | Pusong Makata Association, Inc. & Bunso Page | Pagsulat ng Tulang Septon | Partisipante | Bannie Bandibas

Friday, March 9, 2018

MUSIKARIA

MusikARIA

(March 10, 2018)

Naririnig ko na naman ang malumanay na pagkala-kalabit ni tatay Juan sa luma niyang gitara. Isang musika na gabi-gabing nagpapatulog sa akin. Isang matamis na awit ang kaniyang ibinibigkas, “Ipikit ang iyong mga mata, magpahinga’t managinip ka. Matulog nang mahimbing munting bata, hayaang si antok ay dalawin ka. Hawak kita kaya’t ‘wag mangamba. Mahal na mahal kita aking Maria. Sabay tayong gigising na nakangiti, bukas, pagsapit ng umaga.” Mga salita at tonong paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan, na unti-unti ko nang nakakalimutan.

Noon ay sinasabayan pa ng sayaw ni inay, ngunit tila nag-iba—napagod na siya. Ang dating masayang hapagkainan na puno ng awitan, sayawan, biruan at magkasamang nagtatawanan ay naging tahimik.

Gusto kong maibalik ang sigla nitong pamilya ngunit wala akong magawa. Di ko na maibabalik ang buhay na nawala. Araw-araw ko mang ipagdasal sa Diyos ay hindi naman pwedeng pagbigyan, kahit na ang mga luha ko’y maging ulan. Kaya nagmumukmok na lamang ako dito sa aking kwarto. Ibinubulong sa sarili, nagmamakaawa na sana'y maibalik ang ngiti na nilamon ng lungkot.

Isinisigaw, “Itay, tumugtog ka. Patulugin mo ulit ako ng iyong kanta, upang tumigil na sa pagluha.” Ngunit walang sumasagot, kasi wala na. Inaalala ko na lamang ang musika at mga liriko upang hindi ako mangulila. Ngunit luha ko’y bumabagsak pa rin kapag naaalala kong imahinasyon ko na lamang pala ang lahat ng ito.

”Maria! Maria! nasaan ka? Anak! Handa na ang hapag.” Tawag sa akin ni ina na malungkot ang boses. Ngunit hindi ako tumutugon at nagpatuloy sa pagluha. 

”Theresa! Tama na, wala na siya.” Naiiyak na sabi ni itay na nasa sala habang yakap-yakap ang kan'yang lumang gitara.

Author: Bannie Bandibas

*Certificate of Participation*


M(usik)aria | March 10, 2018 | Filipino Fiction | Flash Fiction 2018 | Partisipante | Bannie Bandibas

Thursday, March 8, 2018

NAIS NI INA

Entry # 3


#AngTintaAtPapelSaPa­nahonNgTeknolohiya

#FPilipinoAko


NAIS NI INA


Sabi ni ina, noong UNA,

Wala pang teknolohiya.

Kamay, papel at tinta

Ang tanging gamit nila.


Mga kamay ay nadudumihan,

Minsan pa’y nasusugutan.

Ang nagbibigay ilaw sa sinusulatan,

NINGAS ng nasusunog na buwan.


Nais niyang ang dati ay maibalik,

’Yung hindi pa emoji ang mga halik.

Ang pagsusulat ay hindi paglapat

Ng daliri sa keyboard ng laptop.


”Ina, Mali bang gumamit ng bago?”

Ang tanging naitanong ko.

”Anak, hindi naman BAWAL gumamit.

Ngunit ito’y nagiging dahilan ng pagkapunit.”


”Pagkapunit ng literatura at kasaysayan

Dahil sa MODERNO na ang paraan.

Lahat ay nagiging mabilisan.

Ang mga isinulat ay hindi na pinag-iisipan.”


”Alam kong MILENYAL na ang panahon.

Maraming bagong salita ang umuusbong.

Maraming makahulugan ngunit halos patapon,

Naibabahagi kahit hilaw na imbensyon.”


”Mas nanaisin ko pang bumalik sa dati,

'Yung hindi literatura, kundi kamay ang may dumi.

Kamay lamang ang nasasaktan,

At hindi damdamin, dahil ang sistema’y napabayaan.”


*Certificate of Participation*

Nais ni Ina | March 9, 2018 | Forbidden Poetry | First Anniversary Wricon | Participant | Bannie Bandibas


Comments/Critiques: Jerome Marlo Mamuad--GANDA NAMAN

Wednesday, March 7, 2018

ECLIPSE

AKAP (Akademyang Pampanitikan)

#MMDugtunganWednesday

Eclipse


(Eunice)

Walking by the street with the city lights,

step by step I am loving this night

With someone here by my side,

Yet left me and who knows maybe he chose to hide.


(Bannie)

I'm watching right unto the moon,

Letting the cold run through my bone.

All by myself, here in the park,

Strong wind blows, here in the dark.


(Eunice)

Since then I felt alone through the night

Til someone came into my sight.

A creepy noise ran through my ears,

So I hide with fear and tears.


(Bannie)

Until someone talk in a low voice.

"All done, let's do it tonight boys".

Hunters searching for that blood-suckers,

Wanting to catch the flesh rippers.


(Eunice)

It have gone darker, I started to lose my sight.

Earth's shadow covers the moonlight.

I ran and go behind the truck.

The hunters are shouting like they were attacked.


(Bannie)

A moment of silence-- moonlight came back,

With might, I got out from the truck.

So shocked, I found their bodies on the floor,

Holding insecticides and a mosquito sprayer.


*Certificate of Participation*


Eclipse | March 8, 2018 | AKAP (Akademyang Pampanitikan) | Dugtungan Wednesday | Partisipante | Bannie Bandibas | Eunice Laza Misal

HINDI LANG SAGING ANG MAY PUSO

AKAP (Akademyang Pampanitikan)
#MMSaturDARE

Hindi Lang Saging ang may Puso
Dagli/ Romance
Bannie Numistmanunula Bandibas

    ”Sino nga kasi ang sinisilip mo diyan?” Nagtataka si Pagong. “Iyon—ang magandang dilag na anak ng magsasaka.” Nananabik na sumagit si Matsing. “Tila ika’y may pagtingin na sa dalagang iyan, ngunit pansin kong mali ang iyong nararamdaman.” Nagkumento ang pagong. “Bakit? Ano bang mali sa pag-ibig?” Sumagot nang pa-irap ang matsing.“Hindi ka maaaring umibig sa kanya, sapagkat hayop ka at tao siya—kayo’y hindi itinadhana." Nagpaliwanag si Pagong. Sinagot naman siya ni Matsing ng“subalit naniniwala ako sa kapangyarihan ng pag-ibig na kayang baguhin ang lahat, ni itsura at balat."“Naku, isa lamang iyang haka-haka, paki-usap kaibigan—magising ka sana.” Pailing-iling na nagpahayag ang pagong. “Di bale na, magmamasid na lamang ako at patuloy na aasa.”

    Lumapit ang dalaga sa puno ng saging na pinagtataguan nila. Himutok nito'y "hindi ko yata maabot ang puso ng saging sa punong ito, mayroon kayang mag-aalay ng tulong sa binibining bigo?" Biglang nanabik ang matsing na baka pagkakataon na niya na magpakilala at tulungan ang dalaga.

    Lumabas ang magkaibigan sa kanilang pinagtataguan. Agad nagtanong si Matsing. ”Binibini, may maitutulong ba kami?"“Maaabot mo ba ang puso ng saging na iyon? Maari mo ba akong tulungang makuha? ‘pagkat hindi ko matalon.” Nagmamakaawa ang dalaga. “Oo naman. Teka at kukunin ko para sa 'yo, aking prinsesa.”

    Inakyat ni matsing ang puno at kinuha ang puso ng saging. Bumaba at ibinigay sa dilag.

    ”Maraming salamat ginoong Matsing, sa wakas ako’y makakapaghanda na ng pagkain." Nagtanong si Pagong. “Para kanino naman ang iyong ihahanda? Sa iyong ama ba? na buong araw na nagsaka?”Kinikilig na sumagot ang dalaga.“Tumpak, ngunit hindi lamang para sa kanya—maghahanda rin ako para sa aking iniirog na nagmula pa sa ibang bansa.”

    Nakaramdam ng lungkot ang kawawang matsing na tila nadurog ang puso at ang utak ay tinangay ng hangin.

    ”Aking kaibigan, ang mga salita mo’y pawang katotohanan—hindi kami itinadhana, hindi ipinagtagpo." Napaiyak na lamang si Matsing. Marahang bumulong si Pagong.“Ngunit kaibigan, di mo naman kailangang sungkitin ang puso ng saging upang mahanap ang pag-ibig na inaasam."“Anong ibig mong sabihin?” Napatitig ang matsing sa kaibigan.

    "Masyado siyang mataas para iyong abutin, di mo lang kasi nakikita na dito sa lupa’y may naghihintay din . Sapagkat HINDI LANG naman SAGING ANG MAY PUSO—mayroon din ako, na matagal nang naghihintay na mapansin mo.”



Hindi Lang Saging Ang May Puso | March 8, 2018 | Akademyang Pampanitikan | Bannie Bandibas

Sunday, March 4, 2018

ANG SINAYANG KONG TATLONG ROSAS

Ang Sinayang Kong Tatlong Rosas

Sa unang pagkakataon,
Pagkakataon na sinayang ko,
ika’y aking nasilayan--
namangha sa pagbabago.

Una! Nakangiti kang dumaan.
Napatulala lamang ako,
at ang tangi kong nabitawan
ay “Di ko na yata kilala ‘to”.

Di ko na siya kilala, nasaan?
Nasaan ang dating titibo-tibo?
Ngayo’y naging magandanghalaman,
rosas na umakit sa mga mata ko.

Hindi kita matitigan
at parang tangang payuko-yuko.
Maganda ka! Ngunit naisin ko man
ay hindi ko kayang sabihin sa ‘yo.

Pangalawa! Ang pagpasok sa bulwagan,
na sadyang hinihintay ng mga tao.
’Yung lalakad tayo ng dahan-dahan
habang nakahawak ka sa aking braso.

Nakapares ko ang iyong kaibigan
at binalak na ikaw ang sunod na makapareho.
Ngunit nang ikaw na ang humakbang,
tuhod ko'y naging yelo.

Ako ay naunahan, dahil kinabahan
at dinaga ang puso.
Ika’y pinagmasdan na lamang,
habang naglalakad ka papuntang entablado.

Pangatlo! Ang pinaka-pinagsisihan,
Isa na sanang ginto.
Pagkakataon na ika’y lapitan,
ngunit lumihis ang daan ko.

Isang rosas, ika’y aking hinanapan
upang ika’y maisayaw dito.
Naghanap at nabigyan,
kaso nagdalawang-isip ako.

Ika'y sandaling sinulyapan
at tumunganga ng ilang segundo.
Nagkaroon ng kalituhan
kaya't iba ang piniling bigyan nito.

Ngunit kahit nasayang man
ang mga rosas na dapat ay sa iyo,
Nagkaroon naman ako ng pagkakataon na ika’y masuotan
ng singsing, humiling na sana'y totoong kasalan na 'to.

Sinamahan kang maglakad sa gitna ng bulwagan
pagka't ito'y hiling mo.
Walang damdaming napilitan
dahil ito rin naman ang nais ko

Ako'y nagdarasal na sana’y hindi pa ito ang katapusan,
ika'y makilala pa ng husto.
Kahit tuluyan ka nang lilisan
sa hardin na kung saan tayo pinagtagpo.


LITRATO AT EDIT NG INYONG LINGKOD

Ang Sinayang Kong Tatlong Rosas | March 4, 2018 | Bannie Bandibas

Saturday, March 3, 2018

DI(YAMAN)TE

Di(yaman)te

"Pressure makes us diamonds"
Isang matalinghagang kataga.
Nangangahulugan na ang buhay ay hamon
Na kailangan ng sikap at tiyaga.

Isang salita ang agad kong naisip
Noong una kong marinig ito.
Hindi kasikatan, pagmamalaki o panaginip 
Kundi isang ULING, uling tayo.

Uling na pinagtuunan ng pansin,
Halata sa nangingitim na paligid ng mata.
Kasi mula umaga hanggang pagdilim,
Nag-aaral at subsub sa pagbabasa.

Mga librong singkapal ng diksyunaryo
At nakakasira ng ulong mga aklat
Ay araw-araw na bitbit ng mga braso,
Ngunit di alintana ang bigat.

Dagdag pa ang pagka-ipit
Sa mga gawaing bahay at proyekto.
Feasibility study, report at exhibit,
Alin ang uunahin? Nakalilito.

Mayroon pang mga propesor,
Sa pagpapa-quiz ay hindi nagpapapigil.
Kapag mababa ang iyong score
Ay di maiwasang sila'y mang-gigil.

Pagka't hangad nila ang ating tagumpay
Sa bawat effort at pagpapasensosyo,
Kahit gaano man katigas ang mga ulo.

Kaya kung dama mong pinahihirapan ka,
O pini-pressure ka na lamang palagi.
Isipin mo na lang na maswerte ka,
Kasi intensyon nilang gawin kang diyamante.

Magkakaroon ka ng halaga,
Magiging globally competitive.
Kaya maging matibay ka
And let struggle be part of how you live.

'Pagkat ang tunay na yaman ay pinaghihirapan.
Ang tunay na yaman ay ang ating natututunan,
Mula sa paaralan o sa buhay man.
Mga leksyon na kailangan nating pahalagahan.

#JPIANight2018 [03-03-18]

LITRATONG KUHA NG INYONG LINGKOD


Di(yaman)te | March 4, 2018 | Bannie Bandibas

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...