Bannie | PleumaNimoX: May 2020

Search This Blog

Sunday, May 31, 2020

READ, WRITE, LIVE

 

KUHA NG INYONG LINGKOD

Read, Write, Live | June 1, 2020 | General Santos City | Gensan Summer Youth Fest 2020 | 3rd Place | Bannie Bandibas

MAPAGPALAYA

Mapagpalaya
ni Bannie Bandibas

Ako'y isang sundalong papel at pluma ang sandata,
Sigaw ay "ibuhos ang puso't kaluluwa sa bawat akda."
Pamumunuan sa digmaan ang mga salita at bantas
Nang mapagtagumpayan ang pag-aaklas, ako si Bannie Bandibas.



Mapagpalaya | June 1, 2020 | DYO Writes Page | DYO – TNMSeason4 | Partisipante | Bannie Bandibas

Friday, May 29, 2020

HALAGA

HALAGA

Ang mga bugbog at peklat ay hindi basehan
kung paano ang sarili mo'y pahahalagahan.
Parte lamang ito ng naging proseso, nakaraan
na hindi mo na kailangan pang pagtakpan.

Gawing motibasyon ang mga sakit na naranasan
upang magpatuloy sa tinatahak mong daan
at kung sakaling mawalan ka man ulit ng dahilan,
lumingon ka lang—nasa likod mo kami, Kaibigan.

#HindiKaNagiisa
#DamdamingNakapaskil

*Certificate of Recognition*

Halaga | May 23, 2020 | Damdaming Nakapaskil | Hindi ka nag-iisa | Kontribyutor | Bannie Bandibas

TULASALITAAN 2020

Elimination Round Entry—

Kwarto Kwarta Kawatan

Dinig ng buong bayan ang langitngit ng pagbubukas ng pintong pilit isinasara, binubusalan
Upang di masaksihan ng mga Pilipino ang mga makasariling baliw at hayok sa kapangyarihan.
Agad naamoy ang alingasaw ng karumihan na siyang nagpapahina sa aking mga kalamnan,
Tila ba ako'y pinatungga ng gayuma at iginapos ng tanikala upang kailanma'y di manlaban.

PASKIL NG THE MAYUMO

SERTIPIKO NG PAGKILALA

Kwarto Kwarta Kawatan | May 30, 2020 | The Mayumo | Tulasalitaan 2020  | Qualifier | Bannie Bandibas


•••

Round 1 Entry—

Hulihin Silang Lahat

Ang buhay dito sa mundo ay isang pelikulang komedya ang tema
Na ang mga taong may gintong kaldero ang siyang may hawak ng storya.
Tayo naman, mga ka-uri ni Pikachu—tahasang pinaglalaruan, hinuhuli.
Magbabayad ng bulak sa ilong na pulang pintura sa katawan ang sukli.

PASKIL NG THE MAYUMO


Hulihin Silang Lahat | May 30, 2020 | The Mayumo | Tulasalitaan 2020  | Qualifier | Bannie Bandibas

Wednesday, May 27, 2020

JOLINA

Jolina

Kumusta ka na, Jol? Sana ay nasa mabuti kang lagay.

Ewan ko ba kung bakit ako napasulat. Gusto ko lang sigurong ipabatid ang kasiyahan ko noong isang araw, noong aksidente tayong nagkita sa paborito nating kainan. Di ako mapakali noon kasi agad kitang nakilala, ang mahaba mong buhok at makinis mong kutis ay gano'n na gano'n pa rin. Walang pinagbago. Nadagdagan pa ang kaba ko noong napatingin ka sa akin at ngumiti. Ang mayuming ngiti at kumiskislap mong mga mata ay walang kupas na nagpapakilig sa akin. Lumapit ka at ako'y kinausap, hindi ako makagalaw habang binibigkas mo ang mga salitang "uy, kent! Namiss kita." Bati mo sa akin at bigla kang tumawa. Siguro'y hindi na maitsura ang aking mukha sa sobrang pula. Ikaw naman kasi, ba't ganoon pa ang ibubungad mo sa akin?

Sabay tayong nag-order at nagulat akong pareho pa rin ng dati ang pinipili mo, pinipili natin. Isang pirasong "chickenjoy" at kanin, tiyaka isang "sundae." Inimbita kitang sumabay na sa akin kasi pansin kong wala ka namang kasama at agad mong tinanggap ang aking paanyaya. Ang saya ng gabing 'yon, puro kuwentuhan at tawanan. Sa dami ng napag-usapan natin ay naabutan na tayo ng pagsasara ng kainan.

Parang ayaw ko nang matapos ang gabing 'yon. Napuno ng pagsisisi ang aking isipan, takbo sila nang takbo na parang hindi napapagod. Sana hindi na lang kita iniwan para sa isang panandaliang ligaya. Sana hindi ko na lang binalewala ang pagmamahal mo kasi nasaksihan ko noong gabing 'yon na mahal na mahal mo pa rin ako. Ang saya sa mata mo ay siyang nakikita ko at naramdaman ko ang totoong kaligayahan.

Bigla akong bumalik sa ulirat nang may dumating na lalakeng pamilyar ang mukha. Tumayo ka, hinagkan at niyakap siya. Nalungkot ako sa natanggap kong balita. Bakit mo ko hinintay?

Patawad, Jolina. Pero parang huli na. Ikakasal na ako sa buntis kong kasintahan.

Ps. Pakisabi pala kay tito na salamat sa ipinanangako niyang regalo noong gabing 'yon para sa anak ko, natanggap ko na.

Kahit hindi ko matanggap ang nangyari, hindi na talaga maaari.

Nagsisisi,
Kent B.

POSTER NG KOMPETISYON


Jolina | May 27, 2020 | The Love Letter Wricon | Partisipante | Bannie Bandibas

KRISIS NG MGA PUSO

Krisis ng mga Puso

May kinakaharap na malaking krisis ang mundo,
halos ang mga bansa ay hindi napaghandaan ito.
Hindi natantsa kung anong magiging dulot nito
sa kanya-kanyang mga bayan at sa bawat tao.

Ngunit di napapansin at tila binabalewala
ang isa pang krisis na apektado ang madla.
Minsan pa'y tinatanggap na lang kaya lumalala,
krisis ng mga puso, mas mapanira kaysa pandemya.

Lumalabo ang pagiging makatao ng tao,
di na kinikilalang tao ang kapwa nito.
Nagiging marahas, mapanghusga, at negatibo—
ni hindi naisip kung anong magiging epekto.

Nagiging mas gahaman ang mga gahamang muta,
imbis na makatulong ay iniisip lang ang sarili nila.
Saan napunta ang pagiging patriyotiko't makabansa?
Nilunok na yata ang pangako sa watawat ng bansa.

Ngunit sa kabila ng krisis ay nariyan ang bayanihan,
ang ugaling Pilipino na maipagmamalaki ng bayan.
Kahit puno ng galit, mayro'n pa ring pagmamahalan
at pagkakaisa kahit pansin na lahat ay nahihirapan.

Magtulong-tulong hanggang sa ating makakaya,
iwasang maging balakid sa batas at polisiya.
Maiging sumunod na lamang sa ating lideratura,
para iwas gulo at ang nasasakupa'y maging payapa.

Ito ang mensahe ko sa bawat mamamayang Pilipino:
kakayanin natin ang malaking krisis ng buong mundo
kung uunahin nating ayusin ang krisis ng bawat puso—
krisis sa loob mo.

May pag-asang pang makalalaya rin tayo sa krisis na ito.


KOMENTO NG HURADO

FACEBOOK VIDEO

Krisis Ng Mga Puso | May 27, 2020 | RVD | Spoken Word Poertry | Partisipante | Bannie Bandibas


Tuesday, May 26, 2020

ABC OF HOPE FOR HUMANITY

 ABC of Hope for Humanity (Poem)

Author: Bannie Bandibas
•••
Title: The aMENDment


As a kid,
People would always see me
As one of the troubles—
But they've just never understood
My thoughts, my poems, and drabbles.


They never saw me as a child,
As one of the men of the future.
A person that may become a leader,
The one who'll have the drive to nurture.


Now, I've grown up—
I did my own healing and mending bruises.
Believing that someday the world would change,
Uplifting the youth to win while accepting losses.


•••
Title: The bookShELF


Reading,
It gives me much learning
About humans and how the world runs.
It gives me understandings,
Like, why we sometimes tend to use guns.


Out of cruelty and inequality,
We chose not to behave and fight,
But I don't think it's the only way
Because my eyes can still see a light.


If only we'll try to practice a personality
Of always putting ourselves to the other's shoe
Then we'll have better words and actions
Not to makes someone's war to just blew.


•••
Title: The COMPASSion


Creatures,
Different people with different griefs,
Different hearts with different beats
And different races with different beliefs—
Contradictions are built from bits.


We are walking in dissimilar directions,
Travelling and sometimes crosses paths—
But because of the eagerness to complete missions,
We, as furious ones, chooses to smash the bats.


Trying to compete without even realizing
That they are not bumped for the battles—
They've just met to help each other's game,
Have compassion to offer a ride in their shuttles.


•••
Bannie M. Bandibas 21
General Santos City, South Cotabato Province, Philippines


May 26, 2020 | ABC of Hope for Humanity | Yuwana Zine

Monday, May 25, 2020

ANG PUSO NG DULA

Ang Puso Ng Dula

Nagsitayuan sa kanilang mga upuan ang madla,
sa wakas, tuluyan nang natapos ang dula.
umaalingawngaw ang masigabong palakpakan
kasabay ang nakabibinging hiyawan sa bulwagan.

Lahat ay nakatutok sa mahuhusay na mga artista,
tunay silang may kagalingan—'di mapagkakaila.
ngunit ako, paningin ay tungo sa dakong likuran,
nakangiti sa mga taong dapat ding parangalan.

Simula sa manunulat, direktor, at mga tagapangalaga
ng ilaw, damit, gamit, musika, tagahila ng kurtina—
sila'y nararapat din naman nating pasalamatan,
ang pusong nagpapadaloy sa dugo ng mga dulaan.

Kahit sa kanila'y ang entablado lang ang nakakaalala
sa tuwing isinasara ang mabigat na kurtinang pula,
mananatiling mainit ang likidong inaalay sa katawan—
mahalagang bahagi na siyang pumipintig mula simula hanggang katapusan.

POSTER NG KONTRIBYUSYON

Poster - ©Istilo Poetry - Ilocos Norte


Ang Puso ng Dula | May 26, 2020 | Istilo Poetry - Ilocos Norte | Poetry Exhibit 2022 | Kontribyutor | Bannie Bandibas

Thursday, May 21, 2020

DYO WRITES TNMSEASON 3




Eliminatiom Round

Code: B-DW098
Liwanag sa umaga, dulot ay pag-asa,
at pahinga ang pagkulimlim ng gabi.
Kapayapaan ng dilim ay paghahanda
para sa bukas na ika'y muling ngingiti.
#TNMSeason3

Code: A-DW052
1)English Entry: Boogeyman is your love, gives nightmare.
2)Filipino Entry: Umalulong sa buwan, nalulumbay na puso.
#6WVOSeason2

SERTIPIKO NG PAGLAHOK

SEMI-FINALS

Code: B-DW098
Nabalot man ng mga kontrobersiya
ang pagiging pambansang bayani,
Ang pagpili sa iyo'y labis na kinatutuwa
at siyang tanggap ng nakararami—

Dahil, Rizal, ika'y tunay na makabayan
pagkat buhay mo'y inialay sa bansa
gamit ang tanging alam mong paraan,
Pluma't tinta, upang Pilipinas ay makalaya.
#TNMS3ROADTOFINALS

SERTIPIKO NG PAGKILALA


CODE: B-DW098
Ang kasalukuyan ay isang magandang biyaya
at regalo mula sa ating dakilang Maylikha
na tapat at siyang tanging nagpapaalala
ng iyong halaga at labis na minamahal ka...

Ngunit ang kahapon ay huwag isantabi
pagkat ito'y alaala, pagkalugmok o pagkawagi,
na nagbigay ng mga aral na sa puso'y mananatili,
sa atin ay minsang nagpatibay at nagbigay ngiti.
#SEMIFINALISTTNMS3

MENSAHE NG ORGANAYSER

May 22, 2020 | DYO Writes | TNMS3 | Semi-finalist | Bannie Bandibas

PASKIL NG DYO WRITES

PASKIL NG DYO WRITES

Tuesday, May 19, 2020

HAGDAN

Hagdan

Paano nga ba maging mabuting kabataan?
Paano ba maipagmamalaki ng bayan?
Paano maging isang batang huwaran?
Halika't isa-isahan nating akyatin ang mga baitang.

Una, simulan mo sa iyong sarili.
Pagnilay-nilayan ang mga sabi-sabi
Tungkol sa 'yo, masama man o mabuti.
Alam mo na kung anong tama at mali,
Hindi gaya ng mali mong pagsugal
Sa pag-ibig na hindi ka naman mahal.
Yong pag-ibig na akala mong magtatagal,
Ngayo'y pagsisisi ang nagpapagal.

Pangalawa, kung tuluyan nang nabungkal
Ang totoong katauhan mo, magdasal
Na hindi na muling bumalik sa masukal
Na gubat na kung saan minsang naging hangal.
Mag-aral o di nama'y magpatuloy na mututo
Sa buhay at panatilihin ang pagiging makatao.
Huwag na huwag ka nang muling magpapaloko,
Sa mga dinura at napakong mga pangako.

Pangatlo, sigurado ka na bang ika'y natuto?
Pagpupugay kung ang sagot mo'y "oo."
Ngayon, isa lang ang aking maipapayo—
Sana'y sa mabuti mo lang gamitin ito.
Lahat ng karunungan ay nakatutulong
Ngunit depende pa rin kung saan ka susuong.
Piliing mabuti kung saan ka susulong,
Kahit sa iyo'y walang pumili, Dodong.

Pang-apat, bibigyan kita ng ilang mga tanong.
Pwede kang sumagot na labas sa kahon,
Ngunit babalaan kitang malalim ang balon.
Ang pinili mo ba'y nakabubuti o nakatutulong
Sa sarili, pamilya, pamayanan o bansa?
Ang pagpili mo ba'y hitik sa pagkatuwa?
Pumili ka ba ng daang magbibigay saya,
Hindi gaya ng kalungkutang dinulot ng iyong jowa?

Ito na ang huling baitang, ang pang-lima.
Gawin mo ang pinili kung diyan ka liligaya,
Ngunit sa tukso ay huwag kang magpapadala.
Panatilihing bukas ang tenga, nakadilat ang mata,
Pagkat ang pagiging mabuting kabataan
Ay pagiging isang mabuting mamamayan
Na may kaliwanagan ang mga gawa't paraan,
May dahilan, hindi gaya ng kanyang paglisan.

Kapag narating mo na ang dulong bahagi,
Palaging sa nakaraan ay sumilip sandali
Nang di makalimutan ang dating sarili—
Huwag magmamataas, paa sa lupa'y manatili.

SKRINSYAT NG BIDYO NG PAGTATANGHAL

FACEBOOK VIDEO

Hagdan | May 19, 2020 | General Santos City | Gensan Summer Youth Fest 2020 | 4th Place | Bannie Bandibas

BENIPISYO, HINDI ABUSO

SDG 8 (Desenteng Trabaho at Maunlad na Ekonomiya/ Decent Work and Economic Growth)

Benepisyo, Hindi Abuso

Nagtapos sa pribadong kolehiyo,
iginapang ng magulang kahit mahirap.
Di nabiyayaan ng maraming prebilihiyo
ngunit nagsikap upang maabot ang pangarap.

Nakaligtas sa mga libro't aralin,
pinilit ang sarili sa kabila ng dusa.
Hindi nagpatukso sa malayang bangin,
nagtiis sa depresyon at labis na pangungutya—

Ngunit bakit mas masaklap ang naabutan,
ang pangarap na inaasam ay nawasak.
Hindi ganito ang kanyang inaasahan,
isang mundong nabalot ng burak.

Inakalang oportunidad ay tila naglalaho,
problema't pagkalugmok ay lalong dumagan.
Walang mahanap na disenteng trabaho,
nasaan na ang plano ng pamahalaan?

Mga proyekto't programa, di mahagilap,
sa kapangyarihan ay umaabuso—mga suwail.
Ngayo'y naaapektuhan ang mahihirap,
sa sariling bayan ay pagkagahaman ang kumikitil—

Ngunit maaari pang umunlad ang ekonomiya ng bansa,
magtulong-tulong, pagbuklurin ang mga pananaw.
Sana bukas ay makita na ang pag-asa,
bago pa man sa kahirapan ay pumanaw.

SERTIPIKO NG PAGLAHOK

Benipisyo, Hindi Abuso | May 19, 2020 | The Mayumo & Oplan Journo | Pagsulat ng Tula (SDG) | Partisipante | Bannie Bandibas

Monday, May 18, 2020

13 WORD STORY

When your woman starts walking down the aisle but you're not the groom.

13 words story

May 19, 2020 | Bannie Bandibas

Sunday, May 17, 2020

AKAP MOTHER'S DAY 2020


| KunEho—Editor, Certificate Artist
Akademyang Pampanitikan
One-shot Story Writing Activity
Mother's Day 2020

Thursday, May 14, 2020

PAGLALAYAG NG PANULAT

Paglalayag ng Panulat

Piniling lisanin—tahimik na pangpang,
pinalayag ang bangka sa karagatan.
Susubukang makipagsapalaran
dito sa tatahakin kong larangan.

Ito ang magiging bagong buhay,
mga ideya't hinuha'y maglalakbay.
Gamit ang mga salitang makukulay,
blangkong papel—bibigyang saysay.

Di man isang kilalang manunula
at minsang tinta ay nawala,
mga storya'y patuloy na idudura,
ilalahad—mga kuwento sa bawat akda.

Pluma ko'y pinagtibay ng pag-ibig
na hindi kayang bigkasin ng bibig.
Patuloy na sisisirin—malawak na tubig
nang tagumpay ay mapasa-bisig.

Ako'y isang ordinaryong manunulat,
bukas ang tainga't mga mata'y dilat.
Nandito lang ako, susulat nang susulat
hanggang matuyo—tinta ng aking panulat.

SERTIPIKO NG PAGLAHOK

LAHOK


Paglalayag ng Panulat | May 15, 2020 | The Next Poets Society | Poem Writing Competition | Partisipante | Bannie Bandibas

Saturday, May 9, 2020

AKAP MUSIKATHA 2020


| Kuneho—Certificate Artist
Akademyang Pampanitikan
Month Long Activity
Musikatha
2020

Friday, May 8, 2020

PAGLAYA

Paglaya

"Natapos na ang lahat, nandito pa rin ako." Sumasabay sa pagbigkas ng mga liriko sa awiting "kung wala ka" ng bandang Hale. Nakahilata sa kama habang pilit na di pinapansin ang ingay sa labas ng bahay ng mga kamag-anak kong tuwang-tuwa dahil ito na ang unang araw na hindi na nakakwarantin ang bayan.

Nilakasan ko ang tugtog mula sa aking selpon. "Hindi ko maisip kung wala ka..." Nagsimula na namang tumulo ang aking luha. "Sa buhay ko..."

"Trisha, lumabas ka na diyan. Halika't sumama ka rito sa munting salu-salo." Tawag ng aking biyenan. Nagbukas ang pinto ng kwarto, may mabibigat na mga paghakbang. Nasaksihan ko ang saya.

Hindi ko maisip kung paano nila naaatim na magsaya ng ganoon sa kabila ng nangyari. Lagpas na isang buwan pero parang masyado pa ring mabilis, parang bihasa sila sa paglimot. Nakalaya sila ngunit parang hindi ako kasama. Natapos na ang lahat, nakakulong pa rin ako.

Biglang tumahimik, nawalang bigla ang ingay. Hanggang sa may nagsalita. Bumubulong ang lahat na parang mga bubuyog. Muling tumahimik. Naglakad ang mga yapak pabalik sa kwarto. Ibinagsak ang sarili sa kama, unti-unting sumara ang pinto.

Isang iglap ay may nagsalita sa kung saan, ang boses na pinananabikan kong marinig. "Masaya sa labas, masaya silang lahat dahil natapos na rin ang pandemyang ito. Parang mga presong nakalaya sa selda. Medyo matagal-tagal din natin tong hinintay pero no'ng dumating, nahirapan akong magdesisyon kung anong mararamdaman ko. Matutuwa ba o malulungkot? Gusto kong magluksa dahil hindi mo man lang pinaabot sa araw na ito ang buhay mo pero gusto ko ring sumaya kasi nabuhay ako dahil sa 'yo. Nakaabot ako. Tama si itay, gusto mo akong lumaya kaya palalayain na rin kita. Maaari ka nang magpahinga at kumawala mula sa aking bilangguan, Rey."

Natapos na ang lahat at nakalaya na rin ako. 

Hindi pala ako nakapagpakilala. Ako si Rey, ang doktor na gumamot sa mahal kong asawa na si Trisha mula sa covid-19 at ang hindi pinalad na makaligtas.

EDIT NG INYONG LINGKOD MULA SA AKTWAL NA POSTER NG LAPIS ARTCOM

POSTER NG KOMPETISYON


Paglaya | May 8, 2020 | Lapis Art Com | Sa Pagtatapos | Partisipante | Bannie Bandibas

SANDATA

Sandata

Nagimbal ang buong bansa
sa pagdating ng sakuna.
Delubyong di nakikita ng mata
kaya nagbigay ng pangamba.

Dumaan ang ilang linggo,
tila unti-unting nang natatalo.
Marami na ang apektado,
at dumadami pa ang natitiklo.

Ngunit ang hindi nalalaman
at naiintindihan ng ilan
ay may sandatang nakalaan
na labis na makapangyarihan.

Isang bayang pinagbuklod,
dugong Pinoy na di paaanod.
Tanggalin—mga nakaharang na bakod,
sabay-sabay tayong lumuhod.

Bukas, gigising tayong nakangiti,
saya sa mukha ang mamumutawi.
Kung magpapatuloy ang mga labi
sa pagdarasal, pag-asa'y mananatili.


SKRINSYAT NG PAHINA

Sandata | May 8, 2020 | Writer and Poet Sanctuary | Pagsulat ng Tula - Filipino | Partisipante | Bannie Bandibas

Thursday, May 7, 2020

SI MAMA

Si Mama
[FICTION]

"Nak, pukaw na." Gimata ko ni mama mga alas tres sa hapon. Gikan siya'g lungsod kay namalit og pangkaon namo diri sa balay. Tungod sa "lockdown," napugos mi'g tinir dinhi ug siya ra'y galakaw-lakaw.

Gigakos ko ni mama. Wala ko kabalo ngano basta guot niya ko na gigakos. Ningisi siya sa akoa dayun imbitar sa ako na mukaon na'g panihapon. Wa nako damha na mao na diay to among ulahing panihapon.

Kina-ugmaan, ni-grabe ang kasakit sa akong ulo ug subra ko na nagapanginit. Nisinggit ko'g "mama" sa sobra ka sakit. Dayun nisulod si mama sa akong kwarto pero bag-o pa siya makaduol, nikalit ra ko'g ubo og kusog. Nagsunod-sunod ang pag-ubo. Nitan-aw ko kay mama ug nakita nako na gaatras siya palayo.

"Ma, asa ka muadto? Tabangi ko, Ma!"

Kadto ang ulahing oras na nakauban nako akong pamilya—si mama. Naa ko diri naghigda sa puti nga kwarto, nag-inusara. Gusto nako naa koy kauban, gusto nako naa si mama. Unta naa diri akong mama. Adlaw-adlaw na lang ko maghilak ug gasinggit og "mama" hantod sa kapuyon ug dayun makatulog.

"Nak, pukaw na." Nakamata ko sa tingog na nag-istorya sa ako. Tingog to ni mama, kay mama jud to. 

Sa pila ka minuto, nisulod ang babaing nakaputi. Gitanggal ang mga nakatusok ug gipailis ko. "Makagawas na ka, bata." Mao to iyang ingon. Nakabati ko'g kalipay. 

Nigawas kos kwarto, dala akong mga sinina. Sa kagamay sa akong lawas, naglisod jud ko'g bitbit ug sa kalit naay nigunit sa akong dala, ni-aksyon og bitbit. Si kuya, nakangisi ko sa kalipay kay naa siya pero wala siyay reaksyon. Natingala ko. Gitunol na lang nako akong dala. 

Nagpadayon mi sa paglakaw ug sa wala pa mi nakalayo, naay babaing naglakaw paduol sa amoa. Si mama. Nalipay ko. Nidagan ko padulong niya pero napaundang kos pagdagan kay niundang si mama ug nitabis ras akoa. Naghinay-hinay siya'g atras. Nagpalayo. Gigunitan siya sa duha ka babaing nakaputi og gisuotan og panapton sa nawong. Nigunit siya sa iyang ulo na murag gisakitan. Nagsige'g siya'g tabon sa iyang baba ug nigunit sa liog na murag natuk-an. Nagsige siya'g hilak. 

Gibitbit siya pasulod sa usa ka kwarto.Makita nako ang iyang pangpanluya. "Ma, asa ka muadto? Ayo na ko, Ma! Naa na ko, uli na ta!" Singgit nako sa iya.

"Dong, dili na nato makita si mama. Wala nay paglaum!" Ingon ni kuya. Nibug-at akong kasingkasing.

Nagpadayun mi sa paglakaw padulong purtahan, apan dili nako makita ang unsay naa sa gawas kay subra kasilaw. "Nak, pukaw na! Muuli na ta." Nakuratan ko. Tingog ni mama. 

Nilingi ko kay kuya ug akong nahinumduman, dugay na siyang namatay. "Ma, asa ko muadto? Tabangi ko, Ma!" Akong sulti maskin dili na ko niya madunggan gikan diris pikas kalibutan.




Si Mama | May 7, 2020 | Bannie Bandibas

Tuesday, May 5, 2020

TIMAAN

Timaan

Sa pagsugod, daghan wa'y labot.
Naa pay uban na igo ra mahimuot. 
sa bayrus, dili daw ta makab-ot
kay lage, bisaya, isog og mga singot.

Apan sa pagdugay, wa nabantayan—
naghinay-hinay na tang naapektuhan. 
Mga panginabuhi sa adlaw, naligsahan
ug sa gabii, daghan ginasikop sa dalan. 

Matag tawo sa balay, kamingaw, gibati. 
Walay mahimo kundi magtuplok og sipi. 
Naay magpuyo, pero naa juy magpalabi
nga dili mahimutang—mulakaw jud lagi.

Wa nahadlok na naa nay nangamatay, 
reklamo didto, dira, 'nya magsugod og away. 
Apan unta kitang tanan magsinabtanay
ug kun mahimo, kita magtinabangay.

Sa tagsa-tagsa natong pag-ampo,
mahuman ra jud ning grabing kalbaryo. 
Maskin sa timaan walay nakahibaw, 
makabuhi ra ta puhon. Pag-abot sa adlaw. 


PABALAT NG PUBLIKASYON

NILALAMAN NG PUBLIKASYON

LITRATO NG LAHOK


Timaan | May 6, 2020 | Kasing-kasing Press | Issue No. 4 | Kontribyutor | Bannie Bandibas

Saturday, May 2, 2020

PATAK

Patak

Tak. Tak. Pawis na pumapatak,
mula sa mga manggagawa
na di nakalilimutang humalakhak
kahit sa trabaho'y napagod na.

Tak. Tak. Mga luhang pumapatak
mula sa dekalibreng mga artista
na tumatanggap ng palakpak
para sa ginagampanang mga drama.

Tak. Tak. Laway ang bumagbagsak
mula sa bunganga ng mga tagapuna
na di natatapos ang pagsaksak
ng kanilang mga ideya't hinuha.

Tak. Tak. Pintura na pumapatak
nula sa kamay ng tiga-pinta
na nais itatak sa bawat utak--
ang buhay ay makulay, maganda.

Tak. Tak. Mula sa panulat na may latak
ng mga manunulat at manunula
na di alintana ang panghahamak
sa kanilang mga obra't akda.

Tak. Tak. Pinaghalong mga patak
na nangangahulugang may halaga ka
dito sa mundong malawak
at hinding-hindi ka mag-iisa.

Tak. Tak. Magkakaibang paksa
na pinagbuklod ng iisang patak,
at nagsasabing may silbi ka
sa bawat pagpatak ng oras. Tik-tak.

#MgaTumutugma

POSTER NG KOMPETISYON

Patak | May 2, 2020 | Mga Tumutugma | Poem Writing Contest | Partisipante | Bannie Bandibas

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...