Bannie | PleumaNimoX: April 2022

Search This Blog

Wednesday, April 6, 2022

PULO KAH Y' BANGAN

Pulo Kah 'Y Bangan
ni Bannie Bandibas

Maglayag tayo sa kung saan
Tahimik at walang makikialam.
Sa pulong layo'y isang daang
Kilometro mula sa pangpang.

Tanaw ko na ang daungan,
Naririnig ko na ang kantahan
Ng mga ibong nag-aawitan
Ng mga kantang kundiman.

Magtatampisaw upang mapunit
Mula sa balat ang nadaramang init.
Nakatingin sa bughaw na langit,
Masaya ako rito kahit... 

Kahit ang totoo'y nag-iisa lamang
Ako rito sa malawak na buhanginan.
Ang magagandang kantahan
Ay ilusyon ko lamang.

Ika'y isa lamang tau-tauhan
Sa istoryang kahangalan.
Walang perpektong kapuluan,
Walang "ikaw" na aking nahahagkan.

Ngunit kailangan ko nang magising
'Pagkat puso ko na'y dumadaing.
Itigil ang pag-ibig na kasinungalingan
At sana'y tuluyan na akong matauhan.

#LeSorellePublishing
#QuattroClub
#SummerTheme



Pulo Kah Y' Bangan | April 7, 2022 | Le Sorelle Publishing | Bannie Bandibas

LILIM

Lilim
ni Bannie Bandibas


Nandito ako, nakaupo
Sa lilim ng isang puno.
Tinatakasan ang init
Na sa balat ay masakit.

Ngunit mas mapanakit
Ang biglaan mong pagkapit
At biglaan mong pagbitaw,
Puso ko ang natunaw.

Nakangiti sa akin ang araw,
"Tayo!" ang kanyang sigaw.
Ngunit hindi na ako makatayo,
Nawalan na ng lakas ang binti ko.

Pagod na sa paghahabol sayo,
Kaya susuko na lamang ako.
Kahit kasi pilitin pa natin,
Hindi mo na ako kayang ibigin.

Tinangay ka na ng hangin,
Palayo mula sa akin.
May iba ka nang minamahal.
Sa puso mo, ako ay tinanggal.

Kahit patuloy akong nagmamahal,
Hindi na muling susugal.
Ang tangi na lamang na magagawa ko,
Ay maghintay, dito sa lilim ng isang puno.

#VisionaryInkPublishing
#VIPkasaamin
#SummerTheme


LOGO NG VISIONARY INK PUBLISHING


Lilim | April 7, 2022 | Visionary Ink Publishing | Bannie Bandibas

SANDATA

Sandata
ni Bannie Bandibas

Nagimbal ang buong bansa
Sa pagdating ng sakuna.
Delubyong di nakikita ng mata
Kaya nagbigay ng pangamba.

Dumaan ang ilang linggo,
Tila unti-unting nang natatalo.
Marami na ang apektado,
At dumadami pa ang natitiklo.

Ngunit ang hindi nalalaman
At naiintindihan ng ilan
Ay may sandatang nakalaan
Na labis na makapangyarihan.

Isang bayang pinagbuklod,
Dugong Pinoy na di paaanod.
Tanggalin—mga nakaharang na bakod,
Sabay-sabay tayong lumuhod. 

Bukas, gigising tayong nakangiti,
Saya sa mukha ang mamumutawi.
Kung magpapatuloy ang mga labi
Sa pagdarasal, pag-asa'y mananatili.


Sandata | April 7, 2022 | Bannie Bandibas

BUHANGINAN

Bu(hangin)an
ni PleumaNimox

Nakatitig ako sa BUAN,
Naaalala ang iyong mga ngiti.
Ang bawat tampuhan,
Na napapawi ng mga halik sa pisngi.

Naaalala ko ang mga panahon,
Sa tuwing umuuwi ka sa ating baryo.
Summer na, ika'y magbabakasyon--
Inaabangan ang pagdating mo.

Ngunit wala akong nasilayang "ikaw",
Ikaw na kasama ko sa tabing-dagat.
Ikaw na sa aki'y pumupukaw,
Upang maagang maglayag sa dagat.

Gaya ng bangka,
Tinangay ka na rin ng HANGIN.
Papalayo sa pagkabata,
Papalayo sa akin. 

Hindi na ikaw ang prinsipe
Ng ating kastilyong buhangin.
Hindi na ikaw ang hari,
Mula sa pagkabata'y dalangin.

Ngunit maghihintay ako dito
Sa kung saan mo ako iniwan.
Hahayaang matambakan ng bato
At buhangin sa BUHANGINAN ng ating nakaraan.

#LeSorellePublishing
#QuattroClub
#SummerTheme



Buhanginan | April 7, 2022 | Le Sorelle Publishing | Bannie Bandibas

PAWIS

Pawis
ni Bannie Bandibas


Ang pawis ko'y pumapatak
Kapag naiinitan, humahalakhak,
Naglalaro, pumapalakpak,
O kapag umiinom lang ng alak.

Kahit sa pagkain ng puto,
Sa simpleng pagtayo,
O kapag pagod sa trabaho
Ay pinagpapawisan ako.

Pawisin ako simula pagkabata.
"Sa likod, maglagay ng tuwalya"
Paalala palagi sa akin ni ina,
Nag-aalala sa aking hika.

Ngunit bigla kitang naisip.
Kaya ibang pawis ang sumisilip,
Kaya ba ng tuwalya ang sumipsip
Mula umaga hanggang pag-idlip?

Pagpapawis ng mga mata
Na kung tawagin ay luha.
Simula noong lumisan ka,
Sabi mo'y "bakasyon lang sinta!"

Hinihintay ang iyong pagbabalik,
Kahit nagkakasakit at ang araw ay tirik.
Ang pawis, sa pisngi'y humahalik,
Ang puso ko'y sa iyo pa rin nananabik.

LOGO NG VISIONARY INK PUBLISHING

Pawis | April 7, 2022 | Visionary Ink Publishing | Bannie Bandibas

UGAT

Ugat
ni Bannie Bandibas

Laganap ang kasamaan sa mundo,
Lumilikha ng mga away at gulo.
Mga pusong puno ng kasakiman,
Di nakukontento—lahat nilalamangan.

Mga batang lumalaking basagulero,
Imbis na lapis—hawak nila’y kutsilyo.
Mga batang mayaman ngunit pinabayaan,
Lumalaki at natututong maging gahaman.

Hindi na maikumpara ang peke sa totoo,
Dahil ang itsura nila’y pare-pareho.
Ang mali ay nagiging tama, napagkakamalan.
Nabubuhay na dala-dala’y kasinungalingan.

Saan nga ba nag-ugat ang lahat ng ito?
Sinong sisisihin? Sino ang nagplano?
Ang Diyos ba na lubhang makapangyarihan?
Dahil binigyan Niya tayo ng kalayaan?

Malayang gawin ang lahat ng gusto,
Kalayaang gumawa ng sariling plano.
Kalayaang magmahal at masaktan,
Kalayaang gumawa ng kasalanan.

Ngunit naisip mo ba na ang lahat ng ito
Ay hindi kalayaan kundi pagkabilanggo?
Maaaring ang ugat ay ang masalimuot mong nakaraan,
Ngunit ang manatili dito ay ang sarili mong bilangguan.

Ugat | April 7, 2022 | Bannie Bandibas

BIG BEN

Big Ben
by Bannie Bandibas

Everybody's laughing in my mind,
some are stabbing me from behind.
Never misjudged things about me
for they do it because they knew me.

They saw my darkest and worst,
they even saw how my tears burst.
They knew me from the inside-out,
every word I spill from my mouth.

I won't point anyone but to all.
To all who saw my fall.
I've been a good man to you, I bet,
can that be a reason that you won't regret
that we met one moment in time
and offered you my solemn rhyme?
Once, you've been so proud to me,
I hope that you can still be thee. 

I can't turn back the clock
and handle my fragile rock.
But no worries, everything is okay—
I'll be good and stronger someday.

If ever we'll see each other again,
I'll be a man, you once called little ben.

—Big Benjamin

Big Ben | April 7, 2022 | Bannie Bandibas

TALUMPATI

Talumpati
ni Bannie Bandibas

Sinimulan nang kabisaduhin ni Sarah ang itatanghal niyang talumpati bukas sa kanilang paaralan.

"Magandang umaga, mga nagpipitagang mga ginoo at gi—"

Napahinto siya sa pagsasalita nang dumating ang kanyang matalik na kaibigan.

"Sarah! Ano 'yan?"

"Ah, yo'ng talumpa—"

"By the way, nagkita ba kayo ni Harold ngayong araw?" Pagputol ng kaibigan sa kanyang pagsagot.

"Uhm... Oo, doon sa kubo sa likod ng sili—"

"Sssh!" Pagpapatahimik ng kaibigan kay Sarah. "May gusto ako kay Harold."

Nagulat si Sarah at napangiti na tila nahihiya. "May gusto iyon sa akin eh. Nanliliga—"

Tinapik siya ng kaibigan sa kanyang balikat. "Gusto mo rin ba si Harol?" Nakikita ni Sarah ang lungkot sa mata ng kaibigan kaya naisipan niyang magsinungaling na lamang dito. Hindi niya alam na nakikinig si Harold sa kanilang pag-uusap na nasa likod lamang nila, di kalayuan.

"Uhmm... Kasi... Hindi! Hindi ko siya gus—"

Tinakpan ng mga kamay ng kaibigan ang kanyang bunganga. Inalis niya ito at sa sobrang inis ay nasigawan niya ito.

"Teka! Kanina ka pa! Ilang beses mo na bang pinutol ang aking pagsasalit—"

Kinabukasan.

Natagpuan si Sarah sa kubo sa likod ng kanilang silid na wala nang buhay. Nakatali ang mga kamay at nakabusal sa kanyang bibig ang papel na kung saan nakasulat ang talumpating itatanghal niya sana noong araw na iyon. Napuno ng saksak ang kanyang katawan, dahilan ng kanyang pagkamatay. "Ang Pagmamahal Mo—Aking Kaibigan" ang pamagat ng kanyang akda.


Talumpati | April 7, 2022 | Bannie Bandibas

ISANG TAON

Isang Taon
ni Bannie Bandibas

Isang bagong taon.
Bagong pagkakataon.
Bagong luntiang dahon.
Bagong pag-ibig na di namalayang uusbong.

Enero, pinalitan na ang kalendaryo.
"Di na muling magmamahal," sambit ko.
Ngunit panahon ay labis na mapagbiro.
Sa unang tatlong buwan ang pina-ibig mo ako.

Abril, sadyang si tadhana ay talagang sutil.
Sinagot kitang tuluyan at di nagpapigil.
Mayo, sa isang buwan ay pinasaya mo ako.
Napuno ng tuwa ngunit 'yon ang akala ko.

Hunyo, Hulyo, Agosto, narito'y dumating.
Tila nauubos na ang iyong mga lambing.
Ito ang panahong kinatatakutan ko.
Ang pinagdasal kong 'wag mangyari no'ng Enero.

Setyembre hanggang Disyembre.
Napakabilis ng mga pangyayari.
Hindi ko na mahagilap ang iyong anino.
Heto, muli na naman nabasag ang puso ko.

Isang taon ang muling natapos.
Isang pag-ibig na kumawala sa pagkakagapos.
Huling araw ng taon, huli na sana, wag na sanang magkamali.
Pagkat sa susunod na tao'y ayaw ko nang masaktan na namang muli.


Isang Taon | April 7, 2022 | Bannie Bandibas

YAKAP NG UMA

Yakap Ng Uma
ni Bannie Bandibas

Ibinigkis ko ang mga braso ko sa kan'yang katawan,
Habang umiiyak—luha'y marahan niyang pinupunasan.
Ito 'yong araw na tuluyan na kaming ni inay ay nilisan
Ngunit mga paalala't habilin ang sa ami'y iniwan.

"Maging masaya ka sa kung anong mayroon ka."
Sambit niya kasabay ng pagngiti at dagdag pa—
"Sapagkat wala sa estado ng buhay ang tuwa
Kundi sa antas ng pagkakuntento sa mga biyaya."

Itinatak ko ang mga salita niya sa aking puso,
Kaya sa kabila ng kahirapa'y hindi ako sumuko.
Nawala man ang ilaw na nagpapasaya sa buhay ko,
Mananatili ang mga aral niya na dala-dala ko rito.

Hindi marangya ang buhay namin dito sa bukid,
Ngunit mayaman kami sa pagmamahalang di napapatid.
Ang samyo ng hangi'y sariwa, walang maruming bahid,
Tila yakap ni Ina na kasiyahan lamang ang ipinababatid.


Yakap Ng Uma | April 7, 2022 | Bannie Bandibas

SPOTS ON BLUE

Spots On Blue
by Bannie Bandibas

She's starring at a mirror and realized how long days gone by. Her smooth skin, wrinkled and eyes deepening. Chubby cheeks became worst.

She touches her belly and turns her eyes on it. "I'm an overweight ugly person," with a saddened voice. She leans unto her desk, no, it's his.

"Hey." She heard a voice from below. She looked but didn't saw anybody. As she lift her head, she saw the desk drawer. Opened it and found a picture. It's them, 47 years ago. He's with his thin arms hugging back the cutest girl in the campus. They've changed physically, he got her muscles and she got her fats. Now she fear that he'll change to, he'll love her no more.

She felt her heart tightened, insecurities burdened her.

A blue envelope peeked behind the framed photo, she lifted it up. It is her birthday gift to him, at his 20th. She remembered it, every poem, every word she written inside. The covers got white spots and its color is fading. Then memories came back to her senses, the chills she felt when she gave it to him and the joy when that boy appreciated her work. She never felt it before till he came, her reader who really adore her. He's still that guy.

Moments later, someone knocked. "Babe, are you there?" It's him. He entered the room and found her hugging the envelope.

"I found this." Looking at his eyes with sadness.

"Oh. That gift." He answered smilling, the same smile she saw when she gave it to him. She felt love but still lonely.

"What's the matter?" He added.

Without any hesitation, she asked him. "Do you still love me?" Still starring at him with her teary eyes.

He draw nearer and hugged her from behind. "Of course, I still love you." He pushes the envelope away from her body. "Do you see this spots?" He asked.

"I remember the last time I opened it before I hid that envelope in the drawer. It's before our wedding day." She lifted her head and saw him looking at her trying to keep his tears, breaking. "I cried overnight, praying while looking on that envelope. I prayed to God that we'll last, that the fire would still burn until the candles die. It's been forty years and I think, He is granting my wish everyday. Every morning, I always peek at that envelope and still feel the love." He kissed her cheeks. "Would you open it up for me?" He asked.

They run their eyes on every line written from the first poem to the last page, they both laugh hard. "I'm your happy boy." He teased her.

"Indeed, you are still my happy boy." Punched his chest. "You, bully!"

"Time may fade and have its spots but what's inside of us still remain. The words, the feelings, the love, it's still there and nothing could take it away from us but death."


Spots on Blue | April 7, 2022 | Bannie Bandibas

TEARS

Tears
by Bannie Bandibas

Every drop of this fluid
From my tired eyes,
Feels like a lucid
Dream, fantasized lies.

I care, but I'm scared.
I want to run with you,
But I won't dare—
For I may hurt you.

I was never been true,
Built from imagination.
But this fairy that flew,
Left you with tears and song.


Tears | April 7, 2022 | Bannie Bandibas

PARA NI KRAS

Para Ni Kras
ni Bannie Bandibas

Unang sabado sa Disyembre,
Hapit nang mga adlaw sa happy-happy.
Pila na ka-tuig ang niagi,
Buang gihapun ko nimo. Siyempre.

Magpadakop na lang guru ko bi,
Kay dili na jud madalag block sa fb.
Mangita man jug paagi
Makita ra imong pangag nga ngisi.

Ngano man gud nang imong pakyutkyut
Og kindat-kindat kadiyot.
Magmove-on na unta, apila'g dagkot,
Dili man jud ko kalimot.

Nalisang jud ko sa imuha,
Sakto na kaayo imong itsura
Maskin baho'g ilok—puryagaba,
Sige, antuson ko lang na.

Awa. Wallpaper pa jud tika.
Adlaw-adlaw ra nako makita
Ang buglat nimong mata
Og kagwapa. Sapat na.

Gatuo baya ko kanunay
Na basig Kras pud ko nimo day.
Maskin muingon sila usahay,
Na tanga ra jud daw ko—panuway

Pero unta makita na ko nimo te,
Ikaw na pud adjust bi.
Dugay na jud ko available dinhi,
Wala ra juy mupili.

Hangyo na jud baya ni ha,
Diskawnted og sale pa.
Unta puhon oi madagma ka
Madagma nas akoa.

Para ni nimo Kras
Merry Krismas.


Para Ni Kras | April 7, 2022 | Bannie Bandibas

LOURDES

Lourdes
ni Bannie Bandibas

"Napakabait niyang lalaki. Kailanman, hindi niya ako hinayaang masaktan. Hindi nararapat sa kanya ang mamatay sa ganitong paraan. Hustisya. Hustisya. 'Yon ang kailangan."

Ito ang mga salitang paulit-ulit kong sagot sa mga taong dumarating sa burol niya, tinatapik ang likod ko't nagtatanong ng "kumusta ka?"

Labis ang nararamdaman kong lungkot pagkat nasaksihan ko rin ang una at huli niyang pagtawag sa Panginoon.
---

"Napakabait mong lalaki." Sambit ko sa kanya habang nakaupo kami sa sala.

Tugon niya, "siyempre, ako pa."

"Oo nga. Sa sobrang bait mo'y hindi mo hinahayaang masaktan ako." Dagdag ko habang nakatitig sa kanyang mukha na medyo nangingilid ang luha.

Napatingin siya't nagulat sa emosyong pinapakita ko. "Anong nangyayari? Napano ka?" Tanong niya na may pag-aalala.

"Salamat. Salamat kasi di mo ako hinahayaang masaktan. Masaktan sa mga itinatago mo. Itinatago mong matagal ko nang alam." Sabi ko nang may galit sa boses.

Napaurong siya paatras at kitang-kita ang gulat sa kanyang mukha. "Ano? Paano?"

"Alam kong matagal mo na akong niloloko pero salamat. Salamat kasi hindi ka nagpahuli. Hindi ka nagpahuli noong una para hindi ako masaktan. Pero hindi ko na kaya ang sakit. Hindi ko na ito matitiis lalo na't kaibigan ko pa ang inakit mo. Nasasaktan ako." Sigaw ko sa kanya.

Kinuha ko ang patalim na nakaipit sa gilid ng "sofa" at itinutok ito sa kanya.

"Hindi ka dapat mamatay sa ganitong paraan... Dahil dapat mamatay ka sa mas brutal pang paraan. Pero sa ngayon, ganito na lang para matapos na." Paulit-ulit kong sinaksak ng ilang beses ang lalaking pinakamamahal ko kasabay ng pagsigaw ng "hustisya."

"Hustisya. Hustisya. Hustisya."

Hustisya, hindi para sa 'yo kundi para sa lahat ng mga niloko at niloloko.

"Bakit? Lourd..." Huling mga salitang nabanggit niya habang binabawian ng buhay. Mali ka ng tinawag.

Hustisya. 'Yon ang kailangan ko.



Lourdes | April 7, 2022 | Bannie Bandibas

LAGABLAB

Lagablab
ni Bannie Bandibas

Lumang tanikala ay ilunod sa purong gaas
At sindihan nang init ay makaalpas.
Gasera at sulo ang magiging sandiga't gabay,
Asahang magliliyab sa paglalakbay.
Baul ay buksan nang sandata'y makatakas,
Lihaing mabuti hanggang tumalas.
Asahang problema't hirap sayo'y maghihintay,
Baga sa apoy nang ikaw ay tumibay.

EDIT NG INYONG LINGKOD

Lagablab | April 7, 2022 | Bannie Bandibas

MOTHER

Mother
by Bannie Bandibas

Her heart is as precious as gold,
Brave, fearless, strong and bold.
Cast in a specially made clay-mold,
Helps willingly and easy to fold.
She might only be a simple matter,
But her importance is like a water.
A diamond nobody can shatter,
She is a buddy, friend and a mother.


Mother | April 7, 2022 | Bannie Bandibas

KANINONG PLUMA

#TNPsaKAMPI2
#AngIkaapatNaHamon
#PangkatKatapangan

Kaninong Pluma
ni Bannie Bandibas

Dagat
Ulap
Hangin
Kandila

Marami ang agad na nagtatanong sa tuwing nababasa nila ang kaniyang mga akda, sino raw ang may-ari ng pluma? Sino ang nagbuhos ng abo at nag-ihip ng hangin sa mga salita upang magkaroon ng sariling buhay? Di kaya'y isa siyang diyos o engkanto na ibinagsak ng langit sa lupa upang may magkulay muli ng napusyaw na literatura? Marahil ay napupuno siya ng ningning at katanyagan, iyan ang kanilang akala. Natatanaw nila siyang maharlika ngunit ang totoo'y isa siyang dukha. Pulubing pinagkaitan ng tadhana sa kabila ng talentong tunay na kahanga-hanga.

Nagsimula sa pagsulat ng mga tulang may tugma ngunit magulo ang punto. Walang lasa ang mga kataga, walang kuwenta mula simula hanggang dulo. Di niya rin alam ang gamit ng mga bantas, pati ang batas ng bawat uri ng tula na may sariling bilang ng sukat o kahit malaya. Ni hindi niya alam ang salitang makata, basta't nakapagsusulat siya. Paraan niya upang mapansin at mailabas ang mga saluobin ngunit atensyon sa kaniya'y patuloy na ipinagdadamot. Ngunit hindi sa pinanghinaan ng luob at patuloy na nagsagwan sa malawak na karagatan. Sinuong at tinawid ang mga DAGAT ng literatura, matapang na naglakbay.

Nagsimula siyang matuto mula sa mga libro at mga grupong umaakay sa mga bagong manunulat. Nagsanay at ginawa ang lahat upang matawag ang sariling isang bihasang makata. Nagpalit ng pangalan, pangalang papahalagahan habambuhay. Manunula ang ibinigay niyang titulo sa kan'yang sarili, patuloy siyang nakumbinsi na sisirin ang kailaliman ng literaturang pinili. Naging lider hindi upang maging idolo kundi pinunong mapagkumbaba at handang tumulong. Naging masaya siya sa ginagawa niya. Dito siya malayang liparin ang kalakawan, natatanaw niya ang lahat at nilalasap ang rurok ng tagumpay at karangalang natatanggap niya. Ngunit hindi inaasahan ang mga ULAP na pipigil pala sa kan'ya.


Kaninong Pluma | April 7, 2022 | Katipunan ng mga Manunulat sa Pilipinas | TNP sa KAMPI – Ikalawang Paglayag | Partisipante (Not Submitted/Incomplete) | Bannie Bandibas

WALANG PAMAGAT

Before the nature and every creature turn to dust,
Why not we learn to be mindful and have the trust
That people has still the heart to care and conserve
Every living creature 'coz that's what they deserve?



Friends for Leadership
ASEAN Centre for Biodiversity
#EarthDayFromHome 

April 7, 2022 | EarthDay2020 | ASEAN Centre for Biodiversity | Bannie Bandibas

KANINONG KARAPATANG PANTAO

Kaninong Karapatang Pantao
ni Bannie Bandibas

Sa paligid ay nilibot ko ang aking mga mata.
"Anong nangyayari?" Naguluhan nang di sadya.
Laganap ang mga pag-aaklas at kilos-protesta.
"Karapatan naming mapakinggan!" Sigaw nila.

Sa kabilang banda'y nagtipon, mga liderato.
Hawak nila'y mga adhikain na kusang binuo.
"Mapagbigyan ang ninanais ay karapatan ko
At ito'y para rin naman sa ikabubuti ninyo."

Nilunod ang isip sa banggaan. Napagitnaan.
Nag-iwan ng tanong. "Sinong aking papanigan?"
Ito'y masasabi pa ba nating pantaong karapatan
Kung nagiging resulta ay ang ating sariling kasiraan

Nagmumuni-muni't sa malayo'y biglang napatingin.
Natanaw ay musmos na nakabalot sa puting lampin.
Sa kanya na walang boses at posisyong inaangkin,
Ang karapatang pantao ba'y inyo ring diringgin?

Kaninong Karapatang Pantao | April 7, 2022 | Bannie Bandibas

MAPAGKUMBABA

LABOR DAY 2019

Mapagkumbaba
ni Bannie Bandibas

Mga Sangkap:
a. Tunay na pagka-makatao
b. Kasipagan
c. Talino na may puso
d. Kakayahan

Pamaaraan:

Una.
Ang mga sangkap ay hugasan muna.
Maiging linisin ang budhi at konsens'ya
nang hindi magkaroon ng kontrobersya.

Pangalawa.
Panluto ay iyo nang ihanda,
Isama mo na rin ang mga pampalasa
nang mabigyang buhay ang opisina.

Pangatlo.
Ibuhos ang pagka-makatao,
isang mabuting empleyado.
Hindi mo naman kasi kailangang magpabibo
para purihin ng kahit na sino.

Pang-apat.
Dagdagan ng kasipagang sapat.
Mga Pilipino'y d'yan namulat.
Pagkat paano aasenso ang salat
kung tatamad-tamad at makunat?

Ikalimang padyak.
Puso ay ipatak,
kasabay ng paggamit ng utak.
Pagkat luto'y papait, tiyak
kung mga salita'y masyadong matulis ang tarak.

Huling pamamaraan.
Ihanda ang luto't silid kainan
nang naaayon sa iyong kakayahan.
Ang ipilit ang sobra ay hindi kailangan
para mapansin lamang at ang iba ay malamangan.

Produkto:
"Kung promosiyon ang gusto,
hintayin lamang ang panahon mo.
Manatiling mapagkumbaba
at tiyak may biyaya."


Mapagkumbaba | April 7, 2022 | Bannie Bandibas

SUGAL

Sugal
ni Bannie Bandibas

Ganid ang tadhana
Ngunit masaya akong nakilala kita kahit na
Ang puso mo'y kailanma'y di magiging akin, sinta.
Dinggin mo sana itong akin tula.

Hiniling ko noon sa buwan,
"Tadhana, ako sana'y pagbigyan.
End this suffering and foolishness.
New me is what I wish. Happiness.
New life for new year with new heart.
Everything that hurts, take away that part."

Kakalimutan ko nang minahal kitang panandalian,
Ang pagdating mo sa buhay ko'y magiging aral.
Salamat sa mga kasiyahan na ikaw ang dahilan.
Salamat sa 'yo at magiging maingat na ako sa susunod kong pagsugal.

Sugal | April 7, 2022 | Bannie Bandibas

BAKIT KA NAG-STAY

Bakit Ka Nag-stay
ni Bannie Bandibas at Cristy Joy Berezo

1: Hi, Wish!

B: Bakit ka nag-stay?

2: Nagsimula tayo bilang magkaibigan
sa pag-aakalang sana balang-araw
maging magkaibigan tayo,
na baling araw mabubuo ang tayo.

1: Nagsimula tayo sa posibilidad na ganyan,
unti-unting lumaban sa bawat pagsubok.
Unti-unti, paunti-unti hanggang sa kumonti
ang mga rason para manatiling magkaibigan tayo.

2: Nagtapat ako sa 'yo, eksakto...
Eksaktong alas otso, otso kasi ang maswerteng numero.
Wish, sa bawat pagngiti mo.
tila ba nakamtan ko na ang kahilingan ko.

1: Nagtapat ka at sa bawat araw na tayo’y magkasama, 
nagiging mas maalaga ka...
Na sa bawat oras na nariyan ka, nais kong pahintuin
ang mga kamay ng orasan upang tayo’y mas tumagal pa.

2: Mabagal, pabagal nang pabagal
ang oras na magkasama tayo,
dahan-dahan ay mas nahuhulog ako sa ‘yo
pero bakit bigla kang nagbago?

1: Hindi naman ako nagbago nang walang dahilan,
hindi naman ako magkakaganito
kung sa bawat pagtitig ko sa mga mata mo
nakikita ko pa rin ang anino ng nakaraan mo.

B: May mga bagay sa mundo na pilit man nating itago...
Hindi maaari.
May mga bagay na pilit man nating kalimutan,
parang sirang plaka, paulit-ulit lang na bumabalik.

1: Sa kuwento nating dalawa,
may isang karakter sa dating mga pahina mo.
Nakakaiinggit siya, Wish, sapagkat siya yung minahal mo noon nang sobra
At tila ba may kapangyarihan siya ngayon na kunin ka na lang nang basta-basta.

2: Bakit mo naman kasi kailangan basahin
ang libro ko, ang aklat namin?
Bakit mo pinipilit na ang mga pahinang iyon ay punitin
at isiksik sa librong binubuo natin?
Di naman kailangan. Di ba?

B: Pilit man nating kalimutan ang nakaraan,
hahabulin pa rin tayo nito sa kasalukuyan.

2: Kung ganoon, ba’t di na lang tayo tumakbo?

1: Pilit man nating takasan ang nakaraan, mapapagod lang tayo sa katatakbo.

2: Ayaw ko!

1: Bakit?

2: Kasi natatakot ako.
Kasi sa bawat pagbalik ko sa nakaraan,
nararamdamna kong nagiging tuta na naman.
Sunud-sunuran.
Parang isang ibon na nasa kulungan
na bukas naman ang pintuan
ngunit ayaw tanggapin ang kalayaan...

At tulad mo. Natatakot ako
na maiwan ka.
Dahil alam ko na siya pa rin ang aking pipiliin kahit di ko pilitin.

1: Sa ‘yo na rin mismo nanggaling, Wish.
No'ng una pa lang, unang beses ka pa lang nagtapat,
sabi ko sa sarili ko'y “siguradong masakit to”
pero sumugal ako, sumugal ako sapagkat sinabi mong tapos ka na sa kanya.

B: Takot ka. Natakot tayong dalawa
pero sa halip na lumaban, mas pinili nating huwag na lang.

1: Kung ganyan lang naman pala ang magiging katapusan...

Wish,
Bakit ka nagstay?


1: Kasi ayaw ko nang masaktan.
Marupok ako wish
at ikaw ang sa aki’y sumasalba.
Ang mga panahong kasama kita
ay tinatabunan ang mga ala-ala niya.
sa ‘yo ako nakahihinga.
Oo, Wish,
panakipbutas lang kita.
Patawad.
Patawarin mo sana.
(Silenced)

Pero nagtataka ako.
Alam mo na rin kung saan ito patungo
pero bakit ka nag-stay?

1: Kasi... Bakit hindi?
Pinili kong manatili
sapagkat naniwala ako.
Alam kong imposible pero naniwala ako,
naniwala ako sa mga sinabi mong tapos na kayo.
Naniwala ako kasabay ng mga sana...
Sana sa pagbalik niya, ako ang pipiliin mo.
Na mas pipiliin mong ipaglaban ang tayo at isuko na ang kayo...

Pero nagkamali ako.
Naging mahina ako, alam kong sa simula pa lang, ako na ang talunan sa larong 'to
pero sumugal ako kahit alam ko na ang katapusan.
Mali bang umasa,
Mali bang maniwala?
Nasaktan ako,
Ginamit mo ako,
Nagpagamit ako
kasi mas pipiliin kong masaktan lumigaya ka lang.

2: Wish?
 

B: Sana nga.

FACEBOOK VIDEO

Bakit Ka Nag-stay | April 7, 2022 | Bannie Bandibas | Cristy Joy Berezo

AGILA

Agila
ni Bannie Bandibas

Nang sumabak ako sa kursong ito
Ay, aaminin ko, di ako sigurado
Kung kakayanin ko nga ba talaga
O baka ito ang lalagot sa hininga?

Ngunit pinili ko pa rin, sinubukan,
Kahit ito'y tila masukal na kagubatan.
Humakbang, pumasok sa kadiliman,
Di alam kung mayroon bang labasan
At ang tanging ilaw mo ay ito,
Itong puso ko na di sumusuko. 

Sa pagsuong mo sa gubat,
Mga masasaksiha'y ikagugulat.
Mga hayop ang sa iyo'y magmumulat.

Agresibong baboy ramo.
Bababuyin mo ang sarili mo
Sa puyat, sa gutom at walang liguan
Ng ilang araw, makapag-aral lang.
Ngunit wala pa ring napapala,
Bagsak na grado pa rin ang natatala. 

Kunehong alagad ni kupido.
Ito, bibihagin ang karupukan mo.
Ito, ang tinatawag nilang pag-ibig
Na kung saan-saan ka ikakabig.
Minsan, pataas. Minsan pababa.
Kakainin ang oras mo nang di sadya.

Dagang nagwawala.
Ito ang pagkawala
Ng utak mo sa iyong sarili—
Pagkat di na kinakaya ang hapdi
Ng di mo pagka-intindi
Sa pinag-aralan mong mga sipi.

Elepanteng dadaganan ka.
Ito ang mga bitbit mong problema.
Dahilan ng biglaan mong panghihina,
Kaya maiisipan mong magpahinga
O baka tumigil na nga talagang tuluyan
Pagkat ito'y nakaharang sa daan
Patungo sa pangarap na inaasam.
Mapapagod. Lalamlam.

Ngunit may isang hayop na aking paborito
Sa buong paglalakbay ko sa kakahuyang ito.
Sa dami ng humarang, ito ang magpapatibay
At tuturuan kang buong puso ay ialay. 

Ang agilang matayog ang lipad
Na kahit ang paa'y minsan sa lupa'y sumadsad,
Magpapatuloy sa pagpagaspas
Hanggang sa tuluyang makaalpas.
Maging agila ka't maging matayog sa pag-abot ng pangarap
Nang sa dulo ay tagumpay ang iyong malalasap.



Agila | April 7, 2022 | 13th NFJPIA 12 Annual Regional Convention | Bannie Bandibas

13 REASONS WHY

13 Reasons WHY
ni Bannie Bandibas

A girl
 who is simple,
Gentle and smart.
A good daughter,
Owns a giver's heart.

Lady in black and red,
For love is her motivation—
Lighting up her way
That leads to the right destination.

She owns her heart
But freely offers
Overflowing care
And joy to others.

A brave
 woman,
Never boasting.
Mightily bears what
She believes in.

Everything she do
Is engaged with faith.
She welcomes every one, 
But not an easy gate.

A blooming rose,
Red as her bitten lip.
Treasures like rubies
Those relationships she kept.

Living at the moment,
Learning for tomorrow—
Loosing the grip,
Leaving her past of sorrow.

Intelligent one,
Always imitated—
Like expensive ivory,
Impossible to be copied.

She's even and just—
No hard eruption,
But produces earthquakes
that may shake the whole England.

Trustworthy and true,
Ready to give her time.
Treat you special even
You feel like a tiny dime.

Unique as rare coins,
Refined, uncirculated.
Patient and understandable,
Born for world peace and be united.

Rough roads she survived,
Reasons makes a drive.
She is a rock hammer,
Wants reality to dive.

Archer of love,
Made me admire you.
In a dream I hoped
That would arrive true.


13 Reasons Why | April 7, 2022 | Bannie Bandibas

BULONG SA HANGIN

Bulong Sa Hangin
ni Bannie Bandibas

Iminulat ang mga mata, umaga na naman.
Pinatunog na ang kampana ng simbahan.
Hinawi ang kumot, bumangon, dahan-dahan.
Simbang gabi na, panahon na inaabangan.

Puno ng pananabik sa unang araw.
Kahit di masyadong makagalaw
Pagkat nanginginig sa sobrang ginaw,
Humakbang at binuksan ang ilaw.

Gising na pala sila kanina pang ala-una.
Nagkakape, nag-uusap na may pagtawa.
Nagagalak ang puso, napupuno ng tuwa.
Ang sarap mapabilang sa ganitong pamilya.

Iyong hindi ko maisip, makita o mawari
Na kapag isang araw ay may trahedyang mangyari—
Ang mga tawa ba nila'y maririnig kong muli?
Ang mga pisngi ay dadalawin pa rin ba ng ngiti?

Lumipas ang mga araw at ito na ang huli,
Huling araw na kami'y magsisimbang gabi.
Hawak-kamay, nakikinig sa sermon ng pari.
Napahawak sa rosaryong sa leeg ko nakatali. 

"O Diyos ko!" Biglang nasambit ng bunganga.
"Salamat sa buong taon na nakasama kita.
Alam kong hindi mo ako pinabayaan, Ama.
Napatawad ang sarili at ngayo'y panatag na."

"Isang taon ang lumipas mula noong huling araw.
Tunog ng ambulansya ang siyang umaalingawngaw.
Huling araw noon ng simbang gabi at ang araw
Na nasilayan ang mga ngiti ng kanilang pagpanaw."

Ginulat ako ng pagtunog ng kampana ng simbahan.
Tumigil sa pag-iyak at ang pisngi'y pinunasan.
Natapos na ang misa, tumingin sa kalangitan.
Mag-isang magpapasko ngunit puso'y may kagalakan. 

"Ama, pakinggan mo sana ang mga bulong sa hangin,
Ang bawat nilang kahilingan at mga panalangin.
Kahit hindi na yong akin, pagkat tanggap ko na rin
Na hindi mo na sila maaaring muli pang buhayin. Amen."


Bulong sa Hangin | April 7, 2022 | Bannie Bandibas

ANG PRINSIPYO KO NG PAG-IBIG

Ang Prinsipyo Ko Ng Pag-ibig
Inayos ni Bannie Bandibas


Chorus: Sa mundong ating ginagalawan,
Sa kahit anong lakaring daan,
May makakasalubong ka—
Mga taong mapanghusga.
Mga kumento nila'y nakahanda
Para ipukol sa 'yo't ipakita
Ang kanilang pagsalungat
Lalo na sa nabanggit naming pamagat.

Chorus: Hi, wish!

Me: 
Dakilang pakboy ang tawag nila sa akin,
Tingin naman ng iba ay masyadong mahangin.
Kasalanan ko bang maging magandang lalake
At isang kindat ko lang, nakalalaglag pante.
Nakukuha ko lahat ng kahit na sinong dilag,
Anong meron ka na wala sa iba
At ang tulad kong tigasin ay pinapakaba?

You: 
Ikaw ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko
Sa lalake, lalakeng bolero't feeling gwapo.
Mga lalakeng ang gusto lang ay mapansin,
Mga lalakeng gusto ang lahat ay maangkin.
Ibahin mo ko dahil hindi ako babae,
Hindi ako pangkaraniwang babae.
Di ako nagpapauto sa mga kagaya mo pre,
Kaya lumayo-layo ka na. Tsupe.

Chorus: Mga pusong di magkasundo
Saan kaya patutungo?
Halika at ituloy na natin ang kwento.

Me: 
Naging malapit at sinimulan kitang kaibiganin,
Nagbabakasakaling mahulog ka rin sa akin.
Pero tila napakatigas at tibay ng puso mo
Na ni isang hokage moves ko, di gumagana sa 'yo.
Pumapalya na yata tong powers ko,
Baka nagpapakipot ka o hindi mo lang talaga ako gusto?

You: 
Gusto naman kita ngunit bilang kaibigan,
Pagod na rin kasi akong masaktan.
Ayaw ko na sa mga lalakeng habol lamang ay katawan,
Yung susubukan at pipilitin kaming mapuntusan.
Guys are guys. And girls are not your toys—
You should man-up and do not play like boys. 

Chorus: Mahirap maintindihan ang ayaw intindihin,
Ang konsepto mo ay hindi tulad ng sa akin.

Me: Sa lipunang malabong makakita ng tugma,
Pipilitin ang sarili na ang lahat ay makuha.
Kahit sabihin ng iba'y nagmumukha nang tanga,
Ganito ang pinili kong pag-ibig kaya bahala na. Sana.

You: Sa lipunang ang batayan ay ang pagmamahalang eva at adan
Kung ang pamantayan ng iilan ay ang kasarian
Kung puro pag mamalupit, ang kapalit ng totoong nararamdaman
Ako kaya'y maiintindihan? Sana.

Me: Nagmamahal ako.

You: Nagmamahal ako.

Me: Kung gayo'y ba't di na lang tayo?

You: Ayaw ko, pagkat pareho tayong talo.

Chorus: Oo. Hindi tayo talo.
(Ako/Ikaw) yung lalakeng nanggagago
At babae ang gusto (Mo/Ko).

Chorus: 
Ikaw?

You: Panghahawakan mo ba ang prisipyo mo ng pag-ibig kahit alam mong mali?

Me: O bibitiwan ang kaligayahan nang di mahusgahan at masisi?



Ang Konsepto Ko Ng Pag-ibig | April 7, 2022 | Bannie Bandibas | Cristy Joy Berezo

DYIP

Short Love Stories ep.1 - Dyip
ni Bannie Bandibas

It was a cold night. I just have finished a bottle of beer, It's time to go home. I'm still conscious, a liter of beer can't throw me up.

Nakarating ako sa terminal ng jeep at naupo sa harap, siyempre ayaw kong may makaamoy sa akin. I'm not used to drink a lot pero kapag nakainom ako, I know how to be responsible with my actions in any situation. As I were waiting, a woman approached me. "Pwede bang dito na ako sa tabi mo?" I can't clearly hear her next lines, I think it's the reason why she wanted to sit at the front seat, pero umusog ako para makaupo siya. I thought, baka lasing din to.

The engine started and the driver stepped on the gas. Hindi ako lasing pero inaantok ako, dagdag pa ang sakit ng ulo as we are traveling, I could hear hard cries. It's from the lady beside me. "Pagod na ako," paulit-ulit niyang sambit. I forced my self na hindi makatulog kasi baka masagi ko siya kapag nawala na ako sa ulirat. Hinayaan ko na lang siya habang umiiyak.

Few moments after, she suddenly moved backward and grabbed my arms. Gustuhin ko man ay nahihiya akong alisin ang kamay niya sa pagkakakapit. She dropped her head over my shoulders, pagod nga talaga siguro. For less than an hour, she was just right there, sleeping comfortably. I merely see her face kahit nasa harap ko na 'yong front mirror, nakaharang kasi 'yong buhok niya.

It was ten in the evening nang makarating kami sa barrio namin. Binitiwan niya ang braso ko at tuluyang nagising. Malapit na akong makarating sa entrance ng subdivision nang bigla niya akong hinalikan sa labi, a smack. I didn't felt romantic, I felt so embarrassed and insecure. Amoy alak bunganga ko and I have always the thought na it's a big turn-off sa mga babae. Natulala ako at hindi namalayang lumagpas na ako sa amin. Nakakahiya namang pabalikin si manong kaya pumara na lang ako. Bumaba siya para makadaan ako. Nagbayad ako ng singkwenta kay manong bago lumabaa ng jeep. I tried not to look at her kasi nararamdaman kong tinititigan niya ako. As I were about few metera away, naalala kong hindi ko nakukuha sukli ko. I turned around pero lumarga na ang jeep kaya hindi ko na lang hinabol but the woman took a glance to me and mimic the words "Thank you." I am shocked inside kaya di ko alam kung anong gagawin but I just gave her a smile and continue to walk home.

I immediately dropped myself at my bed, amoy alak at pagod. Hindi ko na inisip ang gagawin basta gusto na lang matulog but the girl bothers me. It was like a mystery that left me questions, I ended my night thinking about what happened.

In the morning, nahuli na ako ng gising. Eight o'clock ang pasok ko and it was passing seven thirty. Hindi na ako kumain, I took a bath at agad bumiyahe. Napansin kong pamilyar ang jeep na sinasakyan ko, ito 'yong parehong jeep kagabi. I'm am, again, at the front seat. I can't manage myself na tingnan si manong, gusto kong tanungin siya tungkol sa hindi ko nakuhang sukli pero nauna siyang magsalita. "Ikaw 'yong lasing kagabi, di ba?" tanong ni kuyang drayber. "Ahm, Opo," nahihiya kong tugon. "Oo nga pala manong, nakalimutan ko pala iyong sukli ko," dagdag ko. "Teka, resibo nga lang 'yong binigay mo sa akin, sobrang lasing mo siguro kaya hindi mo namalayan." Tinapik niya sa balikat ko habang tumatawa. "Hala, pasens'ya na po, babayaran ko na lang po." Dinukot ko ang wallet ko sa bag pero tinulak niya ang kamay ko. "Wag na iho, tiyaka libre na lang 'yon. Naririnig kasi kitang humihikbi kagabi at paulit-ulit na sinasabing pagod ka na kaya hinayaan na lang kita." Nagulat ako sa aking narinig, hindi kaya iyong babae ang tinutikoy ni manong? "Hindi po ako 'yon, iyong katabi ko po yatang babae ang narinig n'yo." Napatingin si manong sa akin habang unti-unting bumabagal ang andar namin hanggang sa huminti. Tinitigan niya lang ako ng ilang minuto at bigla siyang nagsalita, "Oo nga, parang boses babae iyong narinig ko. Pero iho, ikaw lang ang pasahero ko kagabi."


Dyip | April 7, 2022 | Short Love Stories | Bannie Bandibas

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...